Russia.
Hanggang sa nakarating si Allen sa bayan ng Volgograd sa Russia. Hindi maunlad ang bayang iyon at marumi ang pantalan. Bakas ang kahirapan sa bayan subalit makikita rin ang mangilan-ngilang tindahan habang daan.
"Magandang araw saiyo ginoo, maari ba akong magtanong saiyo?" magalang na tanong ni Allen sa binatang madungis na nakaupo sa tabing kalsada. May hawak itong supot na may lamang ilang pirasong tinapay habang may isinusubo sa bibig ang kabilang kamay. Sa tingin niya ay mabuting tao ang dukhang iyon kaya hindi siya nagdalawang-isip kausapin. Isa pa ay gutom at pagod na siya.
Subalit wala siyang natanggap na katugunan buhat sa lalake kundi ang matalim na tingin nito sa kanya. Batid ni Allen na bunga iyon ng kawalang-tiwala sa kapwa. Marahil ay dahil sa kahirapan o 'di kaya'y masalimoot na karanasan upang maging ganoon ang kausap.
Kaya naman imbes na mawalan ng pag-asa ay dumakot siya ng pera at iniabot sa lalake.
"Kaibigan, ang pangalan ko ay Allen. Eto, kuhanin mo ang pera at idagdag mo saiyong pagkain. Subalit kapalit noon, baka maaari mo akong turuan kung nasaan ang bahay tanggapan dito. Isa akong dayuhan at walang kaalaman sainyong lugar," mapagpakumbabang paliwanag ni Allen.
Dahil marahil sa kahirapan at gutom, ay hindi nagdalawang-isip ang madungis na binatang tanggapin ang handog niya.
"Maraming salamat, subalit nais kong makasiguro na wala kang masamang balakin sa akin," wika ng pulubi.
Napakamot sa ulo si Allen at napangiti. Matapos ay naupo siya sa tabi ng pulubi dahil na rin sa pagod sa ilang oras na paglalakad-lakad.
"Syempre naman wala akong masamang balakin. Isa pa, ano naman ang aking mahihita kung gagawan kita ng masama? Ano nga pala ang iyong pangalan?"
"Ako si Henry Nelson," matipid na tugon ng pulubi.
Muling ngumiti si Allen at nagmasid-masid sa paligid. May iilang bahay sa 'di kalayuan ang kanyang natatanaw at ilang taong abala sa kanilang mga gawain. Subalit hindi niya alam kung bakit mayroong kalungkutan sa kanyang dibdib, o baka dahil sa naroroon siya sa panibagong kapaligirang hindi niya kinasanayan.
Napapabuntunghiningang yumuko si Allen at malungkot na napaisip. 'Kung sana'y hindi na lamang ako naglakbay at iniwan ang aking bayan'.
"Ano ang iyong pakay sa pagparito sa lupain namin?" may pagdadalawang-isip man ay nagawang magtanong ng pulubi na siyang nagpabalik sa hinahon ni Allen.
Kaya naman lumingon siya at ngumiti bago sumagot, "Nais ko lamang hanapin ang aking sarili. Baka mayroong pagkakataong maging matagumpay ako sa paglalakbay."
Halatang hindi naunawaang husto ng kausap ang mga sinabi niya subalit tumango na lamang ang huli.
"Sa palagay ko ay isa kang mayaman. Ako'y isang ulilang walang patutunguhan kaya naman ako'y naririto at walang matirhan," malungkot na paliwanag ni Henry.
Napaisip si Allen sa sinabi ng kausap. Baka mayroon itong magagawa para sa kanya!
"Aha! Bakit hindi mo na lamang kaya ako tulungan? Maghahanap tayo ng matitirhan at wala kang dapat alalahanin. Ako ang magbabayad at tutulungan mo lamang ako kung sakaling makaisip tayo ng mapagkakakitaan?"
"Sinasabi mo bang ako'y iyong pinagtitiwalaan?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Henry.
"Aba! Oo naman. Isa ka lamang ulilang pulibi subalit hindi naman masamang tao, hindi ba? Isa pa, kagaya mo'y isa rin lamng akong pulubi," nakangiting pangungumbinsi ni Allen.
Tumayo ang lalake at, "Ano pang hinihintay mo diyan, tara na habang mataas pa ang araw upang may matulugan tayo mamayang gabi," nakangiting wika niya kay Allen.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...