I donʼt know when I exactly started wishing for the things that I coudnʼt easily have. Maybe it was when I realized that society wouldnʼt lightly accept and welcome you when youʼre just...nothing. If you donʼt have enough connections and power, if youʼre not rich, then your choices and opportunities will also be limited. Maybe I started reaching desperately for these luxury things when I observed that poor and empty people do not get the same treat and previlege like what those rich people are getting.
Or maybe I was just really too ambitious for the average lifestyle that my family have.
“Ano na bang nangyayari sayo, Kenzie?! Gaano ba kahalaga 'yang bag na sinasabi mo at kailangan pang umabot sa ganito?! Nag-iisip ka pa ba?!” nanatili akong tahimik habang nasa harap ng laptop kung saan kasalukuyang naka-flash ang mukha ni mama. Sheʼs so mad at me after knowing lolaʼs attempt to sell her kidney just to buy the bag that I wanted.
Hindi naman 'yon natuloy... pero galit na galit pa rin siya.
“Alam mo ba kung gaano kamahal ang tuition sa university na gusto mong pasukan?! Iyong presyo ng bag na gusto mo, kalahati na ng tuition mo para sa isang sem! Hindi ba ibinibigay ko naman sayo ang mga gusto mo kapag kaya ko? Nagtatrabaho naman kasi talaga ako para sayo! Pero sana limitahan mo naman 'yang sarili mo! Bag na lagpas isang daang libo ang gusto mo? Aanhin mo 'yon? Sinabi ko na sayo na tigilan mo 'yang pakikipag-sabayan mo sa mga kaibigan mong mayayaman! Hindi ganoon karami ang pera natin para lang iwaldas sa iisang bag! Sana iniisip mo muna 'yon bago ka mag-demand ng kung ano-ano!” mariin kong naikuyom ang kamay at halos hindi na huminga.
My mother isnʼt personally in front of me right now but her words is enough to bring me to tears.
“Ngayon iiyak ka? Paano kung hindi mo nakita 'yung kasulatan tungkol sa kidney ng lola mo? Anong mangyayari?” kinagat ko ang labi at umiling-iling. Totoong gustong-gusto ko ang bag na 'yon pero hindi ko naman naisip na gagawin 'yon ni lola para lang maibigay ang gusto ko...
“Tsaka ka na mag hangad ng mga mamahaling bagay kapag may sarili ka ng pera, Kenzie. Iyong alam mong nanggaling sa pinaghirapan mo. Ilang beses ko na bang sinabi sayo na walang patutunguhan 'yang buhay mo kung puro ka lang luho? Napakaraming tao na ang nalubog dahil sa bagay na 'yan. Alam mo naman ang nangyari sa lolo mo, hindi ba? Anong nangyari noong tuluyan siyang maadik sa pagsusugal? Nabaon tayo sa utang. Huwag ka na sanang gumaya pa.”
Parang pinipiga ang puso ko habang iniisip ang mga posibleng mangyari kung hindi ko nga aksidenteng natagpuan 'yung kontrata na pinirmahan ni lola. I am guilty, really really guilty. But I couldnʼt bring myself to change immediately. Material things makes me happy. Expensive things makes me feel like I am the best version of myself. Wearing those kind of things brings out the confidence inside me. Alam ko sa sarili kong kaya kong makipagsabayan sa mga mayayaman kong kaibigan kapag natatapatan ko 'yung mga mamahaling bagay na suot at dala-dala nila.
And it was narcotic. It comforts me whenever Iʼll think that I can also have the same superiority as theirs.
How will I change that side of me?
Wala sa sariling nagbihis ako pagkatapos makipag-usap kay mama. Kailangan kong pumunta sa dati kong school para asikasuhin ang iba pang requirements na kakailanganin ko para sa college. Naabutan kong magkatapat na naka-upo sila lolo at lola sa living room. Sabay silang napatingin sa 'kin nang tuluyan akong makababa.
Hindi agad sila nagsalita at pinagmasdan lang ako. Alam kong napansin agad nila ang mugto kong mata, alam ko ring alam nilang kapag ganito ay napagalitan na naman ako ni mama.
“Pupunta lang po ako saglit sa school... Babalik din ako agad,” mahina kong sabi at inayos ang shoulder bag na dala. Tuluyan na akong nilapitan ni lola at hinaplos ang buhok ko habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...