Tulala ako nang tuluyang matapos si mama sa pagsasalita. She is trembling, I donʼt know if itʼs because of sadness or so much anger. Mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko habang tahimik nang lumuluha sa tabi ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko dahil sa mga nalaman. Nangyari ang lahat ng 'yon noong bata pa ako... wala pang gaanong kamuwang-muwang sa paligid. Iʼm not sure what to feel...“Kenzie... magsalita ka. Pinapakaba mo ako,” nanginginig ang boses na aniya. I swallowed and look at her. I can see the pain on her eyes, and itʼs hurting me too...
“Kenzie, anak...” pinilit ko ang sariling ngumiti at pinunasan ang luha gamit ang nanginginig na kamay.
“Iʼm...not okay... Pero tapos na... nangyari na. Gusto ko lang malaman ang lahat para maliwanagan ako, ma... Ayos na...” bigla niya akong mahigpit na niyakap kaya ipinikit ko ang mga mata. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at medyo nahihirapan akong huminga. Lilipas din 'to... I will be okay.
“M–magpahinga ka na... You need to regain your strength,” she whispered after a while. Kumalas siya sa yakap at tinulungan akong makahiga. Hindi na ako pumalag at nag-concentrate na lang sa paghinga.
“Pwede po bang lumabas muna kayo? Gusto ko lang mag-isip at mapag-isa...” mahina kong sabi. Mukha pa siyang nagdadalawang-isip pero kalaunaʼy tumango rin at tumayo na.
“Kung may kailangan ka, nasa labas lang ako.” I just nodded and turned my back at her. Ilang sandali pa ay naramdaman kong nawala na ang presensiya niya sa kuwarto. Doon muling tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ko. I shut my eyes tightly as I tapped my chest continuously.
“Stop crying, Mackenzie... Tama na...” bulong ko sa sarili pero mas lalo lang lumala ang nararamdaman ko. I covered my mouth in attempt to lessen the sound that Iʼm creating. My heart feels so heavy, I can feel my body trembling because of all the emotions that Iʼm trying to contain.
Crying is so exhausting. Simula nang mawala si Mace sa buhay ko, ang dalas ko na lang umiyak. Mas masakit isipin na wala na siya rito para pagaanin ang loob ko. Wala na akong mayayakap nang malaya, iyong hahayaan akong makatulog sa braso niya at hindi ako papakawalan hanggaʼt hindi ako kumakalma. I miss him... Kasabay noon ang sakit din na nararamdaman ko para kay Castriel. Wala rin siya sa tabi ko... I couldnʼt also hug him...
Parang binibiyak ang ulo ko pagkatapos ng isang oras na puro iyak lang ang ginawa. Alam ko kung gaano na kamaga ang mga mata ko dahil pati 'yon ay nananakit na. Everything about me is hurting. Both inside and outside.
I was able to sleep after crying. Agad lang din akong nagising dahil sa isang masamang panaginip. Castriel... pale... cold... lifeless...
Kaunti na lang ay magpapanic na ako pero pilit kong pinakalma ang sarili. Namataan ko ang cellphone na nakapatong sa lamesa na nasa gilid. I tried to stand up and leave the bed but I realized that the IV is back. I breathed heavily before I removed it for the second time. I donʼt need that. Inabot ko ang cellphone at napagtantong sa akin 'yon. Malakas ang kabog ng puso ko nang tingnan ko ang mga calls at messages. Ang dami. Mayroong galing sa mga sorority sisters at mula sa ibang kaibigan. Kahit si Angelito ay tumawag din. Mas nakuha nga lang ang pansin ko nang makitang may missed calls din si Tase at Paesyn.
Unti-unti na namang kinakain ng kaba ang dibdib ko kaya panay ang paghinga ko nang malalim. Panicking and crying wonʼt do me anything at this moment. Kailangan ko nang malaman kung nasaan si Castriel. I decided to call Tase back but heʼs not answering anymore. I tried again but no luck. Sa huli ay si Paesyn na lang ang tinawagan ko.
“Hello?” he greeted on a hoarse voice, mukhang kakagising lang. Doon lang ako napatingin sa wall clock, 1 am.
“Itʼs Kenzie,” I said. Nakarinig ako ng mga kaluskos bago siya muling nagsalita.
![](https://img.wattpad.com/cover/276849075-288-k862844.jpg)
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...