I parked on a public camping park when I started to feel tired from driving all day. Itʼs the third day of my road trip and itʼs not easy. I have to take a bath on gyms and I have to store foods on the car. Last night, I slept on a cheap hotel. Itʼs definitely not my thing but I canʼt just sleep on a five star hotel every night. Mamumulubi ako.Itinungo ko ang noo sa steering wheel at huminga nang malalim. I have a specific place to go tonight. Pupunta ako roʼn sa bahay ni Castriel na nasa gitna ng maliit na gubat. Malayo na ako sa Laguna pero babalik ulit ako para magbakasali. Wala pa ring balita ang Ludic Selcouth sa kaniya, pati na sina Lola Eleonora. Na-iimpress na ako sa hiding skills niya, kahit ang lolo niya ay hindi siya mahanap.
But Iʼm really worried. Hindi pa rin humuhupa ang mga usap-usapan sa social media. Ginagatungan kasi nang ginagatungan ni Christopher De Vera. Yesterday, he posted a video saying that he really wants to reconcile with his son. Nagpapa-awa sa mga tao. Nakakairita. I just hope that Castriel isnʼt using any social media platform right now. He doesnʼt need to see and read what the people are saying. I hope heʼs okay...
Bumaba ako ng sasakyan at nag-stretch. I will just rest here for a while and then Iʼll proceed to Castrielʼs cabin in the middle of the forest. Iginala ko ang paningin sa paligid pero puro puno naman ang nakikita ko. May lake sa may hindi kalayuan at may natatanaw rin akong isang van na nakaparada malapit doon. Mukhang kami lang ang nandito.
I decided to approach the lake because it seems like the view is nice. Malapit na rin kasing lumubog ang araw. Mayroon akong nakitang gulong na nakasabit sa dalawang naglalakihang puno at nagsisilbi ata 'yong duyan-duyan. I touched the rope and inspected the circular thing. Will this hold me? Baka kapag tumapat ako sa may tubig ay biglang mapigtas at maligo ako nang wala sa oras. At saka... paano kung may buwaya roʼn sa lawa?
“Matibay 'yan, Iʼve tried it a while ago.” I jumped a bit and clutched my chest because of the voice. Nagulat ako! Lumingon ako at nakita ang isang babae na nakasandal doon sa van. Sheʼs wearing a funny color combination of clothes. Whatʼs with her style? Nakasuot siya ng flared neon green pants at kulay violet na tank top. Kahit ata nasa malayo siya ay makikita agad siya. May kung ano-ano pang pearls ang nakasabit sa kaniya.
“Alam ko na 'yang ganiyang tingin. Alam kong maganda ako, pero hindi tayo talo,” aniya at isinubo ang hawak na lollipop. My face twisted in disgust, sino ba 'to?
“Sakay na, itutulak kita.” akma siyang lalapit sa akin pero binitawan ko na ang tali ng gulong at umiling.
“No, thanks.” tumaas ang kilay niya at pinagmasdan ang kabuuan ko.
“Pamilyar ka,” she said while staring at my face. Umirap ako at inayos ang buhok. Hindi ako nagsalita at pinagmasdan na lang ulit ang paligid. Ang babaeng 'to lang ang tanging makulay dito. Ilang saglit lang ay narinig ko ang pagpitik ng daliri niya kaya mula akong napatingin sa kaniya.
“Of course, ikaw ang babaeng 'yon! Iyong maraming basher sa social media.” malawak siyang ngumiti at pinasadahan ulit ng tingin ang kabuuan ko.
“Tapos girlfriend ka noong gitarista ng Ludic Selcouth, hindi ba? Pangalawa ka na ata sa namimeet kong may jowa sa bandang 'yon. Kay Rush Zedova ata iyong una,” sabi niya pa at tumawa. I just frowned at her.
“That was years ago though. Pero sign na ata talaga 'to. Baka magkakajowa rin ako sa Ludic Selcouth. Sino pang hindi taken sa kanila?” my lips twitched.
“Wala na, taken na silang lahat,” sabi ko at pinagkrus ang mga braso. Her fashion style is old, and sheʼs also weird.
“Ay weh? Akala ko available pa si Zath Accardi.”
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...