Paikot-ikot ako sa city habang naghahanap ng bukas pa na shop na pwede kong pagbilhan ng regalo para kay Castriel. I am getting stressed out as the hour continued to pass by. Isang oras na akong naghahanap at alas onse na pero wala pa rin akong mahanap. Ni hindi ko nga alam kung anong sinusubukan kong hanapin!
Nag-park ako sa isang tabi at itinungo ang ulo sa steering wheel. What should I do? Pwede bang huwag na lang akong bumalik roʼn?
Nabulabog ang pag-iisip ko nang biglang mag-ingay ang cellphone ko. I bit my lip when I saw that Addison is already calling. I hesitated for a moment but I eventually decided to answer it. Kapag bigla na lang akong hindi nagparamdam ngayong gabi ay bibigyan na naman nila ng malisya ang mga akto ko.
“Kenzie! Where are you? One hour na lang 12 am na!” napahilot ako sa noo at problemadong tumingin sa kalsada.
“Iʼm trying to buy a gift, Addison... Nakakahiya na ako lang ang walang regalo riyan.” saglit siyang natahimik pero kalaunaʼy bigla na lang siyang tumawa. Umirap ako sa hangin. Ito na nga ba ang sinasabi ko, tutuksuhin na naman nila ako.
“Gosh, you know that it doesnʼt matter even if we have a gift for him or nothing, right?”
“I know... but still! Bakit niyo ba kasi ako in-invite?! Hindi ba dapat ay 'yung birthday celebrator ang naka-assign sa invitation?!” muli kong narinig ang pagtawa niya.
“Para namang hindi mo alam kung paano mag work ang party sa 'tin! We can drag whoever we want to drag and they wouldnʼt care about it! The more, the merrier,” aniya. Inis kong tinapik-tapik ang steering wheel gamit ang daliri. Why do I have to act like this?! I canʼt be that pathetic Mackenzie again!
“Get back your ass here, Kenzie. Heʼs nothing to you anymore, right? You were the one who said that. Hindi ka na dapat affected—”
“Hindi ako affected! Iʼm just trying to be considerate! Itʼs his birthday so I need to hand a gift!”
“Okay, chill! If you really want to give him a gift, then fine. Buy something, and then go back here. Youʼll miss the fun.”
“Fuck this.” she laughed evilly again.
“This is so entertaining. Balik ka ha? Hahagilapin ka namin kapag wala ka pa rito bago mag 12 am. You canʼt ditch us,” nang-aasar pa ang tono na aniya.
“Fine! Iʼm hanging up now.” hindi ko na siya hinintay at tuluyang pinatay ang tawag. Muli kong iginala ang paningin sa paligid hanggang sa makuha ang atensyon ko ng isang vintage store na mukhang... bukas pa! Mabilis akong bumaba ng sasakyan at tumawid sa kabilang kalsada. Agad na akong pumasok sa loob dahil nagmamadali na ako.
I stood in awe the moment I saw the interior of the shop. Thereʼs a lot of vintage stuffs... Ang ganda rito! I feel like I was taken back on the 80s because of the things that Iʼm seeing.
“Good evening, what can I do for you?” napatingin ako sa babaeng nasa counter at alanganing ngumiti. Sheʼs so... stoic. Ni walang emosyon 'yung pagbati niya pati na ang mukha niya. And putla niya rin!
“Iʼll just look around, thank you,” sagot ko na lang at nagsimulang maglibot sa loob. The shop isnʼt that big but the things that theyʼre selling are so interesting. Masasabi kong rare na talaga 'yung iba at hindi na ibinibenta ngayon dahil wala naman nang nag-poproduce. These are gems... I can see a few vintage vinyl records on the left part, old record players on different designs, vintage band shirts that probably costs a lot, music boxes, and thereʼs even an old kind of typewriter. May mga tables, chairs, vases, mirrors, jewelries, at kung ano-ano pa.
Hindi ko namalayang nagtagal na ako roʼn dahil namamangha ako sa mga nakikita ko. How come I just discovered this now?! Tumingin ako sa antique na orasan na naka hang sa dingding at nakitang 11:30 na. Iʼm running out of time.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomanceLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...