I keep on glancing at the mirror on the car while lolo is driving. Hindi ako mapakali, I need to look so good tonight. Itʼs Castiʼs 20th birthday. The party will be held here in Laguna and his whole family is complete. That means I will see his mom, dad, and siblings. Close lang ako sa grandparents niya pero hindi sa magulang at mga kapatid niya. Well, Iʼm planning to introduce myself.
“Kenzie, behave ha? Maraming tao roʼn,” paalala na naman ni lola nang malapit na kami sa bahay ng mga Soledad. Ngumuso ako at tumango na lang. Hindi naman ako maghahasik ng lagim doʼn, magpapa-good shot nga ako sa family ni Castriel.
Napakaraming tao nang tuluyan kaming makarating sa venue, which is 'yung malawak na lupa sa likod ng malaki nilang bahay. May naka set-up na stage sa gitna at may mga buffet pa. The pool is lighted too.
Itʼs so pretty here...
“Kenzie,” seryosong tawag ni lolo nang hihiwalay na sana ako sa kanila. Napabuntong hininga ako at sumabay na lang sa paglalakad nila. Naka-alalay kami ni lolo sa magkabilang gilid ni lola para mas safe. Naka-recover naman na ang lola mula sa heart attack pero gusto pa rin naming ingatan siya. Lalo na ako. I donʼt want to see her lying on a hospital bed again.
Naghalo ang mga nakikita kong tao. Mayroong mga may edad na tapos meron din namang mga mukhang ka-edad ko lang. Panay ang gala ko sa paningin para hagilapin si Castriel pero hindi ko naman siya makita.
Sa may hindi kalayuan ay bigla kong natanaw sina Pressy, Gabbie, at Nicole. What can I expect? Siguradong magkakasosyo ang mga magulang nila at magulang ni Castriel. Theyʼre moving on the same circle after all. Nagka-usap na kami ni Gabbie at masasabi kong medyo ayos na kami. Hindi na nga lang masyadong katulad noong dati ang closeness namin. Si Pressy at Nicole ang hindi talaga ako pinapansin. Iʼm mad at Nicole so itʼs fine. Siya ang may kasalanan kung bakit na-misinterpret ni Gabbie ang pag layo ko sa kanila.
“Lo—”
“Dito ka lang sa tabi namin, Mackenzie. Huwag matigas ang ulo,” agad na putol niya sa sasabihin ko. Na-upo kami sa isa sa mga table habang hindi ko na mapigilang sumimangot. Susubukan ko lang naman na hanapin si Castriel...
Naghalumbaba na lang ako at pinagmasdan ang mga tao sa paligid. Siguro ay busy pa sila Lola Eleonora at Lolo Francis sa loob kaya hindi pa lumalabas. Hindi ko pa rin nakikita ang family ni Casti, pati siya.
I sighed. I really thought I would finally give up on him the moment I saw him respond to Laraʼs kiss. I was wrong. Hindi ko talaga kayang sumuko, itʼs not so Mackenzie. I will still try. Try and fucking try until Castriel fall for me. Wala pa naman akong naririnig na sila na ni Lara kaya pwede pa akong gumalaw. I considered Zath Accardiʼs advice though. Dati sabi ko gagamitan ko na ng dahas si Castriel kaso hindi pa rin effective. I will try to set aside my bitch side then, baka ayun ang magkaroon ng effect sa kaniya. I just wish that I would be able to control myself, kapag kasi galit ako ay kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko.
Inilabas ko ang cellphone at nag scroll na lang muna sa social media. Puro pagbati kay Castriel ang nakikita ko. Nag-iisip tuloy ako kung dapat din ba akong mag-post. I should, right?
Kinagat ko ang labi at hinanap sa photos ko ang picture namin noong mga bata pa kami. I think we are Grade 4 here, mga panahon na hindi ko pa naiintindihan kung ano 'yung crush. Napangiti ako at tinitigan 'yon. Umiiyak ako sa picture pero hawak niya ang kamay ko...
Habang tumatagal ang titig ko roʼn ay hindi ko namamalayang nagtutubig na ang mata ko. Will he hold my hand like this again?
Mabilis akong kumurap-kurap at pasimpleng sinulyapan sina lola, theyʼre just talking.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...