"Goodmoring, Madam Saturn."
Ramdam ko ang panlulumo sa boses ng mga trabahador dito.
Ang lulungkot ng mata nila at parang namatayan silang lahat. Grabe! Lumumang tignan ang Elvañia. Ang mga puno na sobra-sobrang sagana sa pagbubunga ng mga prutas ay ngayong tuyot at kakaunti na lang ang mga dahon.
Ang mga restaurant na dinadayo ng mga turista ay ngayong wala nang kalaman-laman. It looks so hopeless. Parang wala nang pag-asa ang resort namin kung tititigan.
"Unti-unti nang bumabagsak ang resort, Madam. Si Sir Balse po ay nagresign na. Halos kulang-kulang bente na po ang nawala rito, ang iba nga po ay gusto na ring umalis kaso inaalala nila na wala silang sasahurin at ipapakain sa kanilang pamilya, kaya nanatili muna sila't nagtiis na lang kahit maliit ang sasahurin."
Nakakalungkot silang tignan. Isang buwan lang akong nawala rito at ganito na ang nangyari. Ibinilin ko ang lahat ng gastusin at pera kay Balse.
Shit!
Nakay Balse lahat ng pera!
"Pinaalis n'yo si Balse?!" Inis kong sigaw.
"M-madam, dalawang linggo na po simula no'ng umalis kayo, hindi na po namin s'ya nakita."
Napasapo ako sa noo. Bwiset na 'yan. Sinasabi ko na nga ba't hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking 'yon.
Si Papa kasi basta na lang kung magtiwala, kapag nakausap n'ya lang kahit isang beses, makukuha na agad ang loob n'ya. Ngayon, naggagahol kami sa supply dahil wala ngang pera pangdeliver.
"Magkano ang natira sa inyo?" Nakakunot-noo kong tanong.
"Madam, wala pong natira-"
"What!? Sa Fifty million walang naiwan!? Anak ng!"
Parang nagsisiputukan ang ugat sa ulo ko. Alam na kaya 'to ni Papa? Kung oo, bakit parang kalmado pa s'ya. Kung hindi naman, baka isugod ulit si Papa sa hospital nang wala sa oras.
Singkwenta milyon ang nawala sa amin at imbis na ipang-ayos na lang dito ay mapunta pa sa gamot ni Papa.
"I guess I have no choice. Babawiin ko ang pera, Brennon. Kailangan mapalitan ang lahat ng nawala sa madaling panahon."
Nagkunot-noo s'ya."Don't be impulsive, Saturn. Naiisip mo ba ang sinasabi mo? Kung babawiin mo ang pera, mas lalong sasama ang kalagayan ng Papa mo. That's what he want, gusto n'ya ng lupa namin. Paano kung nalaman n'yang lahat ng pinanggastos mo rito ay gamit sa lupang binili n'yo? Malalaman n'yang nanakaw ang higit milyon-milyong pera. Ganoon din, maghahanap ka rin ng perang panggastos ng gamot ng Papa mo at mas lalo kayong malulugi."
Hindi ko 'yon naisip. Saan naman ako kukuha ng perang maggagawa namin dito? Mang-uutang? God! Hindi ko inaasahang mangyayari 'to sa 'min.
That slut Balse. Oras na makita ko 'yon. Aabot kami sa korte."Wala na akong pera, Brennon. Siguro sasabihin ko na lang ang totoo-"
"Ako ang gagastos sa kailangan n'yo, Saturn. Hindi mo naiisip ang takbo ng utak ng Papa mo. 'Pag nalaman n'ya ang nangyari, ipapatapon ka na naman sa Tita mo sa Singapore, do'n ka mamumuhunan hanggang sa maging maayos muli ang Elvañia. Ayoko na muling maiwan, Saturn. So let me...and please just stay."
Parang may kung anong hayop sa t'yan ko at hindi sila mapakali. Ang puso ko ay napakabilis ng pagtibok.
Hindi ko masyadong maipasok ang lahat ng sinabi n'ya sa utak ko. Ang tanging naalala ko lang ay, ayoko na muling maiwan so please just stay.Natagpuan ko nalang ang sarili kong nakaupo sa bench, malapit sa dagat. Nagpapahangin at nag-iisip-isip ng pwedeng maitulong para mas mapabilis ang lahat.
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...