Papasok na sila ng bahay ng may maalala si Lester subalit nahihiya siyang magtanong kay Zeke. Huminto siya at nagdalawang-isip kung papasok sa bahay. Hindi niya kasi alam kung invisible pa rin siya. Hindi siya dapat makita ng tiyuhin sa mga oras na iyon.
'Ano kaya ang aking gagawin?'
Sumandig siya sa malaking poste doon sa garahe at nag-isip. Hindi siya maaaring pumasok, paano niya ba malalaman kung hindi siya nakikita ng iba? Nakayuko siyang nag-iisip ng malalim.
Nagulat na lamang si Lester ng may tumapik sa kanyang balikat.
"Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka sumunod sa akin sa loob?"
Napalunok si Lester. Hindi siya makatingin kay Zeke dahil nahihiya pa rin talaga siya.
"Hindi ko kasi alam kung invisible pa rin ako..." mahinang-mahina lamang ang tinig niya. Nakatungo pa rin siya.
Pumunta sa kanyang harapan si Zeke at hinawakan siya sa baba upang iangat ang kanyang mukha nang magpantay ang kanilang tingin.
Subalit hindi niya magawang salubungin ang mga mata ni Zeke.
"Kailan ka pa nawalan ng karapatang magtanong sa akin?" mahinang tanong ni Zeke.
Hindi niya alam kung paano sasagutin ang lalake. Naroroon na naman ang pagbara sa kanyang lalamunan ng kung ano.
"You're invisible, come with me."
Walang emosyong hinawakan ni Zeke ang nanlalamig niyang palad at hinila siya papasok sa kabahayan.
"Tito!" sigaw ni Zeke.
"Oh Zeke, Johnson is in the library. He is waiting for you. Go ahead," asawa ng Tito niya ang bumungad sa itaas at sumagot kay Zeke, si Tita Connie. Isa siyang English.
"Good afternoon Auntie. I will go ahead then," magalang na tugon ni Zeke at hila-hila pa rin siya patungong library. Nasa dulong silid iyon ng unang palapag.
Nadatnan nila ang tiyuhin na may hawak na mga album. Inilalagay ito ng matanda sa ibabaw ng mesang naroroon.
"Good afternoon, Tito," bati ni Zeke pagkapasok sa library. Isinara niya ang pinto.
"Ito ang mga lumang larawan, teka maghahalungkat pa ako sa estante at baka may nakaligtaan ako. Ano ba ang gagawin mo diyan Zeke?"
"May gusto lamang po akong alamin Tito."
Naupo si Zeke sa katapat na sofa ng mesa at inumpisahang buklatin isa-isa ang mga album. Dahil hindi siya nakikita ng kanyang tito, wala siyang magawa kundi tingnan lamang kung ano ang binubuklat ni Zeke. Alangan namang magbuklat din siya eh di hinimatay ulit ang tito niya pag nakitang mag-isang bumubukas ang album. Haha. Kasayangan nga lamang iyon sa oras.
Matagal-tagal na ring nagbubuklat ng mga album sina Zeke at Mr. Wang ng maalala ng matandang magtanong, "Teka, ano ba ang hinahanap natin Zeke? Para tayong tumitingin lamang ng walang patutunguhan."
Nagkamot ng ulo si Zeke at bumulong sa kanyang tainga ang tinig nito, "Ano bang hinahanap natin?"
Sumagot naman si Lester ng pabulong kay Zeke, "Kuhanin mo iyong larawan sa loob noong envelope, yung larawan ng apat na lalake. Iyon ang hinahanap natin, kung may makita tayong kamukha noong nasa larawan. Hindi ako maaaring magkamali, kamukha talaga siya ni ama."
Napakurap si Zeke ng ilang ulit saka dinukot sa loob ng kanyang jacket ang envelope. Matapos ay inilabas niya ang mga larawan at pinakita sa kanyang Tito.
"Ito Tito, tignan mo ang larawang ito." Itinuro ni Zeke ang larawan ni Chen Allen at nagpatuloy, "May hawig siya sa iyo, hindi kaya malayong kamag-anak niyo ang taong iyan?"
![](https://img.wattpad.com/cover/276512666-288-k129711.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...