“Sad ka na naman, Ate Kenzie?” Zurich asked as he continued to dig in his ice-cream. Bumaling ako sa kaniya at tipid na ngumiti.“Can you please wipe his mouth? Ang dungis na eh,” baling ko sa yaya niya. Agad naman iyong tumalima at pinunasan ang bibig ng matakaw na bata. Pangatlong ice cream niya na ata 'to pero parang hindi pa siya kuntento.
“Youʼre always sad, may nang-away saʼyo? You always fight with someone else din kasi. Like what you do to me. But you donʼt feel sad at all when youʼre teasing me.” bahagya akong napatawa at hinawakan ang buhok niya. Habang hindi nakatingin ang yaya niya ay pasimple ko 'yong hinila kaya sumama ang tingin niya sa 'kin.
“Youʼre doing it again!” he hissed. Mas inilapit ko lang ang ice cream sa bibig niya para hindi siya mag-ingay. Ang dami niya laging nasasabi.
“Thatʼs your last ice cream, ha? Itʼs bad for your teeth and throat na. You should drink a lot of water after,” I said. Hindi siya kumibo at pailalim lang na tumingin sa 'kin. I chuckled and tapped his head. Hindi ko talaga akalain na magiging ganito kami kalapit ng batang 'to. May mga araw na bigla niya na lang akong kokontakin at uutusan na makipag-kita sa kaniya. Heʼs so demanding but heʼs adorable so I donʼt really mind.
I looked at his yaya who is in front of us. Sheʼs busy with her phone and she keeps on frowning. “Sheena,” I called. Mabilis naman siyang tumingin sa akin kaya bahagya muna akong sumulyap kay Zurich. I leaned on the table while looking at her seriously.
“Zurich cried before you two got here, right? What happened?” medyo mahina kong tanong. Kanina ay si Sheena talaga ang naki-usap sa akin na samahan muna si Zurich dahil kailangan daw ng distraction ng bata. Hindi niya lang sinasabi kung bakit. When I saw the two of them earlier, his eyes are swollen, probably because of crying.
Sheena blinked and pocketed her phone. “Napagalitan lang, Miss Kenzie...” mahina ring sagot niya at sumulyap sa alaga. Hindi ako nagsalita at patuloy pa rin siyang tinitigan. For more than a year of being friends with Zurich, I can finally say that he belongs to a messy family. Noong nasa hospital siya, wala man lang dumalaw na mommy o daddy sa kaniya. Palagi ring ang kaniyang yaya ang kasama niya.
She sighed and averted her gaze. “Pribado ang pamilya nila at hindi pwedeng magkuwento ako nang magkuwento pero...” she paused and stared at the table that is dividing us.
“Kanina kasi ay nasa bahay ang mommy niya, kausap ang ate niya sa cellphone. Hindi ata naging maayos ang pag-uusap at nasigawan din si Zurich. Ayon... umiyak.” umayos na ako ng upo at tumango. Thatʼs enough, I donʼt really want to completely invade someoneʼs privacy.
“Dapat kay Sir Darryl kami pupunta kaso hindi sinasagot ang mga tawag ko, siguro ay busy. Kaya ikaw na lang ang tinawagan ko...” dagdag niya pa at nahihiyang ngumiti sa 'kin. Kumunot ang noo ko dahil sa narinig na pangalan.
“Darryl?” ulit ko at tumango naman siya. Ilang Darryl ba ang mayroon sa Pilipinas?
“Darryl Angelito?” pagbabakasakali ko pa. Nanlaki ang mata niya at intriga na ring tumingin sa akin.
“Kilala mo si Sir Darryl?” I stared at her even more. What the hell. Zurich is connected to Angelito?
“Kaano-ano niyo si Angelito?” balik tanong ko rin. Napangiwi siya bigla.
“Angelito talaga? Pero mag-pinsan sila ni Zurich.” my lips parted. Mag-pinsan?! Kaya naman pala! May pinagmanahan ang batang 'to!
“Wait... I havenʼt contacted that bonker for months. Whatʼs with him? Kinasal na ba 'yon?” I lost my communication with Angelito. Nawalan talaga ako ng panahon sa ibang bagay dahil masyado akong nasasaktan sa pagkamatay ni Mace. I shut off everyone whom I can shut off. Kahit sa Ischyrion Phi ay naging multo ako.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...