Kabanata 19

18 1 0
                                    

Nanghina ang mga tuhod ni Lester matapos marinig ang journal ni Chen Allen. Halo-halo ang emosyon sa kanyang puso at gusto niyang maiyak sa nalaman. Kung ganoon ay lolo niya ito at kilala rin si Ezekiel! Hindi niya malaman ang gagawin at iisipin. Parang puputok ang ulo niya sa mga rebelasyon.

Ako at ang aking lolo, ay may iisang lalaking iniibig? Napakasaklap naman noon! At nangakong maghihintay ang Prinsipe libong taon man ang lumipas...?

Kung ganoon...

Bakit? Bakit kailangan ko siyang makilala? Bakit kailangan niyang lumitaw sa aking mga panaginip?!

Napalugmok siya sa sahig.

Nakita niyang tahimik na tulala lamang si Zeke matapos basahin nito ang nakasulat sa journal. Walang emosyon ang mukha at tila wala sa sarili. Ang kanyang Tito naman ay palakad-lakad sa isang tabi.

Maya maya'y nagsalita ang tiyuhin, "Kaya pala isa akong Fujushi. Dahil iyon sa dugo ni ama. At kung ganoon..." huminto siya at nag-isip ng maigi bago nagpatuloy, "Kung ganoon ay maaaring may kaugnayan sa mga ginto ang pagpapapatay kay Lester. Maaaring iniisip nila na mayroong nakatago at naiwanang ginto si ama o hindi kaya'y kamkamin ang lahat ng pinaghirapan ni ama, nais nilang makuha ang kayamanan dahil sa kanilang ganid na budhi! Kung totoo nga ang aking kutob, paano nila nalamang ang aking ama ay si Allen Chen ganuong nagpalit na siya ng pangalan?!"

Tahimik lamang si Lester. Wala pa rin sa sarili si Zeke.

"Hoy Zeke!" Tinapik ng Tito niya si Zeke bago pinuna, "Ang tahimik mo, ano ang iyong masasabi ngayon? Maaaring ang nais ni Larry Han ay makuha ang kayamanan ni ama hindi ba? At ang kasunod nilang balak patayin ay ako, hindi ba?"

Tumango si Zeke at sumagot, "Maaaring tama po kayo Tito."

Tumunog ang cellphone ni Zeke.

"Hello."

Hindi marinig ni Lester ang nasa kabilang kawad, tanging boses lamang ni Zeke ang kanyang naririnig.

"Good! Make sure na may evidence."

Napatayo si Lester. Mukhang nahuhulaan niya ang nangyayari. Lumapit siya at bumulong kay Zeke, "Sa hospital ba iyan?"

Nang tumango ang lalake, sari-sari ang naramdaman niya. Talagang balak nga siyang kitilan ng buhay ng mga hayop na iyon.

"Tito, pupunta ako sa hospital. Maiwan ko muna kayo, ako ng bahala kay Lester at huwag kayong mag-alala," paalam ni Zeke sa kanyang Tito.

Nagmadali silang umakyat sa hagdan palabas sa underground at mabilis ang mga hakbang na nagtungo si Lester at Zeke sa sasakyan.

Halos paliparin ni Zeke ang sasakyan patungong hospital sa pagmamadali at ni hindi niya magawang magsalita. Pakiramdam ni Lester ay mahuhulog ang kanyang puso. Napuno siyang bigla ng takot. Takot na maaari silang bumangga anumang oras. Takot na makita ang duguang katawan ni Zeke. Takot na hindi na sila maaari pang magkita. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang katawan sa takot. Nangangatal din ang kanyang labi. Pakiramdam niya ay wala ng dugo ang kanyang mukha. Nanlalamig din ang kanyang pakiramdam.

"Lester! Lester!"

Hindi na halos maunawaan ni Lester ang mga sinasabi ni Zeke. Takot na takot ang kanyang pakiramdam. Hanggang sa nakaramdam na lamang siya ng may kalakasang sapak sa pisngi. Doon siya nahulasan.

"Bakit ka nananapak Zeke?!" galit niyang sita kay Zeke.

"Bullshit. Just what the hell happened?!" galit ding tugon ni Zeke.

Nagulat si Lester ng bigla siyang kabigin ni Zeke ng mahigpit at dinala sa kanyang mga bisig. Hinagod niya ng pauli-ulit ang kanyang likuran. Saka niya pa lamang napagtantong nakahinto na ang kanilang sasakyan sa tabi ng kalsada.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon