Chapter 8

2.4K 84 8
                                    

“What happened to your face?” seryoso kong tanong habang nakatingin kay Castriel. He has a cut on his lip, a bandaid on his forehead and cheek, I can also spot a bruise under his right eye.

“What is it that you want now? You shouldʼve already transferred to another school.” pinagkrus ko ang braso at tinaliman siya ng tingin. Gustong-gusto niya talaga akong tinataboy, sorry na lang siya dahil mahirap nga akong paalisin. Hindi ngayon na hindi ko pa nakukuha ang gusto ko.

“Kanino ka nakipag-away?” if this is a frat thing again, I wouldnʼt have a choice but to play my latest card.

“Itʼs completely none of your business, Mackenzie. Why are you so obssessed to pry with what I do? I already made it clear that you wonʼt get anything from this.”

“Tumigil ka na sa mga ginagawa mo, Castriel. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sayo. Papatayin mo ba sa pag-aalala sina Lola Eleonora—”

“Donʼt talk as if you never did anything that would worry your grandparents.” saglit na napatikom ang bibig ko.

“Mas delikado kasi ang ginagawa mo. Sure, nakikipag-away ako pero hindi katulad ng saʼyo! Tingnan mo 'yang mukha mo! Nag-iisip ka pa ba? You know what, bad influence talaga saʼyo si Tase Mortell—”

“Donʼt even try to involve him here. You donʼt know him.” inis kong ikinuyom ang kamay. Bakit ba ang tigas ng ulo niya?

“Just quit to that frat, Castriel! Para matapos na! Hindi mo naman kailangang sumali sa mga ganiyan eh! You already have enough connections! You can volunteer to community services without involving yourself in that kind of messy group! Buti sana kung hindi ka nasasangkot sa mga ganito—”

“Can you just stop nagging me? Sino ka ba? Bakit kailangan kong makinig saʼyo? Youʼre annoying as hell, I can barely stand you,” naiiritang aniya. Inis kong kinagat ang labi at kinurap-kurap ang mga mata. Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya pero determinado akong ipa-realize na nakakasama na sa kaniya 'yung iba niyang ginagawa.

“Huwag ka nang sumipsip sa grandparents ko. Kahit na humingi ka pa ng tulong sa kanila para makuha ako, hinding-hindi ko hahayaang tuluyan akong mapunta saʼyo. I hope you know how you looks so desperate and pathetic right now.” napahinga ako nang malalim at mahinang tumawa. Ang sakit niya talaga magsalita, nag-aalala lang naman ako sa kaniya.

“You wouldnʼt have a choice but to entertain me, Casti. Sisirain ko si Lara kapag hindi ka sumunod sa gusto kong mangyari. Wala akong pakialam kung nanggaling pa siya sa mayamang pamilya, sisiguraduhin kong lalabas ang lahat ng hindi dapat lumabas,” walang emosyon kong sabi. Para saan pa at may sorority na akong handa akong suportahan?

“Mackenzie,” nagbabantang aniya pero bahagya ko lang siyang nginisian.

“Do you want that? Alam kong may itinulak siya dati sa hagdan at comatose pa rin 'yung babae hanggang ngayon—” marahas niyang hinila ang braso ko at mariin akong tiningnan. My smirk widen when I saw the little panic on his face.

“Where the fuck did you get that nonsense?”

“Nonsense? Talaga ba, Castriel? Gusto mo ba ng pictures na magpapatunay na totoo ang mga sinasabi mo?” ramdam kong mas humigpit ang hawak niya sa braso ko pero nanatili akong nakatayo nang tuwid. Siguro nga desperada ako para umabot sa ganito. Pero sanay akong nakukuha ang mga gusto ko, I can get even farther if I want to.

“Stop acting like a bitch and leave her alone, Kenzie. Youʼre just digging your own grave.”

“Edi sisiguraduhin kong hindi lang ako ang ililibing sa huli.” his jaw clenched. Hinila niya pa ako sa mas madilim na parte ng parking lot, ramdam kong galit na talaga siya base sa lalim ng paghinga niya at higpit ng hawak niya sa 'kin.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon