Chapter 12

338 14 193
                                        

Kinabukasan, maaga akong nagising hindi dahil sa ingay na naririnig ko galing sa labas, kun'di hindi rin ako makatulog.

Bumaba ako saglit para pumunta sa ingay na kanina ko pa naririnig. Patay ang ilaw at halos lahat ay tulog na tulog pa, tanging ako lang ang gising.

Dinala ako ng aking paa sa aming kusina pero wala namang katao-tao rito. Ang lahat ng gamit ay maayos ngunit isang bagay lang ang pumukaw ng atensiyon ko. Ang mga kutsilyo namin ay nakakalat.

Shit.

Tatakbo na sana ako pero isang matulis na bagay ang naka-abang sa aking leeg kaya hindi ako nakagalaw pwesto ko.

Ramdam ko ang diin ng kutsilyo sa leeg ko kaya napapikit ako at napalunok.

Sino ba 'tong lalaking 'to? At bakit s'ya nakapasok sa loob ng mansyon namin!?

"Sumigaw ka at hindi ako magdadalawang isip na itarak 'to sa leeg mo."

Pamilyar ang boses n'ya pero hindi ko matandaan ang pangalan nito. Ang matulis na kutsilyo lang ang tanging naiisip ko. Paniguradong isang maling galaw ko lang ay tutusok ito sa akin ng kusa.

"Ano bang kailangan mong tangina ka!?" Ramdam kong natigilan s'ya sa sinabi ko.

"So you're being like this again, Ms. Vessaki?" He said insulting me.

"Luh, kilala ba kita? Uso ang introduce yourself, tanga!"

Bahagya itong natawa at mas lalo pang diniin ang bagay na 'yon sa leeg ko.

"Sibalse Damien, Ms. Vessaki. You almost forgotten me."

Nanlaki ang mata ko, s'ya ang lalaking tumangay ng pera namin. Ang lalaking pinagkakatiwalaan ng Papa ko.

"Hinding-hindi kita makakalimutan Balse, anong pinunta mo rito?"

"Si Maris, ngayon ang araw para singilin s'ya sa mga utang n'ya."
Nagkunot-noo ako.

"Anong utang?" I asked out of curiosity.

"I see, wala s'yang binabanggit sa'yo?"

"Am I going to ask you kung mayro'n?" Pagtataray ko.

"Nananarbaho ako sa kamay ng Tita mo, Saturn. At lahat ng utos n'ya ay sinusunod ko. S'ya ang dahilan kung bakit bumagsak ang Elvañia, kung bakit nawalan ng milyon-milyon pera ang Resort n'yo. Si Gace naman ang nanarbaho sa akin and also he's my son."

Napatigalgal ako sa nalaman. Ibig-sabihin, ang lalaking papakasalan ko ay anak ng lalaking 'to?

"Nope, I'm wrong. Anak namin ni Maris."

"That's shit, Balse! Imposibleng anak n'yo si Gace! Tangina, hindi ako magpapakasal sa kamag-anak ko! If that's real, then Gace is my cousin for god sake!"

"Gace is not your cousin, Ms. Vessaki."

"Paanong hindi!?" Iritado kong sabi.

"Gace is an orphan child."

Gulong-gulo na ang utak ko. Gano'n ba talaga karami ang hindi ko nalalaman sa buhay ng Tita ko?

"Anong relasyon n'yong dalawa?"

"Nothing."

"What!? Tangina diretsuhin mo ako!"

"It's a deal, Saturn. This is all a game! Wake up!"

Napapabuntong-hininga na lang ako dahil sa sobrang gulo. Hindi ko maintindihan ang pinapahiwatig n'ya, masyado 'tong malalim at kailangan talaga ipaliwanag para makuha ang mga kasagutan.

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon