Chapter 28

3K 108 9
                                    

“Wait, are you saying na wala naman talaga si Castriel sa Hawaii noong last days of October hanggang second week of November?!” pasigaw na tanong ni Zemi sa may tenga ko. Bahagya akong lumayo sa kaniya at nginiwian siya. She always has such a loud voice.

“Nope. We were together from October 29 to 31.” gulat na gulat naman siya at kalaunaʼy biglang tumawa. Napatingin sa amin ang ibang tao sa loob ng salon, kasama na sina Signy— Zemiʼs best friend— at si Georgia. Nagkita-kita kaming apat dito coincidentally.

“Wow... I canʼt believe it. Gago 'yon, buong akala namin nasa Hawaii siya. Ayun pala ay kasama ka! Sobrang kapani-paniwala pa ng mga background niya tuwing video call!” bahagya akong napangisi at umiling. Hindi ko alam kung paanong napunta kami sa usapan na 'to, basta ay nabunyag ko na lang bigla na nagkasama kami ni Castriel doon sa isla.

Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan hanggang sa matapos ang lahat ng dapat gawin sa amin. Nagpaalam din agad sina Zemira dahil ang sabi niyaʼy marami pa siyang aaralin. Graduating na kasi sa course na engineering. Georgia and I continued to stroll around the mall. Bakas pa rin ang mga display sa nagdaang Valentineʼs Day.

“Kenzie, nag-usap na ba kayo ni Zither?” Georgia asked when we entered a boutique to shop for some clothes.

“I tried to reach out, but sheʼs ignoring me.” itʼs been months, but I canʼt say that Zither and I are already okay.

“That woman... But anyway, they already broke up.” napatigil ako sa paglalakad at bumaling sa kaniya.

“Zith and Myles?” she grinned and nodded.

“I think nagbunga naman ang ginawa mo sa jerk na 'yon. He blamed our sister for what happened to him, and they finally broke up. Sa tingin ko lang ay kaya ka hindi kinakausap ni Zither ay dahil nasira ang lovelife niya samantalang ang saʼyo ay nagbubunga. You know that she still think like a freaking child sometimes, letʼs just give her some space to gather herself.” napabuntong hininga ako at nagsimulang tumingin sa mga damit. Zither can be really annoying sometimes, but Iʼm glad that sheʼs finally free from that man.

We eventually left the mall when we realized that weʼve already done some damage again. Ang dami naming binili. We parted ways when I saw Castriel waiting for me at the parking lot. Excited akong lumapit sa kaniya habang dala-dala ang mga paper bags. He lifted his head and smiled the moment he saw me. He opened his arms, hoping for a hug but I shoved the paper bags to him instead.

“Please, ilayo mo muna sa akin ang mga 'to para hindi ko maisip ang mga perang ginastos ko.” bahagya siyang tumawa at kinuha ang mga dala ko. Inilagay niya ang lahat ng 'yon sa backseat at inayos. Halos mapuno ang parte na iyon ng sasakyan dahil sa rami.

“Did you drain your bank account again?” he teased when he finished. Kinagat ko ang labi at ipinalibot ang mga braso sa leeg niya. He touched my hips as he arched his eyebrows. I smiled and kissed his cheeks.

“Medyo lang. Itʼs a miracle that there is still something left. Sesermonan ako ni mama kapag dumating 'yon tapos wala na akong pera.” sheʼs coming home few weeks from now. Sa wakas kasi ay tuluyan nang natapos ang bahay na pinapagawa namin.

“You know how to control yourself now, huh.” I grinned when he brushed his nose to mine. Lumayo na rin agad ako at nagpameywang sa harap niya.

“Hindi pa kita sinasagot, youʼre not allowed to kiss me!”

“But youʼre allowed to kiss me?” umirap ako at pumasok na sa passenger seat pagkatapos niyang buksan ang pinto.

“Cheeks lang 'yon. Ayaw mo? I wonʼt kiss you on the cheeks anymore.” he bent his head to level me.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon