“Casti!” I called but I think thereʼs no way that he will hear me. Ang daming lumalapit sa couch nila at hindi naman ako makabwelo dahil sa rami ng tao. Pasimple ko lang na tinakasan sila Pressy at Mace kaya kung saan-saan na ako napadpad para lang mahanap ang pwesto ng Ludic Selcouth.
“Ouch!” inis kong tiningnan ang babaeng tinapakan ang paa ko pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at parang walang pakialam na nakasakit siya. I was already dizzy with all the liquors that I drink and I know Iʼm starting to get out of control. Kaya naman mabilis kong hinila 'yung braso ng babae para komprontahin siya.
I just had a new nail polish tapos aapakan niya lang ang toenails ko?!
“What?!” sinamaan niya ako ng tingin pero ibinalik ko lang ang matatalim na tinginan niya.
“You stepped on my foot!” kumunot ang noo niya at saglit na sinulyapan ang paa ko kahit na madilim.
“So what? Bakit ka ba kasi paharang-harang?” I gritted my teeth as I glared at her.
“Ikaw ang bakit hindi tumitingin sa inaapakan mo?! I just had my pedicure yesterday!” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at suminghal.
“I donʼt care, kung ayaw mong maapakan ay huwag kang humarang sa dinaraanan ko,” mataray na aniya kaya mas lalo akong nangalaiti.
“You! Say sorry! Now!” utos ko pero sarkastiko lang siyang tumawa.
“Me? Sorry? Oh dear, donʼt you know me?”
“Wala akong pakialam kung sino ka! Kahit pa anak ka ng presidente ng bansang 'to! Say sorry!” mas tumalim ang mata niya at akmang hahablutin na ang buhok ko pero inunahan ko na siya at malakas na tinulak. Nanlaki ang mata niya at napa-atras kaya hindi na ako nag-sayang pa ng oras at tinapakan din ang toenails niya. Iʼm just asking her to say sorry because it was her fault, but she gave me her attitude instead.
She screamed. Medyo naka-agaw kami ng atensyon pero wala akong pakialam. Naiirita na nga ako dahil hindi ko malapitan si Castriel tapos dumagdag pa siya.
“Now, weʼre even.” inirapan ko pa siya bago nagmamartsang nilayasan siya. Rinig ko pang minura niya ako pero hindi na ako lumingon.
Inis akong bumalik sa pwesto namin nila Gabbie pero halos wala na sila roʼn, hula ko ay nasa dance floor na sila. Mace is also nowhere to be seen. Umiinom na ba siya? Kanina ay hindi siya tumatanggap ng mga shots dahil magdadrive pa siya pauwi. Padabog akong umupo at tinanggal ang suot na heels. My toes hurts because of that brat, I hope she feels the same.
Nanatili ako roʼn nang ilang minuto para ipahinga ang paa. Triple na ata ang ingay ngayon dito sa loob at ang wild na ng mga tao. Sari-sari ang nakikita ko, sari-saring make-out sessions. Nakangiwi lang ako at hindi na sila tinitingnan pa ulit. Iʼve kissed a few men from the past, but I never did it on public. Itʼs gross for me.
I fished out my phone to see if my grandparents contacted me. Napakurap-kurap ako nang makitang halos alas dose na. Shit... Baka tulog na sila lola at siguradong lagot ako bukas dahil hindi man lang nila ako nakitang dumating bago sila natulog. I was already planning to call Mace so we can finally go home but something caught my eye. Mabilis akong nag-angat ng tingin at nakitang dumaan sa may harapan ko lang ang drummer ng Ludic Selcouth, may kaakbay 'yun na babae pero mabilis na akong tumayo.
“Hey!” dali-dali kong isinuot ang heels at sinundan sila. The man is busy whispering something to the girl, mukhang walang pakialam sa paligid.
“Hey!” ulit ko at tuluyan nang humarang sa daraanan nila. Sabay silang napatingin sa 'kin, agad na tumaas ang kilay noong babae at ipinulupot ang braso niya roʼn sa bewang ni Tase Mortell. Lihim akong napa-irap. Hindi ko naman 'yan aagawin.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...