"Good morning, baby." Pumungas-pungas ang aking mata nang makaramdam ako ng halik sa pisngi. Nakita ko si Brennon na nagbibihis ng pang-alis habang titig na titig sa akin.
"I'm still married, Brennon. Hintayin mo muna ang divorced paper bago ka umasta ng gan'yan." Humihikab kong sabi, tumawa naman ito.
"Inaasikaso n'ya na 'yon, Saturn, 'wag kang mag-alala." He winked.
I furrowed. "Wala pa akong sinasabi!"
"But I told him to arrange those papers.""Bakit ba excited ka?" Singhal ko.
"I'm not excited kasi tayo naman talaga ang dapat ikasal."
Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Hindi ko naman maiwasan mapangiti dahil sa kilig. Parang hindi kami napalayo sa isa't isa kung makipag-usap s'ya sa akin ng gan'yan.
"Hangga't walang divorced paper, walang hiwalayang magaganap." Pag-uulit ko.
"Bakit, nahulog na rin ang loob mo sa kan'ya kaya ayaw mong makipaghiwalay?" Nagtaas ito ng kilay.
"Hindi 'no, respeto lang. May gusto sa akin 'yong tao, anong gusto mong isipin no'n, kahit hindi pa kami hiwalay pinapamukha ko agad sa kan'ya na hindi talaga s'ya ang gusto kong pakasalan."
"Hindi naman talaga s'ya." Pagpipilit n'ya.
"Tch. Saan ka nga pala pupunta?"
Saglit muna s'yang tumitig sa akin bago nagsalita."Pupuntahan si Papa. Kukumbinsihin ko s'yang umamin sa ginawa n'ya." Umupo s'ya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay.
"At sa tingin mo mapapaamin mo s'ya ng gano'n gano'n lang?" I sighed.
"I'll try my best, Saturn. Hindi ako susuko, noon ko pa gustong ipakulong si Papa para matigil na 'to kaso nangyari naman 'yung sa Tita mo kaya hindi natuloy." Ngumiti s'ya na siguradong magagawa n'ya ito.
"Paano naman kung hindi mo nakumbinsi, paano 'pag hindi mo nagawa?" I looked at him.
"Edi babalik ulit ako sa kulungan. Ako ang papalit kay Papa."
"Pero hindi naman ikaw-"
"If your Mom wants it, then I will. Mama mo ang nahirapan at ayoko s'yang tumanda nang walang hustisyang nakukuha. Malaki ang respeto ko sa babae kahit lumaki ako ng walang ina sa tabi ko."
I'm so grateful to have a man like him. 'Di bali na s'ya ang masaktan kaysa ang iba. Kahit may iba nang pamilya ang nanay n'ya, nagagawa n'ya pa ring rumespeto. Kahit nakagawa ng mali ang tatay n'ya, hindi n'ya ipinagtatanggol dahil mas pinili n'ya ang tama. Handa s'yang lumaban mag-isa, lumaban ng patas.
The right one will always be the right and the wrong will always be the wrong. Regretting is normal, unless you regret it but you keep fighting for the wrong way.
"Trust me, Saturn. I can do this. We will end this." Binitawan n'ya ang kamay ko at hinalikan ang aking noo.
Wala akong magawa kun'di ang pagkatiwalaan s'ya. Matatapos din ito, magiging tahimik at payapa na rin ang buhay ko. Walang sagabal, wala nang masasaktan, wala nang tatakbo para takasan ang problema. Dahil sa taong ito, matatapos ang lahat.
"Let's eat breakfast, naghihintay ang nanay mo sa baba."
"Si Papa?" Nilingon n'ya ako nang inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak n'ya.
"Ando'n ang pamilya mo sa baba, Saturn. This time, malalaman mo na ang lahat." Yumuko s'ya at hinawakan ang aking pisngi.
"May nalalaman ka ba?"
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...