Chapter 22

2.9K 116 13
                                    


When did I exactly stop caring for someone who canʼt even see my worth? Iyong kahit anong pilit ko na iparamdam sa kaniya na nandiyan lang ako, na hindi ko siya iiwan kahit na patuloy niya akong itinataboy, wala pa rin. I wasnʼt there because Iʼm hoping for something to bloom between us, nandoon na lang ako bilang taong susuporta sa kaniya dahil alam kong hindi na nagiging madali ang lahat para sa kaniya. Kahit bilang kakilala na lang na pwede niyang maka-usap kapag masyado nang mabigat ang mga bagay at hindi niya na kayang dalhin mag-isa.

I was so determined to be always there for him. Kaso ang hirap din pala talagang ipagpilitan ang sarili mo sa isang tao. Hindi kasi siya willing na pagbuksan ako ng pinto, ayaw niya akong papasukin kaya para akong nangangapa sa dilim.

Until one day, I just realized that I should stop. Walang patutunguhan ang ginagawa ko, sinasaktan ko lang ang sarili ko. I was so young that I donʼt really understand what self worth is. Masyado akong nag-aalala para sa kaniya, I can even do anything just for him. Parang naka-program sa utak ko na dapat gawin ko 'to para masiguro kong ayos siya. I did a lot of efforts, and it was tiring because he never appreciated any of it.

Nakakapagod pala 'yung masyado kang naka-focus sa isang tao to the point na parang nawawalan ka na ng pagpapahalaga para sa sarili mo.

I kept silent while he is driving me home. It was painfully slow because of the traffic, plus the thoughts that are running inside my head. Gusto kong makalabas na ng sasakyan para makahinga na ako nang maayos.

Castriel is a beautiful creature, but he is that kind of man whoʼs not easy to be with. His presence is just too... much.

Iyon 'yung mga oras na hinihiling ko na sana ay biglang may tumawag sa akin para naman mabaling ang isip ko sa ibang bagay. I just want to break the awkward silence inside the car, but since Iʼm too lucky, my phone didnʼt even vibrate at least once.

Hindi rin talaga nagsasalita si Castriel kaya habang tumatagal ay nagsisimula na akong mainis dahil ang uncomfortable na. Iʼm a talker, I canʼt really stand this kind of silence. Ayoko ng awkward ambiance! Pinagkrus ko ang braso at lumingon na sa kaniya. Heʼs just focusing on the road and he is so stiff.

"What?" tanong niya kalaunan nang manatili akong nakatitig sa kaniya. Umirap ako at kunot-noong ibinalik ang tingin sa unahan. Nahagip ng mata ko ang stereo kaya mabilis akong nagpipindot doon. Bakit ba hindi ko agad naisip na magpatugtog na lang?! I browsed my songs but most of them has a lyrics about love. I donʼt want to hear anything about it but I donʼt have a choice.

I chose FOOLS by Troye Sivan. Originally, si Mace ata ang naglagay ng kantang 'to rito, adik 'yon kay Troye.

Umayos ulit ako ng upo at nakinig na lang sa kanta. Napapangiwi na lang ako dahil sa naririnig na lyrics.

Only fools fall for you.

I was a fool back then.

My god, why did I play that?!

Hinayaan ko na lang at hindi na lumingon pa kay Castriel. This is better, kaysa naman sobrang tahimik dahil walang nagsasalita sa aming dalawa.

"Do you have work later?" he suddenly asked after a while. Wow, buti naman naisip niya pang magsalita.

"Yes," I answered shortly.

"How about next week? Are you still busy at that time?" lumingon na ulit ako sa kaniya at nagtataka siyang pinagmasdan. Itʼs unusual for him to ask me things. Wala nga siyang pakialam sa 'kin eh, bakit curious siya ngayon sa schedule ko?

"Why are you asking?" saglit din siyang sumulyap sa 'kin.

"Halloween gig at ECB." my eyebrow arched. Ano ngayon?

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon