“Naku hija, iba na talaga ang mga kabataan ngayon. Iyong apo ko ay gustong laging sunod sa kung anong uso. Abaʼy gusto ng cellphone na tig singkwenta mil! Jusko, aanhin niya ang ganoong kamahal? Nagmamaktol kapag hindi nasusunod ang gusto. Hindi ko na alam ang gagawin sa batang 'yon.” bahagya akong napangiti sa pahayag ng matandang pasyente. I am checking her vitals while talking to her. This old woman still suffers from asthma despite of her age. Kagabi lang ay inatake siya kaya isinugod na ng pamilya rito sa hospital.
“Hayaan niyo po, nanay, dadating din po siya sa stage kung saan marerealize niya na hindi niya pa naman kailangan ang mga ganoong kamahal na materyal na bagay, lalo naʼt wala pa naman siyang sariling trabaho. Dumaan na rin po ako sa ganiyan, maluho rin talaga ako dati. Pero ngayon na hindi na ako teenager, mas naintindihan ko na ang mga bagay-bagay.” umayos ako ng tayo nang matapos na at ngumiti sa kaniya.
“Sana nga! Sumasakit ang ulo ko lagi sa apo kong 'yon. Hindi ko alam kung saan hahagilapin ang mga perang ipambibili sa gusto niya.” my smile fell. I suddenly remember how far can my lola go just to give what I wanted. Minsan ay naiisip ko pa rin kung anong posibleng nangyari kung hindi ko aksidenteng nakita ang kasulatan na 'yon.
Pagod akong lumabas mula sa ward nila. That was my last rounding. Out ko na dahil alas otso na ng umaga. Dapat ay kaninang 6 pa ako tapos kaso lang ay nagkaroon na naman ng emergency.
Inayos ko na ang mga dapat ayusin bago tuluyang lumabas ng hospital. I gently massaged my nape while walking towards the parking lot. Nang makarating sa harap ng sasakyan ay bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone na nasa loob lang ng bulsa ko. Inilagay ko muna ang bag sa passenger seat bago tiningnan kung sino ang nag message.
Lola Eleonora:
Good morning, Kenzie. Are you free for today? I just got back from US last night and Iʼm really looking forward to see you again. Text me back if youʼre not busy, hija.Ilang segundo akong napatitig roʼn habang iniisip kung anong gagawin na response. Ilang taon na rin kaming hindi nagkikita ni Lola Eleonora dahil nanatili sila sa US para sa pagpapagamot ni Lolo Francis. Na-stroke kasi ang matanda at sabi nilaʼy mas maaalagaan siya roʼn kaya doon na sila tumira habang nagpapagaling.
Parang ayoko na ngang magpakita sa pamilya nila pagkatapos ng mga nakakahiyang bagay na ginawa ko noon. Kaso lang ay ang bait-bait pa rin sa akin ni Lola Eleonora kaya hindi ko rin siya matiis. Sheʼs been messaging me occasionally for the past years. Hindi niya pa rin ako kinakalimutan...
Kenzie:
Welcome back, Lola. Iʼm free po until 12 pm. Where do we meet each other?I sighed heavily when I sent it. I can still sleep for atleast 4-5 hours later. Maglalaan lang muna ako ng oras para kay Lola Eleonora dahil kababalik niya lang dito sa Pilipinas. Ito na siguro 'yung binanggit ni Castriel last week.
Speaking of Castriel, I hope I wonʼt see him today. I donʼt want to see him again after what happened. Kung ano-anong pinaggagawa niya sa akin noong gabing 'yon. Naiinis ako sa kaniya. Idagdag pa iyong mga sinabi sa akin ni Georgia kinabukasan. I know myself well and I refuse to believe her.
Nakapasok na ako sa loob ng sasakyan nang biglang tumawag si Lola Eleonora. I immediately answered it.
“Kenzie! I thought you wouldnʼt answer that quickly. How are you? Sigurado ka bang hindi ka busy?” I smiled when I heard her voice.
“Iʼm fine po. Kakatapos lang ng duty ko sa hospital. How about you? You shouldʼve rest more, kakarating niyo lang po pala kagabi.”
“Oh... youʼre night shift? Wala ka pang tulog!”
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...