Napatigil ako sa paglalakad dahil sa takot na baka kung sino 'yung naka-upo na 'yon. Bahagya pa akong itinulak ni Tase Mortell pero sinamaan ko na siya ng tingin.“What are you doing? Thatʼs Castriel.” my eyes widen. Mabilis pa sa alas kuwatro na lumapit ako at lumuhod sa harapan niya. I lightly touched his head and peek on his face. Nakapikit siya habang kagat ang labi.
“Casti?” his eyes slowly open. Napatingin siya sa 'kin at bahagyang ngumiti. I blinked and stared at him. Why is he smiling? He doesnʼt smile around me!
“Tase? Anong meron?”
“Take him home. I couldnʼt go home with him, baka makita pa kami ng mga gagong 'yon kapag ginamit ko 'yung sasakyan ko. I will commute while heʼs riding with you.” saglit akong napalingon sa kaniya.
“Why? What did you do again this time? Bakit nandito kayo?” I stopped breathing when Castrielʼs head suddenly fell on my shoulder. Napahawak na lang ako sa braso niya para hindi ako matumba dahil naka squat lang ako.
“Someone put a Molly on his drink while we were drinking with our frat mates, ex frat mates I mean.” Castriel mumbled something but I couldnʼt understand it.
“What the hell is Molly?”
“Ecstasy. Heʼs high right now.” mas lumaki ang mata ko sa narinig. Handa na akong bugahan ng apoy si Tase Mortell pero muling umangat ang ulo ni Castriel at mapupungay ang matang tumitig sa 'kin. Heʼs still smiling!
“Youʼre swirling but I can tell that youʼre pretty...” he said. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Tase sa likuran ko pero pakiramdam ko ay natuod na lang ako dahil sa sinabi ni Castriel. Is he really... high? He wouldnʼt usually compliment someone... Bahagya kong tinapik ang pisngi niya pero hinawakan niya lang ang kamay ko at pinisil 'yon.
Oh my god... I think Iʼm going to faint.
Tumayo ako at galit na hinarap si Tase Mortell. Medyo namumula rin pala siya pero masasabi kong mas wasted si Castriel. “Bakit mo hinayaang maka-inom ng may ecstasy si Castriel?! Bakit ikaw hindi naman?! Look at him! Heʼs not like that! Party drugs are dangerous, what the hell were you thinking?! Paano kapag may nangyaring masama sa kaniya?!” sigaw ko at tinulak siya.
“I wasnʼt with Castriel when they made him drink it, okay? They said itʼs a farewell party since weʼre leaving the fraternity—”
“Kahit na! Dapat hindi mo siya iniwan! Ang bad influence niyo talaga!” nagtubig ang mata ko sa sobrang frustration na nararamdaman. Castriel is on drugs right now! Ayokong isipin dahil hindi ako makapaniwala! He would never do these things before!
“Look, I also regret that I left him there just to go on a fucking bathroom. They promised that there would be no drugs for tonight, but they tricked us. Tumakas lang kami sa party, alam kong hinahanap na nila kami kaya bago pa nila kami tuluyang mahanap ay umalis na kayo. Tsaka mo na ako awayin, pwede ba 'yon?” aniya sa seryosong boses.
“I hate you!” sigaw ko pa bago tuluyang binalikan si Castriel para alalayan siyang tumayo. Pero hindi na pala 'yon kailangan dahil mukhang hyper pa siya. I can tell that he has a lot of dopamine and serotonin right now... Medyo sumusuray lang siya kaya agad kong kinapitan ang damit niya.
“Casti, Iʼm going to take you home, okay? Tara na...” nagsimula akong maglakad pero ang hirap niyang alalayan. Ang bigat niya kasi!
“Can you please help us?!” sigaw ko kay Tase. Sumunod naman siya at siya na mismo ang umalalay kay Castriel hanggang sa marating namin ang sasakyan ko. Sa backseat na siya isinakay para mas malawak. Heʼs sweating! Nanginginig ang kamay na pinunasan ko muna siya bago isinarado ang pinto.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...