Chapter 4

2.9K 108 21
                                    

Mariin kong kagat ang labi habang nasa loob ng sasakyan ni Mace. Itʼs the first day of school. Nagprisinta siyang ihatid ako sa university ngayon dahil hindi talaga ako pinayagan nila lolo at lola na lumipat sa Manila. Habang si Mace naman ay kumuha na pala ng own space niya malapit sa university na papasukan niya. Ang sabi niya ay uuwi na lang siya sa Laguna every weekends. That saddened me, but Iʼm sure we can still see each other often.

“This is so hassle, Kenzie. Two to three hours lagi ang byahe pa-Manila. Why donʼt you let me talk to Lola Kara and Lolo Vergilio? Sasabihin kong sa condo ko na lang kita patutuluyin,” sabi ni Mace pero inilingan ko lang siya.

“As if papayag sila. Youʼre still a man, Mace. Kahit na wala namang malisya sa pagitan natin, syempre iba pa rin ang mindset nila. Theyʼll just turn you down so donʼt bother.” unti-unti ko na lang tinanggap na hindi ko talaga mapipilit sila lola. Ako naman kasi ang nagpilit na lumayo pa para sa college, kailangan kong magtiis. Buti nga at pinagbigyan ako ni mama na mag-aral sa FU kahit sobrang mahal ng tuition fee.

My rich friends were disappointed. Nang malaman nilang halos hindi rin ako makakasama sa kanila ay unti-unti ko ring naramdaman ang pagiging malamig ng pakikitungo nila sa 'kin. I already expected it. Wala talaga akong lugar sa mga plano nila kung hindi ko kayang makipag-sabayan sa mga activities nila.

Iʼm trying to stop myself from spending too much. Sobrang hirap, pero tumagos talaga sa 'kin 'yung mga sinabi ni mama noon. Sobrang dami ko pa ring gustong bilhin, pero kapag masyadong mahal ay pinipigilan ko na ang sarili.

It pains me that Pressy, Nicole, and Gabbie are starting to neglect me, but I still have Mace with me.

“Then what? Youʼre going to drain yourself. Ang haba-haba ng byahe, paano ang mga night classes mo? Madaling araw ka na makaka-uwi tapos kinabukasan ay kailangan mo namang umalis nang maaga. Jusko, Kenzie, sa bagal mong mag-ayos ay ewan ko na lang,” aniya pero sininghalan ko lang siya.

“Kaya kong mag-adjust, Mace. Ang mahalaga makakapag-aral ako sa school na gusto ko.” at makikita ko lagi si Castriel dahil schoolmate na kami. The thought excites me. I canʼt wait to get close to him.

“Ewan ko sayo. Goodluck na lang.”

Isang oras pa ang lumipas at tuluyan na naming narating ang FU. I can feel my pulse pumping in excitement, this is it. Mabiling akong bumaba ng kotse at sumilip kay Mace.

“Thank you, Maxton Cecilio. See you later! Good luck to your first day, huwag ka agad maghahasik ng lagim,” sabi ko kaya akma niya akong babatuhin ng granola bar na nakapatong kanina sa dashboard. Tumawa ako at mabilis na isinarado ang pinto ng sasakyan. Kumaway pa ako bago 'yon tuluyang humarurot paalis.

Huminga ako nang malalim at malawak ang ngisi na tinitigan ang napakalaking gate ng FU.

Sobrang excited akong pumasok sa loob pero nalaglag ang panga ko nang makita kung gaanong sobrang ang lalayo ng pagitan ng mga building. This is my first time here because the office of admission isnʼt on this part of the university. I stood there with my flowy dress being blown by the wind. How will I go to my first class?! Kailangan ng sasakyan dito! Atsaka nakasuot ako ng heels, I canʼt just walk that far! Siguradong haggard na ako bago pa makarating sa classroom.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero halos naka de-kotse lahat ng pumapasok. Shit... I should just have brought my loloʼs old car. Naiinis kong tiningnan ang suot na relo, labinʼ limang minuto na lang ay magsisimula na ang una kong klase. Hindi ko alam ang kalakaran dito, kung nagkaklase ba agad sa unang araw o may traditional pa ring introduce yourself.

I stood there, trying to figure out how will I reach the college of nursing in just fifteen minutes. Should I run? No! Ayokong haggard sa unang araw ng pagpasok ko. If only I could fly! May iba pa kayang gate kung saan malapit lang ang building namin? I tried to search online and I found one. Ayun nga lang ay matatagalan pa rin ako dahil sa main entrance ako pumasok at ang gate na 'yon ay malayo rin dito sa kinaroroonan ko.

Ludic Selcouth #4: Panacea Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon