Kabanata 4

35 2 5
                                    

Tulalang nakatitig sa kawalan ang kanyang ina matapos niya itong datnan buhat sa bukid. Nakaupo sa kanilang salas at may hawak na papel.

Nagmamadaling ibinaba ni Lester sa kusina ang mga bitbit at puno ng pag-aalalang kinausap ang ina.

"Mayroon po bang remalaso, Ina? Bakit ganyan ang iyong itsura?" Hinagod ni Lester ang likod ng ina.

"Lester, anak. Ang sulat na ito ay nagbuhat pa sa Amerika. Mula sa kapatid ng iyong yumaong ama. Nais niyang ika'y magtungo doon upang magtrabaho sa kanyang kompanya. Ayun sa iyong tiyuhin, huli na ng dumating doon ang telegrama ng iyong ama. Ang iyong ama ay nakiusap na tayo ay tulungan kung sakaling siya ay mabingit sa panganib na tila baga alam nito na siya ay lilisan. Nang sa ganun ay magkaroon tayo ng mas maayos na pamumuhay. Bilang pag-alala at pagbibigay katuparan sa kahilingan ng iyong ama, nais ng iyong tiyuhin na tayo ay matulungan."

Napalunok si Lester. Ramdam niya ang kung anong bumara sa kanyang lalamunan. 'Hindi maaari! Marami pa siyang inaalam!' Tumatambol din ang kanyang dibdib at nanlalamig ang mga paa.

"A...ano po ba ang iyong nais, Ina? Hindi kita maaaring iwanan dito mag-isa!" Sinubukan niyang magprotesta.

"Sa makalawa ay darating dito ang inatasan ng iyong tiyuhin upang sunduin ka."

"Bakit naman ganoon Ina?! Bigla-bigla na lamang na ako'y kukuhanin dito? Paano na ang aking mga pananim? Paano ka sa iyong pag-iisa! Hindi ako papayag! Maayos naman ang ating pamumuhay. Hindi naman tayo nagugutom dito!"

Subalit hindi lamang iyon ang kanyang punto.

'Paano na ang aking mga katanungan? Paano si Ezekiel?! Paano ko tutuklasin ang lahat kung ako ay lalayo?!" Isipin pa lamang ay namumuhi na siya sa kanyang pag-alis.

Subalit mayroon ba siyang pagpipilian? Maaari niya bang suwayin ang kahilingan ng ama?

Nagdadabog na nagtungo siya sa papag sa labas ng kanilang tahanan. Pilit pinakalma ang sarili. Malalim siyang bumuntong-hininga at nag-isip.

"Lester! Lester! Ako ba'y iyong iiwan?"

Ramdan ni Lester ang lungkot sa mga tinig na iyon. Subalit hindi siya maaaring sumuway. Alam niyang ginawa iyong ng kanyang ama para sa kanyang kapakanan.

"Babalik ako. Babalikan kita!" bulong ni Lester sa hangin at naramdaman niya ang malamig na haplos sa kanyang katawan.

America.

Anim na buwan ng naroroon si Lester at halos mabaliw siya sa kalungkutan. Nagbago ang lahat ng kanyang kinasanayan mula sa pananamit, pakikipag-usap at trabaho. Ang tanging ipinagpapasalamat niya ay ang mabait na pakikitungo ng pamilya ng tiyuhin. Mabuti na lamang ay matalas ang kanyang isipan, o dahil iyon sa kanyang photographic memory. Katunayan ay mataas ang kanyang mga grado noong nag-aaral pa siya sa elementarya at sekondarya kaya naman mabilis siyang natuto ng lengguwaheng banyaga. Kunsabagay, pamilyar na siya sa wikang English. Hindi si Lester nakapag-kolehiyo subalit sa mataas niyang IQ, ang kanyang kakayahan ay naaangkop sa kompanya. Upang hindi makuwestiyon ang kanyang edukasyon, kumuha siya ng eksaminasyon sa kolehiyo matapos niyang ilang linggong aralin ang mga aklat ng Accounting and Business Management sa tulong ng pribadong maestrong inilaan sa kanya ng tiyuhin. Matagumpay niyang nasagot ang mga katanungan sa eksaminasyon ng kolehiyo, saka pa lamang siya tumuntong sa kompanya. Makalipas iyon ng dalawang buwan.

Maiging itinago ni Lester ang gintong kwintas sa loob ng damit at inayos ang kurbatang suot.

'Ito ay iyong alaala na hindi maaaring mahiwalay sa aking katawan,' mataimtim niyang pangako sa sarili.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon