"Where did my pen go?!" Kanina pa ako paikot-ikot pero hindi pa rin makita ang lintik na ballpen na 'yon.
"Where's the papers, Saturn?" Nagkunot-noo ako at humalukipkip.
"Kung tulungan mo ako sa paghahanap ng ballpen ko nang mapirmahan ko na 'yan!"
Tumingin s'ya sa tambak-tambak na papel sa harap ko at napabuntong-hininga.
"Just use my pen and sign this first."
"Ayoko ng ballpen mo, mas gusto ko 'yong akin. Maganda ang tinta!"
Napatigalgal s'yang tumingin sa akin."What?! Kailangan ko na 'to ngayon na!" Singhal n'ya at galit na tinuro ang sandamakmak na papel.
"Kaya nga nagpapatulong akong maghanap dahil nawawala 'di ba?" Patol ko.
Yumuko ako at nahagip ng paningin ko ang ballpen kong nasa sulok na sulok ng lamesa ko.
Pilit ko 'tong inaabot pero hindi ko kaya. Masyadong maliit ang kamay ko. Grabe ang hirap talaga 'pag hindi mahaba ang biyas mo! Mapapasana all ka na lang talaga sa mga matatangkad.
"Let me get it," aniya at walang kahirap-hirap na naabot ang ballpen ko.
"Thanks!" May bahid na pagtataray sa boses ko.
Umupo na ako at nagsimula nang pirmahan ang mga kontrata na binigay niya sa akin kanina. Wala pang sampung papel ay nasakit na agad ang kamay ko.
Siya naman ay kunot-noong nagtitipa sa laptop niya. We're on the same office, wala na kasing ibang building dito kun'di ito lang, saka malawak naman ang kwartong 'to kaya hindi na ito problema sa akin.
"Are you done?" Tanong n'ya na nakatingin pa rin sa laptop niya.
"Hindi pa, saka pwede bang maghintay ka? Ako naman ang lalapit sa'yo kapag tapos na ako!"
Sa t'wing kausap ko s'ya nag-iinit ang dugo ko. Urgh! Kung pwede lang hindi makita ang pagmumukha n'ya.
"Halikan kaya kita? Baka sakaling tumahimik ka." Nakanganga akong tumitig sa kan'ya.
Napakastraight-forward naman ng lalaking 'to.
"L-luh!" I stutter.
"See, wala pa akong ginagawa, nauutal kana. May tama ka pa rin ba sa akin, Ms. Vessaki?" He grinned and looked at me seriously.
"I'm here for business, Brennon, saka alam ko namang iba ang gusto mo at hindi ako."
Bakit ba namin pinag-usapan 'to?
"Yes, I like Fiona Lhorilee but now she's married."
Nanlaki ang mata ko at napahigpit ang hawak sa aking ballpen. Bakit kailangan n'ya pang isampal sa mukha ko na hindi na talaga ako?
Hindi naman sa nagseselos ako but respeto naman! Sasabihin mo 'yon sa harap ng ex mo na may gusto kang iba at parang proud na proud ka pa. That's being disrespectful!
"Keep that to yourself, Brennon. Hindi ako interesado." Ani ko at lumabas na ng office.
I need some fresh air. Kanina pa ako nakakulong sa malaimpyernong kwartong iyon.
"Anong ginagawa mo r'yan?" Tanong ni Jiji. My best friend since I was 6 years old.
"Nagpapalamig ng ulo."
Ngumiti naman siya ng nakakaasar at tumabi sa gilid ko.
"Kay Brennon na naman ba? Alam mo try n'yo rin kasing magmove-on, 'di ba?" Aniya.

BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...