Chapter 11

2.5K 93 15
                                    

Muli kong pinatay ang nanggagaling na tawag mula kay Castriel at bumalik sa pakikinig sa kuwentuhan nila lola at Mace. Nang mapadako ang tingin ko kay lolo ay nakita kong mataman niya akong pinagmamasdan kaya tipid akong ngumiti at agad na nag-iwas ng tingin.

“Naku hijo, pagpasensyahan mo na at alam mo namang medyo makalat talaga 'yang si Kenzie. Kung saan-saan nillalagay ang mga gamit niya.” agad na napakunot ang noo ko at umirap nang napansing nakangisi na sa 'kin si Mace. Nagsusumbong kasi kay lola sa mga ginagawa ko sa condo.

“Wala lang talaga akong masyadong time para maglinis, la. Pero nagliligpit din naman ako!”

“Huwag mo nang itanggi, Kenzie. Kahit dito ay kung saan-saan nakakalat ang mga gamit mo,” pailing-iling na sabi ni lola. Tuluyang napatawa si Mace kaya hindi na lang ako nagsalita.

This is better. He needs to be distracted so he wouldnʼt go to his social media accounts. Alam ko kung anong nangyayari sa post ko kaninang umaga, siguradong trending na 'yon kaya tawag nang tawag sa 'kin si Castriel. I didnʼt check it atleast once but I definitely know whatʼs happening. Panay ang pag-iingay ng group chat ng Ischyrion Phi at panay din ang mention sa 'kin. Hindi na ako nakadaan sa IPD kanina para kuhanin ang cellphone ko kay Lauren dahil ang gusto ko na lang ay ang maka-uwi ng Laguna. Gusto ko pang maka-usap sina lola ng ganito habang hindi pa nila alam ang kagagahang ginawa ko.

I also keep on distracting Mace so he wonʼt check his phone. I donʼt want him to found it... yet. Marami na akong kasalanan sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam na kasali ako sa isang sorority, hindi niya rin alam 'yung tungkol sa mga pictures at pananakot na natatanggap ko.

“Nakaka-usap mo pa ba 'yung apo ng mga Soledad?” biglang tanong ni lolo. Lahat tuloy sila ay napabaling na sa 'kin. Ginawa kong natural ang pag tango at ngumiti sa kanila.

“Minsan po. Nakikita ko kasi siya sa university tapos batian lang,” pagsisinungaling ko. Si Castriel, babatiin ako? Never. Kita ko ang pagtalim ng tingin sa 'kin ni Mace, syempre alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo dahil kilala niya rin naman si Castriel kahit papaano. Hindi ko siya pinansin at kay lolo na lang tumingin. He can easily tell that Iʼm guilty and lying if I will keep on avoiding his eyes.

“Talaga? Hindi maganda ang mga naririnig ko tungkol sa batang 'yon. Kaibigan ko ang lolo at lola niya pero hindi ko masyadong gusto ang ugali. Noong nagkausap kami nung nakaraan ay halos walang emosyon. Ang alam ko rin ay hindi maganda ang pakikitungo niya kina Francis,” nagpapahiwatig na aniya. Tumikhim ako at saglit na nag-iwas ng tingin. Ayoko talaga kapag ganito si lolo, kinakabahan ako.

“Hindi naman po, lo... Baka kasi may pinagdaraanan 'yung tao... Mabait naman po 'yon atsaka mahal na mahal nga 'yon ni Lola Eleonora,” pagtatanggol ko. Naiinis ako kay Castriel ngayon, pero ayokong maging bad shot siya sa grandparents ko. Alam kong may dahilan kung bakit bigla na lang siya naging ganoon umakto.

“Kaming mga loloʼt lola niyo, kahit ano pang gawin niyong kalokohan ay talagang mahal pa rin naman kayo. Kahit gaano kayo kasuwail ay hindi namin kayo kayang tiisin. Ang mga apo ang kadalasang nakakatiis sa amin. Iyang si Castriel, halatang naliligaw na ng landas. Masama talaga sa mga bata ngayon ang makatikim ng sobrang ligaya, usong-uso ang mga club at inuman kahit na ang babata pa. Kung ako kina Francis at Eleonora ay didisiplanahin ko na 'yan habang maaga pa, at baka mas lalo pang mapariwara. Mahirap din talaga kapag mapera, masyadong ginagawang malaya,” tuloy-tuloy na sabi ni lolo. Nakagat ko ang labi nang mapansing iniilingan na ako ni lola, tanda na huwag na akong sasagot.

“Kaya ikaw, Kenzie, huwag kang magsasama sa mga taong tinatawag mo na kabigan pero ang totooʼy masama na ang dulot saʼyo. Alalahanin mong nagpapakahirap ang mama mo sa abroad para bigyan ka ng magandang kinabukasan. Hindi namin gugustuhing mapariwara ka rin. Susuportahan ka namin sa mga bagay na nagpapasaya saʼyo, pero alam mong may limitasyon ang lahat ng 'yon.” mas lalong lumala ang kabang namumuo sa dibdib ko. Itʼs as if lolo know that I did something wrong and heʼs... warning me.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon