Chapter 9

467 14 211
                                        

Hindi maalis sa utak ko ang sinabi ni Gace. Is that a confession? Kung oo, bakit ang bilis naman 'ata?

"All guards are gone! Anong nangyayari?" Wala sa sariling tanong ni Gace.

"Huh?"

"Wala ng guards sa baba at pinapayagan ka na ring lumabas ng Tita mo. Ang bilis naman magbago ng isip n'ya."

Napaawang ang labi ko sa nalaman. Possible kayang may matinik na namang pinaplano ang Tita ko.

"Pero isa lang ang alam kong dahilan..." Tumingin s'ya sa akin. "Hawak n'ya si Brennon."

Napatigalgal akong bumaling sa kan'ya. Biglang may kung ano-anong pumasok sa utak ko na maaaring mangyari sa kan'ya.

Nangangatal akong lumabas ng kwarto ko. Rinig ko ang boses n'yang tumatawag sa akin kaso hindi ko ito binibigyan ng atensiyon. Parang namanhid ang buong katawan ko habang ang mga kasambahay ay pinipilit akong hindi makalabas ng mansyon.

Namuo ang mga luha sa aking mata habang tinatanggal ang mga kamay na pumipigil sa akin. Nag-aalala ako sa mangyayari. Delikado si Tita!!!

"Madam, 'wag po kayong magpumilit. Malalagot po kami kay Senyora!" Ani no'ng kasambahay namin.

"Saturn, calm-"

"Tangina, hindi ako kakalma hangga't hindi ko s'ya nakikita!!" Umalingaw-ngaw ang boses ko sa loob at gulat na gulat naman silang tumingin sa akin.

"Ikaw, Gace! Kung may mahal ka at gan'yon ang malalaman mo, kakalma ka ba!!?"

Bakas ang awa sa mga mata nila habang ako ay hindi mapigilan ang mg luhang kanina pa tumutulo.

"Saturn-"

"Sige, Gace!! Ano pang nalalaman mo na hindi ko alam!? Sabihin mo sa akin! Tangina, kung hindi ka pa madudulas sa sarili mong salita, hindi ko pa malalaman!!"

Hindi ito mapakali at halatang hindi n'ya alam kung paano dadahandahanin ang sasabihin. Ang kamay n'yang nakahawak sa akin ay ramdam ko ang panglalamig.

"He raped someone on this mansion-"

"Kasinungalingan!!! Tangina n'yong lahat!! Sinungaling kayo!! Paano n'ya 'yon magagawa!? Gace, narinig mo lahat ng pinag-usapan namin no'ng nakaraan, bakit nagsisinungaling ka pa!?"

"I'm not lying, ask Cindy-"

"Where is she!?"

Mabilis akong tumulak papunta sa kwarto ng mga kasambahay namin at padabog itong binuksan.

Nakita ko si Cindy na iyak nang iyak habang yakap ang kan'yang tuhod. Tumayo ako sa harap n'ya at mahigpit na hinawakan ang balikat n'ya.

"Tell me the truth!! Cindy, you're lying!"

"Madam, tama po ang nalaman n'yo!" Humagulgol ito.

"Sabihin mong nagsisinungaling ka kun'di sisiguraduhin kong hindi ka makakahanap pa ng trabaho!"

Nag-iinit ang ulo ko. Parang gustong-gusto ko nang sumabog sa galit. Bakit ang sinungaling nila!? Bakit hindi na lang sila magsabi ng totoo!?

"Madam, kahit ano pong gawin n'yo, hinding-hindi magbabago ang tama-"

"Magkano ang binayad n'ya sa'yo, dodoblehin ko. Cindy!!! Imposible ang sinasabi mo! Hindi n'ya 'yon magagawa!"

"Madam—pasensya na po." Binitawan ko s'ya at tinignan silang lahat.

Umiling-iling ako at tila hindi naniniwala sa sinasabi nila. Nangangatal ako sa galit, sa inis, bakit pati kasambahay namin ay dinadamay ni Tita sa mga niloloko n'ya!? Bakit hindi na lang s'ya manahimik!?

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon