Chapter 23

197 6 0
                                    

"Good morning, Saturn!!" Masayang bati sa akin ni Cendal habang nag-uunat.

Tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa.  "Saan ka nanggaling?" Tanong ko habang pinupuyod ang buhok ko sa harap ng salamin.

"Nagbar kaming apat nina Ares at Clemson."

Napangiwi ako. "Umagang-umaga sa bar kayo nagpunta?"

"Hindi kami uminom, nagswimming lang." Tumawa s'ya.

"Bakit hindi kayo sa dagat lumangoy?"

"I'm afraid of sharks, baka kainin ako-"

Binatukan ko s'ya. "Are you stupid? May pating bang nabubuhay sa gano'ng kababaw na tubig. Hindi ka naman siguro tanga para pumunta sa malalim kung takot ka sa pating."
Sumimangot ito at tinalikuran ako.

"Pating? Ang babaw babaw ng tubing na 'yon!" Dismayado kong bulong sa sarili.

"Good morning, baby."

I smiled, ang gwapo n'ya ngayon ah. He's wearing a white sando and mangong pants, nakashades din s'ya at ang buhok n'ya ay nakaayos din.

"Anong meron, bakit gan'yan porma mo?"

"Nasa tabing dagat kaming lahat. Nagluluto si Tito ng sugpo at barbeque."

Tamo, pupunta rin pala ng dagat ang mokong na Cendal na 'yon.

"Where's Gace?"

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon n'ya. Ang kaninang nakangiti ay ngayong blanko at hindi maipinta kung galit ba s'ya o hindi.

"Tinapon ko na sa dagat." Mapait nitong sabi.

"As if naman magagawa mo." I smirk.

"Bakit mo hinahanap 'yon?" Inis nitong tanong.

"Just asking, baka kasi hindi pa 'yon kumakain."

Pagtapos kong magpuyod ay sunod ko namang inayos ang aking mukha. Naglagay ako ng kauting sunscreen para hindi agad umitim ang balat ko kung sakaling tirik ang araw sa labas.

"Hayaan mo, kakain 'yon kapag nakaramdam ng gutom. Don't mind him!"

Tinigil ko ang ginagawa ko at humarap sa kan'ya.

"What's the big deal, Brennon!? Napakaseloso mo naman, 'yon lang ang sinabi ko?"

Natahimik s'ya sa bahagyang pagtaas ng boses ko. I just can't help it. Hindi ko maintindihan kung bakit laging mainit ang ulo n'ya sa lalaking 'yon.
"Natural lang na magselos ako dahil may karapatan naman ako!"

"May karapatan ka pero limitahan mo naman, napakaliit na bagay ang tinanong ko sa'yo, parang puputok na naman ang ulo mo sa galit!"

Saglit kaming natahimik. Tumalikod ako sa kan'ya at tinuloy ang kaninang ginagawa. Hindi na tuloy magpapantay itong sunscreen sa balat ko dahil natuyo na.

"Lumabas kana, susunod ako." I looked at his reflection in the mirror. Nakita ko ang pagkuyom ng kamay n'ya pero binaliwala ko lang 'yon.

"I'll wait you."

"Then wait outside." Sabi ko habang nagpapahid ng lipgloss sa aking labi. It looks pale kaya brown ang nilagay ko.

"Bakit ayaw mo pa akong maghintay rito?" Giit n'ya.

"I can't concentrate, Brennon. Sa t'wing nakikita kong nakabusangot 'yang mukha mo, nadidismaya ako lalo na't napakasimpleng bagay ang pinagmamaktulan mo!"

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon