Chapter 12

2.5K 101 33
                                    

Galit akong lumabas ng Discipline Office at marahas na sinipa ang batong nadaraanan. This is insane! My grandparents gave an apology in behalf of what I did to Lara! Ako nga ay hindi nag sorry tapos sila ang hihingi ng tawad?! They didnʼt have to do that! I am not sorry at all! Kung hihingi lang naman ako ng tawad sa huli ay sana hindi ko na ginawa noong una pa lang!

Nakakabwisit pa 'yung ugali noong magulang ni Lara. Akala mo kung sino, wala naman akong pakialam kahit na mayaman sila.

I got suspended for a week. In that week, I need to volunteer to the home for old people. Hindi na raw magdedemanda dahil ayaw ni Lara. Bwisit talaga! Nagbabait-baitan pa rin siya!

“Water?” biglang may lumapit sa 'king matangkad na lalaki. May inaabot iyong bukas na bottled water pero tinaliman ko lang siya ng tingin. I know him. This is Laraʼs older brother, iyong maraming scandal sa internet.

“Umalis ka sa harapan ko, naiirita ako sa pagmumukha mo.” tumawa siya at ibinaba na ang kamay. Kumikinang pa ang nostril piercing niya na mas nagpa-inis sa 'kin. Nakita ko na ang pagmumukha niyang nagkalat sa social media, may hitsura naman siya pero tarantado pa rin siya.

“You have such a sharp tongue, I wonder how that works in other things,” nakakalokong aniya. Gigil ko siyang hinarap at mas sinamaan pa ng tingin.

“Kung pinepeste mo ako para piliting humingi ng tawad sa kapatid mong kunwaring anghel, mamumuti na lang ang mata mo pero hindi ko 'yon gagawin.” ngumiti siya at mas lumapit pa sa 'kin. Pinigilan ko ang sarili na umatras at matapang na sinalubong ang mga mata niya.

“I already expected that you wouldnʼt say sorry at all. Kaya pala usap-usapan ka ng mga fraternity at sorority dito, matigas ka nga. Too bad, it doesnʼt even make you look cool for me. Youʼre just the typical bitch.” sarkastiko akong tumawa at tumango-tango.

“I really like it when someone calls me bitch, it makes me feel like the superior to other people. Isnʼt it something to be proud of? Pareho lang tayo. Kung ako bitch, ikaw naman ang dakilang gago.” tumiim ang bagang niya kaya nginisian ko siya.

“Why donʼt you just go back from being a scandal maker? Favorite ka ng mga tao. I never cared about your gross videos, so you donʼt also meddle with what I want to post. Kahit pa kapatid mo ang content. Why donʼt you let her settle the problem with me alone? Iiyak-iyak pa siya, nakaka-irita.”

“I can fucking meddle if I want to, sheʼs my sister. I can do everything. Everything just to make the person who dared to hurt her pay. I wonʼt easily let you off the hook, Mackenzie. You messed with the wrong people.” I gasped when he suddenly poured the water on my head. Mabilis ko siyang itinulak at inagaw ang bote sa kamay niya. May natira pang tubig kaya ibinuhos ko rin sa kaniya at itinapon sa pagmumukha niya ang bote.

“Sige! Try me! Hindi ako natatakot saʼyo! Hinding-hindi ko uurungan ang walang kwentang katulad mo!” hinilot niya ang leeg bago pinunasan ang basang mukha.

“Of course, you should look forward to it. Iʼm sure you will enjoy it,” seryosong aniya at pinagmasdan ang kabuuan ko.

“Youʼre a kid, I should make sure that youʼll learn your lesson properly.” ibinato niya sa 'kin ang panyo na ginamit niya kaya mas nag-alab ang kaloob-looban ko sa galit.

“Your bra is showing. Nice boobs, by the way.” galit akong sumigaw at ibinato pabalik sa kaniya ang panyo pero naglakad na siya palayo.

“Gago, gago, gago!”

Pinagtitinginan ako ng ibang estudyante na dumadaan pero wala akong pakialam sa kanila. My hands are trembling because of so much anger. I want to hurt him! I want to rip his annoying face! Padabog kong inayos ang buhok habang mabigat ang paghinga. Panira talaga ng araw ang lahat ng pumapatungkol kay Lara.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon