Dakong alasonse ng umaga, nag-vibrate ang cellphone ni Lester sa mesa. Katabi ito ng kanyang computer at mga dokumento.
1 message received.
From Zeke.
[Call me but don't say any words.]
Mabilis na inilagay ni Lester ang earpiece at tumipa sa cellphone upang tawagan ang taga-bantay subalit nanatili siyang tahimik ayon sa utos ng binata.
Zeke, “Katulad ng inaasahan, gagawa sila ng hakbang habang iniisip nilang hindi ka protektado sa mga oras na ito. Nang utusan mo kanina si Aubrey upang ipagtimpla ka ng kape, mabilis siyang nagpadala ng impormasyon sa kanyang kampo na maaari ka nilang gawing target sa loob ng dalawang araw na wala ako. Hindi pa namin matukoy sa ngayon kung sino ang kanyang tinawagan subalit gumagawa na ng paraan ang mga kasama ko upang matunton ang nakakataas na tagapag-utos kay Aubrey. Sa ngayon, mag-iingat ka sa iyong paglabas habang kasama siya. Huwag kang mag-alala, nasa tabi mo lamang ako.”
Naputol na ang tawag.
Pumikit si Lester at sumandal sa mesa. Hinilot niya ang kanyang sintido. Hindi niya pa rin malubos maisip ang mga dahilan upang pagbantaan ang buhay niya. Ano nga ba ang kanyang kasalanan?
Nakadagdag pa ang sitwasyon na wala siyang matandaan sa maraming bagay dahil sa aksidente. Dagdag problema lamang iyon sa kanya.
Pinilit niyang apuhapin sa isipan ang mga nagdaang pangyayari, kung paano siya napunta sa America, kung paano naging magkasintahan sila ni Aubrey. Kung paano niya nagawang lisanin ang kinasanayang lugar sa probinsya. Kung paanong nagbago ang buhay niya.
Naipaliwanag man sa kanya ng tiyuhin at ng kanyang ina ang lahat, hindi pa rin sapat iyon. Mas maigi kung siya mismo ang may alam sa mga nangyari.
Ilang minuto siya sa ganoong posisyon ng may maalala. Nakalimutan niya na nga pala ang bagay na iyon.
Mabilis na hinalungkat ni Lester ang mga drawers subalit hindi niya natagpuan ang hinahanap. Pumikit siyang muli upang alalahanin ang lugar na pinaglagyan niya ng sobre na binigay ng tito niya.
Ayon!
Tumayo si Lester at maingat na humakbang patungo sa estante ng mga aklat. Tahimik ang kanyang mga galaw upang hindi siya mapansin ni Aubrey.
Sa pinakasulok ng mataas na estante sa bandang ibaba, doon niya inipit ang sobreng inabot sa kanya ng tiyuhin matapos ang aksidente. Ayon sa tiyuhin ay sa kanya iyon at natagpuan sa lugar ng aksidente. Subalit sa pagmamadali noon matapos iyon iabot sa kanya ng tiyuhin, hindi niya na iyon nagawang buksan at inipit niya na lamang sa lugar na iyon.
Puno ng kuryusidad na inabot ni Lester ang sobre at naupo siyang muli sa kanyang upuan. Walang nakasulat na anu pa man sa labas ng sobre.
Tumaas tuloy ang kilay niya. 'Ano kaya ito?'
Lumuwa ang mata ni Lester matapos mapagbuksan ang laman ng sobre. Sa loob nito ay may malinaw na supot na may lamang kuwintas.
Hindi niya maunawaan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso. Kinakabahan siyang hindi maintindihan. Matagal siyang nakatitig lamang sa bagay na iyon at hindi malaman kung bubuksan ang supot o hindi.
Napaisip siya, 'Saan ito galing? Kay Aubrey ba? Subalit imposible naman yata. Mukhang mamahalin ito!’
Sa huli ay natalo siya ng kuryusidad. Inilabas niya sa supot ang kuwintas.
Gintong kuwintas na may pendant na diyamante!
Napakaganda at napakaelegante subalit napakapayak kung pakatitigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/276512666-288-k129711.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)
Fantasy"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto...