Ilang araw na tumira si Allen sa tabingdagat kasama ang matandang si Lucas. Inalagaan siyang mabuti ng matanda hanggang sa tuluyang bumalik ang kanyang lakas. Subalit hindi maaaring hindi siya umalis sa lugar na iyon kung hindi ay wala siyang mararating sa buhay at mabibigo ang kanyang mga magulang.
Makalipas ang halos dalawang buwan ay nagpaalam siya sa matandang si Lucas upang muling maglakbay. Nangako siyang dadalawin ang matanda kapag naging maayos ang kanyang kalagayan sa siyudad.
Nang umalis sa tinitirhan ay kinabisado niya ang pook, ang bawat detalyeng maaari niyang pagtukuyan sa tamang daan pabalik sa tabingdagat na tahanan ni Lucas. Tinandaan niya ang malaking simbahan sa bukana ng nayon, ang malaking puno ng mahogani sa malapit sa bahay at higit sa lahat ay ang dalawang malaking tipak ng bato na mismong kinasasandigan ng bahay ni Lucas. Imposible para sa kanya ang hindi matukoy ang lugar kapag siya ay bumalik.
Nang makarating sa siyudad ay sumubok siyang magkaroon ng mapagkakakitaan at namuhunan ng ilang ginto upang makapagpagawa ng maliit na tindahan. Nagbenta siya ng sari-saring paninda. Maayos ito sa umpisa subalit kalaunan ay nabigo siyang palaguin iyon. Napakarami kasing kamompetensiya at natatakot siyang sairin ang kanyang mga ginto at alahas.
Hindi naglaon ay ibinenta ni Allen sa iba ang tindahan at malungkot na nilisan ang lugar. Binalak niyang tumawid muli ng karagatan subalit nakaramdam siya ng takot. Kaya naman naisipan niya na lamang maglakbay patungo sa kabilang siyudad sa pamamagitan ng pagsakay sa tren.
Bago iyon, naisip niyang bisitahin ang matandang si Lucas bago tuluyang iwanan ang lugar. Dala ang panibagong bag sa kanyang likuran at isa pang bag na kanyang bitbit ay bumalik siya sa lugar na naging tirahan niya sa loob ng ilang linggo. May inihanda siyang ternong damit at sapatos upang ipasalubong sa matanda.
Masayang naglakbay si Allen patungo sa tabingdagat.
Subalit kakatwa naman!
Sapagkat ang tanging dinatnan niya sa lugar ay ang malaking puno ng mahogani at ang dalawang malaking tipak ng bato na dapat ay katabi ng kubo.
Subalit walang kubo doon at para bang ni minsan ay hindi iyon nagkaroon ng tahanan!
Nagtayuan yata ang lahat niyang buhok sa katawan dahil sa nasaksihan. Hindi niya maipaliwanag ang lahat. At para makasiguro ay nagtanong-tanong siya sa ilang kabahayan malapit sa bukana ng nayon patungo sa gawing karagatan.
May isang babaeng nakabistida at nagsasampay sa lubid sa labas ng bahay ang kanyang kinausap.
"Magandang tanghali po Ginang. Maaari ba akong magtanong sainyo?" malugod niyang pagbati.
"Aba oo naman binata! Ano ang maipaglilingkod ko saiyo?" magiliw namang tugon ng babae.
"Mayroon po ba kayong kilalang Lucas? May katandaan na po siya at nakatira sa tabingdagat sa kabilang ibayo. Ang bahay niya'y nakadikit doon sa dalawang malaking tipak na bato," mahabang paliwanag ni Allen.
Nagulat ang babae at nawalan ng kulay ang mukha. Tila nataranta din ito at nangangatal ang labi ng tumugon, "Binata, kung sino ka man. Dito na ako lumaki sa bayang ito subalit hindi ko nalalaman ang tungkol sa lahat nang iyong binanggit!"
Si Allen naman ang nagulat sa narinig na sagot. Talaga ngang may mali! Halos hindi maiproseso ng utak niya ang mga narinig.
"Tumira ako roon ng halos dalawang buwan. Ang pangalan niya ay Lucas at maputi ang kanyang buhok. Imposible naman yatang nanaginip ako ng ganun kahabang panahon?"
"Mas impossible ang magkaroon ng tahanan doon!" nabiglang sagot ng babae.
Napakurap si Allen at hindi maunawaan ang tinutukoy ng babae.
Paanong impossible?
"Pumasok ka sa aking tahanan," alok ng babae at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kanyang munting tahanan.
Naupo si Allen sa maliit na sofa at nagmasid-masid. May dingding na mga kahoy ang kabuuan ng bahay at maliit na salas. May dalawang saradong pintuan na palagay niya ay silid-tulugan at isang pinto patungong kusina kung saan doon tumuloy ang babae. Paglabas nito'y may dala-dala nang tasa na may lamang kape at ilang pirasong tinapay na nasa plato sa kabilang kamay.
"Kumain ka muna, sa aking palagay ay naglakbay ka mula sa malayo," wika ng babae.
"Tama po kayo. Salamat Ginang." Tama ang babae at talagang pagod na siya sa paglalakad. Kaya naman mabilis niyang ininum ang kape.
Umupo ang babae sa katapat na upuan at nagkwento ito.
"Dito ako isinalang, ang pangalan ko ay Ester. Kaya natitiyak ko sa iyong wala at kailanman ay hindi nagkaroon ng tahanan sa tinutukoy mong lugar sa tabingdagat. Noon, sabi ng mga yumao kong magulang ay mayroong kababalaghang nagaganap sa lugar na iyon noon. Minsan daw ay mayroon silang nakikitang nakaupo sa itaas ng tipak na bato, isang bata at may kabayong puti sa katabi. Ni minsan ay walang pang nakakita sa mukha ng batang iyon, walang nakakaalam kung saan siya nagmula."
Naguluhan si Allen. "Bata? Tapos matanda naman ang nakita ko roon. Ah baka iyon yung bata noon kaya matanda na ng makita ko ngayon?" Kumbinsi niya sa sarili.
Napatingin ang babae sa kanya at hindi makapaniwalang nagtanong, "Talaga bang may nakita ko roon? Napakaimposible sapagkat ipinagbawal lapitan ng mga tao ang lugar na iyon. Dahil sa hindi matukoy na bata noon at naglalaho sa tuwing mayroong nais kilalanin siya ay naisip ng mga tao nuon na baka mga taong taga ibang demensiyon sila."
"Huh? Ano pong ibig niyong sabihing taga ibang demensiyon?"
"Iyon ang mga taong hindi nakikita at nakatira sa kabilang panig ng mundo. Minsan raw ay nakikisalamuha sila sa tao. Subalit hindi ko pa iyon naranasan kaya hindi ko nasisiguro. Kumain ka at alam kong pagod ka na," mahabang paliwanag ng babae.
Maraming nais itanong si Allen subalit hindi niya na iyon binanggit pa. Wala siyang makukuhang tamang kasagutan sa babae kaya nang maalala ang pasalubong na para dapat kay Lucas ay muli siyang tumayo at nagpaalam na.
"Maraming salamat, Ginang. Subalit kailangan ko na pong umalis."
Hinatid siya ng babae palabas ng bahay at naglakad na siya paalis.
Bumalik siya sa tabingdagat kung saan siya tumira at dala-dala ang pasalubong na tinungo niya ang lugar na tinirhan noon. Kung totoo nga ang kwento ng babae, tao man o hindi ang tumulong sa kanya ay hindi na importante.
Doon niya naalala si Ezekiel, ang kaibigan niyang hindi nakikita. Marahil ay kapareho nito ang tumulong sa kanya.
Inilapag niya ang mga pasalubong sa gitna noong dalawang bato saka nagwika, "Kaibigang Lucas, kung totoo man ang narinig ko patungkol sa iyo ay hindi iyon mahalaga. Nagpapasalamat pa rin ako sa iyong pagtulong sa akin. Narito nga pala, may dala akong pasalubong sa iyo. Naparito ako upang magpaalam. Magtutungo ako sa ibang siyudad upang maghanap ng ikagaganda ng aking buhay. Maraming salamat sa iyo."
Hindi nagtagal at siya'y naglakbay na at umalis.
Nakarating siya sa siyudad ng Russia, at doon ay nagkaroon siya ng panibagong kapalaran.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasía"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...