I was already on the road, heading home even if Iʼm deadass worried for Castriel. Alam ko namang hindi na bago sa kaniya ang mga ginagawa niya, pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. I know that I still donʼt have the rights to meddle with his life yet, but I couldnʼt stop myself. Pagdating sa kaniya, para akong nawawalan ng kontrol at parang automatic na mangingialam talaga ako sa buhay niya.Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng Manila pero nakalagpas na ako sa traffic. May mga kasabayan pa naman akong mga sasakyan pero hindi gaanong karami ang nandito sa parte ng kalsadang 'to. My lolo told me this shortcut so I can save some time when Iʼm the one driving.
Napahinga ako nang malalim at hinigpitan ang hawak sa manibela. Hindi talaga ako mapakali.
Iʼm itching to call him again, but I know that he wouldnʼt answer his phone anymore. Not when Iʼm the one calling. Paano kaya kung 'yung Lara ang tumatawag sa kaniya? Siguradong sasagutin niya agad 'yon. Napasinghal ako at umirap sa hangin. I so hate that girl now.
Unti-unting tumahimik ang paligid at kakaunti na lang ang mga bahay na nadaraanan ko. I swallowed and focused on the road. Kabado ako lagi kapag nagmamaneho na sa dilim. I always think that something will suddenly show up in front of me, that shit is so scary. Mas nilakasan ko ang lofi song na tumutugtog sa stereo para roon matuon ang isip ko.
Lumipas pa ang ilang minuto nang mapansin kong may madaraanan akong isang sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada. May mga lalaki roon at naka-upo sa bumper ng Jeep. I think theyʼre having fun, may nakikita akong beers at sigarilyo na nasa mga kamay nila. Good luck sa kanila, sana ay walang mapadaan na police patrol sa lugar na 'to. Siguradong sa kulungan ang diretso nila.
I was already near them when one man suddenly blocked my way. Agad akong napapreno at nanlalaki ang matang tumingin sa kaniya. May plano ba siyang magpakamatay? Agad na kumulo ang dugo at padarag na tinanggal ang seatbelt na suot. Paano kung nabangga ko siya?! Pipirwisyuhin niya pa ako!
Galit akong lumabas ng sasakyan at nilapitan ang lalaking 'yon. “Anong problema mo?! Gusto mo bang mamatay?!” agad na bungad ko at matalim siyang tiningnan. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko at sumipol. Saglit siyang lumingon sa mga kasama bago nakangiting tumingin sa mukha ko.
“Woah... chill. We just need a helping hand. Our tires are flat and our phones are all dead bat,” aniya. Inis kong sinulyapan ang sasakyan nila pero hindi ko maaninag nang maayos dahil hindi nakabukas ang ilaw sa harap. Ano namang helping hand ang ibibigay ko sa kanila? Hindi ako marunong mag-ayos ng sasakyan!
“Pwede namang kumaway ka na lang hindi 'yung haharang ka sa kalsada! Baka mamaya mabangga ka pa tapos syempre ang sisi sa driver. At wala akong alam sa pag-aayos ng sasakyan, lalo na ng Jeep. Ang laki-laki ng sasakyan na 'yan, sa iba na lang kayo humingi ng tulong,” sabi ko at tinalikuran na siya para bumalik sa kotse. Napatigil lang ako nang maramdamang hinawakan niya ang braso ko. Agad na nag-react ang katawan ko at pilit na lumayo sa kaniya.
“What a rude girl. Stay for a while. Kailangan naming ipa-tow 'tong sasakyan, canʼt you atleast call someone?” umatras ako nang magsimulang makaramdam ng kaba.
“Sira ba talaga 'yan? Mukhang prepared kayo at may dala pa kayong beer.” he clicked his tongue.
“At gusto niyo bang makasuhan? Bawal ang drunk driving—”
“Ang dami mong sinasabi. Come here, tutal ayaw mo naman kaming tulungan. Makipaglaro ka muna sa 'min—” bago niya pa matapos ang sasabihin ay mabilis kong hinubad ang suot na heels at ibinato ang isa sa mukha niya. Hindi na maganda ang nararamdaman ko rito. Agad akong tumakbo pabalik sa kotse ko nang sumigaw siya. I was already panicking when I hurriedly went inside my car. Nahawakan ng isa nilang kasama ang pinto ng kotse at akma akong hihilahin palabas pero agad kong pinukpok ang tyan niya gamit ang natitirang heels na hawak. He muttered a curse when I also bit his hand hard. Kita kong papalapit na ang iba pa nilang kasama kaya marahas ko siyang tinulak at binato rin ang heels sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Ludic Selcouth #4: Panacea
RomantikLudic Selcouthʼs lead guitarist, Castriel Sanz, is known for his calm and quiet demeanor. Everybody addresses him as the hardest to reach band member of Ludic Selcouth. He is the most intimidating and serious one among them. They say that mysterious...