Chapter 23

3.1K 106 24
                                    


“Put that in your bag na muna kasi! Baka lumagpas sa maximum weight ang luggage ko!” maktol ni Zither at pinipilit ako na ilagay muna ang heels niya sa loob ng OnTheGo ko. Ayokong pumayag kasi hello?! Heels niya, ilalagay ko sa LV ko?! No!

“Ayoko! Bakit kasi ang dami mong dalang damit?! 3 days lang tayo roʼn!” napapadyak na siya kaya halos pinagtitinginan na kami ng ibang tao rito sa labas ng airport.

“I will take a lot of pictures and I need a lot of outfits as well!”

“A lot of outfits eh parang pang isang buwan na 'yang dala mo!”

“Youʼre exaggerating! 10 outfits lang 'yan!” inis kong pinagmasdan ang bagahe niya. Mukha talagang ang bigat noon. Aside naman kasi sa mga damit niya, siguradong kung ano-ano pang pinagdadala niyang mga gamit.

“I can let you put your other clothes here inside my bag but not your heels,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. Nagpameywang naman siya at tinaasan din ako ng kilay.

“Do you want me to open my suitcase here just to take out some clothes?!”

“Yes.”

“No! Thatʼs hassle!”

“Okay then, your choice. Mag-iiwan ka ng ilang gamit dito sa airport or aayusin mo 'yang suitcase mo para hindi lumagpas sa maximum weight.” pinagkrus ko ang braso at naghintay sa desisyon niya. Kanina pa kami nandito at nagtatalo dahil lang sa mga dala niya. Sobrang gulo talaga kapag si Zither ang kasama ko.

Ito na kasi ang araw na pupunta kami sa isang isla na gustong puntahan ni Zither para mag relax. I donʼt really need it but she was so persistent to make me answer yes to this. Kung bakit hindi sila Feia ang inaaya niya, Iʼm not sure. Mas naging close kami these past few years dahil aksidente ko laging nakikita ang mga sugat at pasa niya sa katawan. Kinukuntsaba niya rin ako na itago 'yon sa sorority everytime na mangyayari 'yon. She always says that itʼs an accident and isnʼt a big deal. But her action says otherwise. Kaya rin hindi ko siya matanggihan, I know that somethingʼs going on.

Sobrang nagtagal kami roon dahil sa kaartehan ni Zither. Kung ano-ano pang nangyari bago kami tuluyang nakasakay sa eroplano.

“Buti pinayagan ka ng hayop mong jowa na magbakasyon nang hindi siya kasama? Nako talaga, Zither, nanggigigil ako lagi sa pagmumukha ng lalaking 'yon. Whatʼs with that man that youʼre head over heels for him?” hindi ko maiwasang mag-kumento nang makita ko ang wallpaper ng phone niya. Picture kasi nila noong boyfriend niya ang nandoʼn.

“Grabe ka! You keep on calling him hayop. Heʼs nice.” nalukot ang mukha ko at umirap. Nice nice nice. Palagi na lang 'yan ang pangontra niya tuwing babatikusin ko ang boyfriend niya.

“You two have been together for two years, Zith. Sa two years na 'yon, ang dalas mong may pasa! Whatʼs nice with that? Sadist ba 'yan sa kama o talagang sinasaktan ka lang?” hindi ko na napigilan at nasabi ko na 'yon. Iʼve been giving her hints on how I think that her boyfriend is hurting her physically, she will just always dismiss me. Sometimes, I canʼt recognize her anymore. Noong college days kami ay siya lagi ang mahilig sa trouble, ngayon ay parang under na siya sa hayop niyang boyfriend.

“Weʼre just kind of...rough in bed, okay? Itʼs really nothing, Kenzie. He will never hurt me intentionally,” aniya at nag-iwas ng tingin. Napailing-iling na lang ako at inirapan siya.

“Donʼt you miss your shots, Zither. Kapag nabuntis ka ng lalaking 'yon, mas lalong wala kang kawala. Iʼm telling this to you because Iʼm worried. Ayaw mong sabihin sa iba kasi alam mong iba na ang ginagawa ng boyfriend mo. We both know how manipulative that asshole is. Akala mo sad boy lagi ang hayop, ang hilig pa mang-gaslight.” hindi na siya nagsalita at biglang naglagay ng headphone sa tenga. Nanahimik na lang din ako dahil siguradong hindi na siya makikinig sa 'kin.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon