Chapter 1

4K 131 32
                                    

“Lola?” I called groggily. I canʼt find my favorite necklace and I really forgot where I placed it. May lakad kami ngayon ni Mace at sobrang aga niya akong pinag-aayos.

“La? Nakita niyo po ba 'yung kwintas kong may guitar pendant?” sumilip na ako sa loob ng kuwarto nila pero wala akong naabutan kahit ni isa sa kanila. Where are they this time?

Ngumuso ako at tuluyan nang pumasok sa loob ng kuwarto. Is it possible that I accidentally placed my necklace here? Madalas naman kasi ako rito sa kuwarto nila lalo na kapag ginagawa ako ni lola ng crocheted clothes. I enjoy watching her crocheting, sheʼs so good at it.

I started searching on top of the cabinets. Itʼs not there, puro mga palamuti lang ni lola ang nandoon pati na ang mga badge at awards ni lolo na natanggap niya noong pulis pa siya. Inis akong tumayo sa gitna ng kuwarto nila habang iniisip kung saan ko ba nilagay ang kuwintas na 'yon. I canʼt lose that! Ipina-customize ko pa 'yong pendant para lang kamukha ng favorite electric guitar ni Castriel noon.

The phone on my pocket suddenly vibrated. Napabuntong-hininga ako at kinuha 'yon. Napa-irap na lang ako nang makitang tumatawag na si Mace.

“What?” wala na sa mood kong tanong at muling nag-tingin-tingin sa paligid.

“Ano na? Papunta na ako sa bahay niyo. Pakibilisan na, huwag ka nang magpapalit-palit ng outfit.”

“Wait lang, may hinahanap pa ako. Maghintay ka.”

“Wow, paghihintayin mo ako? Prinsesa ka?”

“Oo, bakit?” rinig ko ang pagbuntong-hininga niya pero nagpatuloy ako sa paghahanap sa mga iba-ibabaw. Napunta na ako sa bedside table nila lola at nakuha ang atensyon ko ng isang papel na nakapatong doon. Nangunot ang noo ko at pinulot 'yon.

“Ano bang hinahanap mo?” tanong ni Mace sa kabilang linya.

“Necklace,” tanging sagot ko at pinakatitigan ang hawak na papel. Whatʼs this? I got so curious that I decided to open the paper. Kapag kasi mga ganito ay hindi nag-iiwan ang lola kung saan-saan, sheʼs neat and organized. Kaya naman bakit nandito lang 'to?

“Bilisan mo na!”

“Teka lang!”

Inilagay ko sa loudspeaker ang call at inilapag muna 'yon sa lamesa. Hinayaan kong magtatalak doon si Mace at tuluyan nang binasa ang nakasulat sa papel. Sa una ay hindi ko pa maintindihan kung saan ba tungkol 'yon pero habang patagal nang patagal ay unti-unti kong naramdaman ang pangangatal ng kamay. I released a shaky breath and laughed nervously. What the heck is this?

“Kenzie? Hello? Nandiyan ka pa ba?”

My eyes landed at the signature under the paper. Itʼs my lolaʼs signature... Humigpit ang hawak ko sa papel habang paulit-ulit na binabasa ang nakalagay doon. Iʼm silently wishing that I just misunderstood the content but no... The more I read it, the more itʼs becoming clearer to me.

“M–mace, saglit lang,” pagpapaalam ko na at pinatay ang tawag. Nagmamartsa akong lumabas sa kuwarto habang malakas ang nararamdamang kabog sa dibdib. This canʼt be...

I roamed around the house, trying to find my lola. Kailangan niyang ipaliwanag sa 'kin ang tungkol sa papel na 'to!

“Kenzie? Gising ka na pala, ikaw ba 'yung tumatawag sa 'kin? Kakalabas ko lang ng cr— anong problema?” nakasalubong ko siya pagkababa ko mula sa itaas. Galit kong itinaas ang papel para makita niya 'yon.

“Ano 'to, la?” nagpipigil kong tanong. Napatitig siya roʼn at kalaunaʼy ibinalik din sa 'kin ang atensyon. Bumuntong hininga siya at akmang kukuhanin ang papel pero agad ko 'yong inilayo sa kaniya.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon