It was the last day of our volunteer inside the city jail when a devastating news welcomed me. Tatay Fernan, the old inmate that I grew attached with in just weeks, passed away. I wanted to cry for him, for his familyʼs loss. Sa tuwing nandito kami sa loob at tinuturuan ang mga inmates ay si Tatay Fernan lagi ang nakaka-usap ko nang matagal. Palagi siyang may ikinikuwento sa akin kaya halos alam ko na ata ang lahat ng masasaya, malungkot, at nakakatakot na mga araw sa buhay niya. He became my lolo inside this place. It pains me to know that heʼs already gone...
Matamlay ako sa mga oras na nandoon kami. Itʼs our last day so some activities were conducted. Nagkaroon din ng open forum kaya nalaman namin ang opinions ng mga inmates sa aming mga taga Ischyrion Phi. It would be better if Tatay Fernan is still here...
Natapos ang araw na 'yon na hindi ko man lang nagawang ngumiti. Hinaplos ko ang beaded bracelet na inabot sa 'kin ng isang pulis kanina, ang sabi niyaʼy ipinabibigay daw ni Tatay Fernan. Tuluyang tumulo ang mga luha ko nang makalabas kami sa open field kung saan may mga nakikita kaming nakatambay na mga inmates. Hinaplos ni Georgia ang likod ko kaya mas lalo lang akong naluha.
“Bakit naman ganoʼn? We were teaching them so they can have a healthy lifestyle inside and outside the jail once theyʼve been released. Tatay Fernan should have waited more... Malapit na siyang makalaya eh...” ang sabi niyaʼy isang buwan na lang ay tuluyan na siyang makakalaya. Pero wala na siya...
“Life could be really unfair, Kenzie... We couldnʼt do anything but to keep on going with the flow. Itʼs hard to tell when this life will be taken away from us. Once that day comes, we wouldnʼt have a choice. Whether we like it or not, we need to go,” she said. Mas lalo lang tumulo ang mga luha ko kaya nakatingin na sa amin ang ibang prison guards.
“Ayos lang po ba kayo, maʼam?” tanong ng isa. Umiling ako kaya iginiya na ako ni Georgia palabas.
“It hurts... Heʼs like my lolo here...” she nodded and continued tapping my back.
“I know that youʼre so fond of old people because you grew up with your grandparents and I understand you... You can cry it out.”
Malapit na kami sa gate nang biglang may humahangos na pulis ang pumigil sa amin. Mabilis kong pinunasan ang mukha bago humarap sa kaniya.
“Miss Sebastian?” I dabbed the tissue on my nose and nodded.
“Bakit po?”
“Isa sa mga inmate na tinuruan niyo ang nag-rerequest na maka-usap ka bago kayo tuluyang umalis. Pagbibigyan mo ba siya?” nangunot ang noo ko at naguluhan. Si Tatay Fernan lang ang pinaka-close ko rito.
“Sino raw po?” si Georgia na ang nagtanong para sa akin.
“Si Christopher De Vera,” sagot ng pulis. Christopher De Vera...
“Whoʼs that?” pasimple kong bulong kay Georgia. Siguradong narinig ko na ang pangalang 'yon pero hindi ko matandaan kung sino.
“Omg... itʼs the man who talked to you on our first day. Iyong kilala ang lolo mo!” unti-unting namilog ang mata ko nang mapagtanto kung sino nga 'yon. Itʼs the man that I thought Iʼm familiar with! Naghihintay ang pulis sa sagot ko pero nagsisimula na akong mag dalawang-isip. Bakit naman ako noon kakausapin? Is he going to ask about my lolo who convicted him in Laguna? But he said he doesnʼt hold any grudges for him!
“Miss?” I blinked and looked at Georgia. Mukha rin siyang naguguluhan kaya mas lalong hindi ko alam ang gagawin.
“Kung ayaw niyo ay pwede namang hindi na kayo bumalik sa loob,” the police said. I bit my lips and shook my head.
“Sige po, kakausapin ko siya.”
“Kenzie...” ngumiwi na lang ako kay Georgia.
“Una ka na sa labas, George. Iʼm sure saglit lang 'to.” she was hesitating at first but she eventually nodded.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...