"Kapag hindi 'to tinanggap ni Mama, ipapalaglag ko ang bata." Naluluha kong sabi.
"What!? Are you out of your mind, Saturn?" Singhal n'ya. "Kung hindi n'ya man tanggapin ang batang nasa t'yan mo, sa akin ka pumunta at sabay nating papalakihin 'yan!"
Paikot-ikot ako. Hindi ako mapakali, isip nang isip kung anong sasabihin ni Mama kapag nalaman n'yang magkaka-apo na s'ya.
"Wag mo munang pangunahan ang magiging desisyon ng nanay mo-"
"Your father is a rapist, at anong ineexpect mong sasabihin ng nanay ko sa'yo, na may nangyari lang sa ating dalawa, without harassing me!? Gano'n ba?"
Hindi pa rin maaalis sa paniniwala ng pamilya ko ang tatay n'yang ginahasa ang nanay ko. Brennon is a part of their family, kaya posibleng mapagbintangan siyang ginahasa rin ako.
"Ilang beses ko bang sasabihin na ibahin mo ako sa kanila!? Wala ka pa rin bang tiwala sa akin!? Papatunayan kong hindi ako kagaya ni Papa, tiwala lang Saturn, tiwala lang, makakaya natin 'to!"
Niyakap n'ya ako nang mahigpit. Hindi ko mapigilang manghina sa pagod at nerbyos. Sana nga maging maayos ang lahat. Sana nga hindi na muli maulit ang nakaraan ko.
I wish that my past stop chasing me. Ayokong mahuli dahil mahirap makawala.
"Natatandaan mo pa rin ba 'yung mga sinabi ko sa'yo bago ako makulong. I'll take risk to save you. I'll sacrifice for you, Saturn. Iyon lang ang panghahawakan ko at ang suporta mo. "
"Wag na nating pag-usapan ang natapos na, Brennon. Parehas tayong haharap kina Mama at Papa." I wiped my tears.
Wala na dapat akong ikatakot, ayoko nang maging kagaya dati na lagi na lang umiiyak. Ngayon, gusto kong maging malakas dahil magkaka-anak na ako. I need to fix this.
Inayos ko ang aking sarili at sabay kaming naglakad papasok ng bahay. Mukhang naagaw namin ang atensyon ng lahat dahil nakatingin sila sa amin.
"Kanina pa namin kayo hinahanap, saan ba kayo nanggaling?" Saad ni Mama.
Hindi ko mapigilang maluha sa harapan nila kaya kung bakit mas lalo silang nagulat.
"Saturn, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Papa.
Nasa likod ang aking kamay, hawak-hawak ang pregnancy test na ginamit ko kanina.
Mukhang napansin ni Mama na may tinatago ako kaya tumayo s'ya at hinablot ang mga hawak kong pregnancy test.
Sabay-sabay silang natulala sa nakita. Napatakip ng bibig ang iba at napapangiti.
"Oh my gosh!! Sinasabi ko na nga ba't buntis ka kaya ang moody mo kanina e, magkakapamangkin na ako!! Wooh!"
Nagtawanan ang lahat habang si Mama at titig na titig pa rin sa pregnancy test na hawak.
"Is this real? Am I having a grandchild?" Kumikislap ang mga mata ni Mamang tumingin sa akin.
"Ma, hindi po ako nagloloko, buntis po ako."
Hindi ako makapaniwala sa naging reaksyon nila. Masaya silang lahat at hindi man lang nagpakita ng kahit anong galit at pangdidiri sa akin.
"Why are you crying, baby? You should be happy 'cause you're now a mommy of this child."
Nakita ko ang butil ng luha na pumatak galing sa mata ni Mama. Hinagkan n'ya ako habang marahang hinihimas ang likod ko.
I shifted my gaze way to Brennon. I saw his playful smile on his lips. He walked towards me and kissed my forehead.
"Like what I told you, 'wag mong pangungunahan ang desisyon ng Mama mo. Look how happy she is."

BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomansaCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...