Panay ang kutkot ko sa nail polish habang nakatingin kay Angelito. Hawak niya ang binder ko habang sinasabi ang mga descriptions tapos ay sasagutin ko naman kung anong term 'yon. Kasalukuyan kaming nasa garden kung saan walang masyadong pumupunta na mga estudyante. Kailangan ko lang ng tahimik na environment para makapag-review. May sandamak-mak na naman kaming quizzes at takot na akong bumagsak ngayon.“The great Mackenzie Sebastian looks so fucking anxious, what a sight,” nang-aasar na sabi ni Angelito. Hindi ko siya pinansin at inagaw lang ang binder ko mula sa kaniya atsaka nagsulat ng mga karagdagang informations.
“You know what, you should chill. Alam mo naman na lahat.” umiling ako at muling nag scan reading.
“What if may makalimutan ako? Every points matter, Angelito. Mag-aral ka na lang din.” tumawa lang siya at prenteng nag-dekwatro.
“I donʼt need to study.”
“Bakit? Kasi may frat ka na sasalo saʼyo kung sakaling bumagsak ka?” he looks offended for a moment but I just rolled my eyes.
“I wouldnʼt need to study anymore because I already know the topics! Youʼre so judgemental,” nakakunot-noong aniya. Ako naman ang bahagyang tumawa at saglit na sumulyap sa kaniya.
“Galit ka?” pinagkrus niya ang braso at hindi tumingin sa 'kin. Ang arte. Pinanindigan niyang huwag ako kibuin ng ilang minuto kaya hinayaan ko na lang siya. Akala niya naman susuyuin ko siya.
“Hey,” he called after five minutes. I ignored him and just continued reading.
“Kenzie, arenʼt you gonna coo me?” nalukot ang mukha ko at isinara ang binder na hawak.
“Coo you? Kadiri naman ng term, Angelito. Ang corny. Asa ka pa.” umayos na ako ng upo sa tabi niya at pimagmasdan ang mga puno sa paligid. Kailangan ko na nga sigurong ipahinga talaga ang isip ko, baka magkaroon ako ng mental block sa mismong quiz taking dahil clogged na ang utak ko sa rami ng terms na sinasaulo.
“Wala na talagang magkakagusto saʼyo oras na malaman nila ang totoo mong ugali,” aniya at binangga ang balikat ko gamit ang kaniya.
“Duh, natural na maraming galit sa 'kin kahit na hindi naman talaga nila ako kilala.”
“Ay, oo nga pala. My bad.” inirapan ko lang siya. Saglit kaming natahimik habang pareho lang na nakatingin sa kawalan. Ilang saglit pa ay napatingin na ako sa wristwatch na suot, 3 pm. May isa pa akong klase which is 4 pm, doon ay may quiz din ako. Isang oras pa, isang oras ko pang titiisin ang nakaka-umay na pagmumukha ni Angelito.
“Kenzie,” he called again.
“What?”
“Are you okay these days?” random na tanong niya. Kunot-noo ko siyang nilingon dahil ang seryoso na naman ng kaniyang boses.
“Of course. Mukha ba akong hindi okay?” lumingon siya sa 'kin at sinuri ang buong mukha ko.
“You look okay outside. Iʼm not sure inside,” he answered, still looking straight into my eyes. Nag-iwas na ako ng tingin at tumawa. Ang weird talaga ni Angelito minsan. Hindi ko maintindihan kung ano ba talagang totoo niyang mood.
“Iʼm okay. Ikaw ba, okay ka lang? Parang mas lumalala 'yang kabaliwan mo habang tumatagal.”
“Iʼm not okay, laging masama ang tingin sa 'kin ni Castriel sa classroom.” hindi agad ako nagsalita dahil binanggit niya na naman ang pangalan ni Castriel. Tumikhim ako at mahigpit na hinawakan ang binder.
“Bakit naman? Wala na siya sa frat so imposible na frat feuds na naman ang dahilan.”
“Iʼm not really sure. Baka kasi lagi kitang kasama.” napalingon ulit ako sa kaniya dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...