Chapter 17

2.7K 118 17
                                    


Magkatabi kami ni Mace habang nanunuod ng kung anong movie. Hindi nga lang ako nakatutok doʼn dahil may binabasa akong notes para sa quiz namin bukas. Ibinuka ko ang bibig nang may isubo siya sa 'king popcorn. Pareho kaming tahimik dahil engrossed siya sa pinapanuod habang ako naman ay nagrereview.

“Mace,” I called when I suddenly remember something.

“Hmm?”

“Pwede ka bang tusukin? Kailangan kong mag-practice kumuha ng dugo.” hindi agad siya sumagot kaya nilingon ko na siya.

“Hoy.”

“Gusto mo ba akong himatayin, Mackenzie? I hate needles, why would you practice on me?” ngumisi ako at binitawan ang binder na hawak.

“I need to learn.”

“Georgia is your blockmate, edi kayo ang magturukan.” umiling ako at humarap sa kaniya.

“Kailangan kong mag-practice sa ibaʼt-ibang braso, hindi pwedeng isa lang.”

“Go ask your sorority sisters.” tumawa ako at inagaw ang bowl ng popcorn sa kamay niya.

“Gusto ko nga mag-practice saʼyo!” kinunutan niya ako ng noo at sinamaan ng tingin. Ayaw niya sa karayom pero hindi naman talaga siya takot na takot. He can bear the pain. Siguro ay wala lang 'tong tiwala sa 'kin.

“Paano kapag namatay ako dahil mali ang pagkakatusok mo?” napahalakhak ako at binato ng popcorn ang mukha niya. Ang OA naman!

“Grabe patay agad? Hindi pwedeng hospital muna?”

“Mackenzie!” I smiled as I inspected his right arm. Maugat siya, hindi na ako gaanong mahihirapan sa paghahanap ng magandang ugat.

“Trust me, Mace. Hindi ka mamamatay, OA ka kahit kailan. I have enough knowledge on how to inject someone properly. Nakapag-practice na rin ako sa fruits.” ilang minutong pilitan 'yon at kung ano-anong exaggeration ang sinasabi niya. Ang paranoid. Napapayag ko rin naman siya sa huli kaya grabe ang tuwa ko.

Napuno ng tawanan ang living room ng condo noong gabing 'yon. Halos hindi rin ako makapag-concentrate sa pagtuturok kay Mace dahil kung ano-ano ang sinasabi niya. Nanginginig lang ang kamay ko sa kakatawa.

Kinabukasan ay mas maaga akong pumasok kaysa sa kaniya dahil may klase ako ng alas sais. Tahimik akong naglalakad sa field habang may nakasalpak na earphone sa tenga. Nag park ako ng kotse sa may hindi kalayuan at piniling maglakad-lakad muna habang nakikinig sa mga solemn music, nirereview ko kasi sa utak ang mga possible terms na lalabas sa quiz namin. Weʼre almost halfway for the last sem now, papalapit na ang finals.

Nang mapadaan ako sa department ng mga film students na medyo malapit lang sa college of nursing ay may natanaw akong pamilyar na bulto. Si Lara. Right, I forgot that sheʼs a film student. I sighed and rolled my eyes. Ka-aga-aga siya agad ang makikita ko.

I continued walking but she suddenly ran towards my direction. Mukhang hindi niya ako napansin at may kinakawayan sa may likuran ko kaya bigla niya akong nabangga. Mariin kong naipikit ang mata at pinakalma ang sarili. Maaga pa, Kenzie... Huwag ka munang magalit.

“Oh my god! Sorry!” she immediately picked up the binder that slipped from my hand. Nang iabot niya sa 'kin 'yon ay bahagya pa siyang napaatras pagkakita sa mukha ko. Marahas akong bumuga ng hangin at hinablot sa kamay niya ang binder. Pasimple akong lumingon at tama nga ang hinala ko. Kaya ganito na lang ka-excited si Lara dahil nasa may likuran ko lang pala si Castriel.

“Pwede namang lumapit nang hindi tumatakbo, wala ka sa movie,” inis kong sabi kaya nakagat niya ang labi at bahagyang yumuko.

“Sorry...” lagi na lang atang sorry ang naririnig ko mula sa kaniya. Nakaka-umay.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon