Chapter 7

2.5K 107 19
                                    

Pasalampak akong na-upo sa couch at iginala ang paningin sa loob ng condo ni Mace. This is pretty huge for only one person. His mom and dad are really spoiling him.

“Magkano ang hihingin mo sa 'king renta?” tanong ko nang lumabas siya mula sa kuwarto na ipapagamit niya sa 'kin. Umakto siyang nag-iisip at pinanliitan ako ng mata.

“10k per month, kasama na ang kuryente, tubig, at internet,” sagot niya. Natawa ako at tumango. Mura na nga 'yon kumpara sa kung kukuha pa ako ng sarili kong condo.

“Sige. Ihuhulog ko sa bank account mo mamaya 'yung advance payment.”

“Gaga, joke lang. Paghahatian lang natin 'yung bills at the end of the month. Alternate rin tayo sa grocery. Hindi na kita huhuthutan sa renta dahil nabili naman na 'tong condo,” bawi niya. Tumayo na ako at nilapitan siya. I stared at him for seconds before I smiled genuinely.

“No, okay na 'yung 10k per month. As if naman hahayaan ako ni mama na hindi magbayad ng rent, magagalit 'yon. Youʼve been a huge help, Mace. Thank you.” ngumiwi siya at bahagyang lumayo sa 'kin.

“Huwag ka ngang ganiyan, kinikilabutan ako sa pagseseryoso mo. Tsaka hindi na nga kailangan ng renta, bills na lang. Hep! Huwag mo nang ipilit, papalayasin kita agad!” pagbabanta niya. Natawa ako at tumakbo papunta sa kaniya para yakapin siya. Iʼm super thankful that I have a friend like him. Kung hindi dahil sa kaniya ay baka hindi na talaga ako pinabalik sa FU. Ang makulit kasing si Castriel ay sinabi talaga kina lolo 'yung nangyari.

As expected, they become worried and mad. Sinisisi pa ni lola 'yung sarili niya. Dapat daw hinatid-sundo na lang nila ako. Si lolo naman ay galit na galit. Hindi ko alam kung anong ginawa niya roʼn sa mga lalaking humarang sa 'kin. Siya na kasi 'yung nag-asikaso sa kaso at hindi na ako in-involve pa. Mama was hysterical as well. Nakatanggap ako ng sandamakmak na sermon, sinabi pang itatransfer na ako ng school na nasa Laguna lang. Syempre ay hindi ako makakapayag na mangyari 'yon kaya humingi na ako ng tulong kay Mace.

Dahil trusted friend ko si Mace, nakumbinsi niya ang pamilya ko na mag-stay na lang ako sa condo niya kapag weekdays para mas safe. Tapos ay sabay naman kaming uuwi sa Laguna tuwing weekends. Mahaba-habang paliwanagan din 'yon pero may magic ata ang mga salita ng lalaking 'to.

“Basta thank you. I owe you big time.” naramdaman kong tinapik-tapik niya ang likod ko kaya mas lalo akong napangiti. Mahal na mahal ko talaga 'tong bwisit na 'to as a friend.

“Oo na. Pumasok ka na nga roʼn sa magiging kuwarto mo at mag-ayos ng gamit. Napakarami mong damit at anek-anek.” humiwalay na ako sa kaniya at tumango.

“Unang araw ko rito. Ikaw magluto ng dinner mamaya!” utos ko at tumakbo na palayo sa kaniya.

“Aba! Pasalamat ka talaga kaibigan kita!” tatawa-tawa akong pumasok sa loob ng kuwarto na gagamitin ko. Kumpleto ang gamit doon at nadagdag lang ang mga bagahe ko. My smile widen when I saw the color of the pillows and comforter. Itʼs sage green, my favourite color. So thoughtful talaga ni pareng Mace.

Inayos ko na ang mga dala kong gamit at pinaglalagay sa closet ang mga damit. I really have a lot of clothes, napuno kasi 'yong cabinets at clothing racks. It took me hours to arrange all of those. Pagod na ako nang mahiga sa kama. Inabot ko ang cellphone at nagbukas ng social media. Mabilis ulit akong bumangon at lumabas ng kuwarto para puntahan si Mace.

Hindi ko siya mahanap sa ibang parte ng condo kaya kumatok na ako sa room niya. “What?!” sigaw niya mula sa loob. Binuksan ko naman ang pinto at sumilip. Ayun at nakahilata sa kama niya habang nakaharap sa laptop.

“Selfie tayo!” tuluyan na akong pumasok at tumabi sa kaniya.

“Teka, ang haggard ko,” aniya at sinuklay-suklay ang buhok gamit ang daliri.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon