Prologue

7.6K 171 54
                                    


May mga bagay na pilit mong aabutin kahit na alam mong mahirap at imposible. Para kang sumisisid sa tubig na napakalabo, halos walang makita pero pilit ka pa ring lumalangoy at naghahanap. We admire other peopleʼs consistency and strong will, but is it really right to look for the things that are not for you?

***

I smiled at the people in front of me. Some are holding their banners while cheering for their favourite candidates. Pinanatili ko ang mga ngisi sa labi habang naghihintay sa announcement ng emcee. Ramdam ko na ang pananakit ng talampakan pero pilit ko 'yong ininda dahil mas mahalaga sa 'king manalo sa pageant na 'to kaysa pag-tuunan ng pansin ang nananakit kong paa dahil sa suot na heels.

“Are you ready for the new crowned Miss Mutya of the year?!” the emcee continued to hype the crowd while I roam my eyes around the place. Nakikita ko ang aking lolo at lola na nasa harapan habang malawak na nakangiti sa 'kin at may hawak pang banner. My grandfather is a retired policeman but here he is, supporting me with my pageantry.

Nang pasimple kong tingnan ang mga natitirang candidates ay kapwa rin sila mga nakangiti. Umirap ako nang dumako ang tingin kay Ellie. Sakto ring napatingin siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. I did the same.

Continue raising your eyebrows, Iʼm sure that I will be the winner tonight.

“Sino ang tingin niyong makokoronahan ngayon?!”

“Number 4!” hindi na mapalis ang mga ngisi sa labi ko dahil sa isinisigaw ng mga tao. I know... I am really the best here.

“Say no more! Congratulations to the new Miss Mutya of Laguna, candidate number 4, Mackenzie Sebastian!” I almost screamed with what I heard even if I already expected this. Malakas ang kabog sa dibdib na pumunta ako sa unahan, kung saan naghihintay ang sash at korona ko. The crown that belongs to me...

I can see my lola jumping while the former Miss Mutya is passing her crown to me. Kunwariʼy mangiyak-ngiyak kong pinunasan ang mata kahit na sa totoo lang ay gusto ko nang tumawa sa sobrang tuwa.

The people continued cheering as I did my walk as the new Mutya of Laguna. Wala akong pakialam sa Lakan na nasa tabi ko dahil ang tanging mahalaga sa 'kin ay ang bagong title na nakuha ko. Pang-ilan ko na bang panalo 'to sa ibaʼt-ibang pageants? If I wonʼt completely get the title, I am most likely in the top three. Maraming nagsasabi sa 'kin na sumali na ako sa Binibining Pilipinas dahil 18 naman na ako, pero sa tingin koʼy mas may tamang panahon para roʼn. Iʼm still enjoying to join different pageants as of now.

“Naku, ang galing-galing talaga ng apo ko!” my lola exclaimed the moment I went to them. Mabilis ko siyang inatake ng yakap pagkatapos kong ipasa kay lolo ang hawak na bouquet. Natawa na lang siya sa 'kin at umiling-iling.

“Panibagong bulaklak na naman ang mabubulok sa bahay,” ani lolo nang yakapin ko rin siya.

“Tara at umuwi na tayo nang matawagan na natin ang ina mo at maibalita 'to!” na-eexcite na sabi ni lola at hinila ako papunta sa lumang sasakyan ni lolo na nakaparada sa may hindi kalayuan.

“Busy pa 'yon si mama, la,” ang tanging sabi ko habang nakasunod sa kanila. Ang totoo niyan ay ayoko lang talaga siyang maka-usap ngayon. Nag-away kasi kami noong nakaraan. I want this specific bag from Chanel but we ended up fighting because she doesnʼt want me to buy it. Ilaan ko na lang daw 'yon sa tuition ko.

Geez, she doesnʼt know that that bag is an asset. Tumataas ang presyo noʼn habang tumatagal. Kailangan ko nang mabili ngayon habang hindi pa gaanong mahal. I also have an upcoming get together with my friends so I really need that. Baka ako na lang ang wala noon.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon