"Teka, bakit ba galit na galit ka?" Tanong habang nagpapatianod sa paghigit n'ya sa akin.
"Parte pa rin ng Cacienda 'yon, Saturn." Mahinahon ngunit bakas ang diin sa boses n'ya.
"Oh, bakit nga galit na galit ka. Hindi ko naman tinatanong kung Cacienda pa rin ang lugar na 'yon." Iritado kong sabi.
"Cacienda pa rin ang Aldona kaso hindi namin masyadong napapasok ang lugar na 'yon, Saturn. Masyadong delikado."
"Alam ko, kaya nga ihahatid ako ni Gace pabalik e."
Huminto s'ya sa paglalakad at hinarap ako. "Bakit ando'n ang mokong na 'yon?" He furrowed his eyebrows.
"Nakakaawa nga s'ya e, doon din pala nakatira magulang n'ya noon, kaso iniwan na s'ya parehas ng tatay at nanay n'ya."
"Wait, you mentioned that he's living there, tama ba?"
Tumango ako, "Oo, anong meron?" Nagtataka kong tanong.
"Sinasabi ko nga ba, kaya hindi kampante ang loob ko sa lalaking 'yon. Don't come near him, Saturn. Baka may kung anong binabalak ang lalaking 'yon sa'yo." Wika n'ya at kinaladkad muli ko hanggang sa makalabas kami sa Aldona.
"Napaparanoid ka na naman, Brennon. Hindi s'ya kagaya ng taong iniisip mo."
"We already closed that place! Hindi normal na tao ang nakatira sa Aldona, hindi ito kagaya ng iniisip mo na pwede kang magpalamig at magpahinga na kahit anong oras! If you want to rest, doon ka sa cottage!" Sigaw n'ya.
"Hindi normal? Ano sila, Alien?" I laughed. Huminto rin naman agad ako nang seryoso lang s'yang nakatingin sa akin, pinapanood akong tumawa.
"Ang mga tao ro'n ay miyembro ng Fraternity, Saturn. Huwag kang tumawa dahil kapag nakita ka nila, hindi mo alam ang maaaring mangyari sa'yo."
Napakagat ako sa aking labi, pinipigilang matawa. Naniniwala naman ako sa kan'ya kaso 'yung itsura n'ya ay parang hindi na makapagtimpi sa galit.
"I'm sorry, sa mauulit." Tumawa muli ako.
"Try me, sisiguraduhin kong hindi kana makakalakad papunta rito." He smirks as he bite his lower lip. Napatitig naman ako rito.
"Ang pangit mo," ani ko sabay talikod sa kan'ya.
"Really, many girls fall for me tapos sasabihan mo ako ng pangit. Come on, hindi mo lang talaga matanggap sa sarili mo na gwapo ang mapapangasawa mo." Pinadausdos n'ya ang kan'yang kamay sa bewang ko kaya napahinga ako nang malalim.
"Paano mo naman nasabing ikaw ang mapapangasawa ko?" Inalis ko ang kamay n'ya sa bewang ko ngunit hinila n'ya lang ako palapit sa kan'ya.
"Wala ka naman ibang pwedeng magustuhan dahil nakareserve na ang apilyedo ko sa'yo."
Sumimangot ako."Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung papakasalan kita?"
"Hindi na dahil sa huli, sa akin din ang bagsak mo." Tumikhim ako. "I want ten sons from you, Saturn."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya. Gano'n ba talaga kadami ang anak na gusto n'ya? Baka kapag tinupad ako ang hiling n'ya, magsisi s'ya dahil hindi n'ya kayang pagsabay-sabayin ang pag-aalaga.
"Puro salita ka lang naman, hindi mo kayang alagaan ang gano'ng karaming bata, Brennon. 'Wag kang mayabang."
"Hindi ko naman lahat aalagaan 'yon, ibebenta natin 'yong iba."
Laglag panga akong tumingin sa kan'ya. Hindi ko inaasahang sasabihin n'ya 'yon.
"Tangina mo, hindi ako manok na kapag naglabas ng itlog ay pwedeng ibenta. Wala kang awa!" Galit kong sigaw sa kan'ya.
Naisip ko agad ang sinabi n'ya. Gago talaga ang lalaking 'to.
"Ayaw mo 'yon, magkakalat ang lahi natin sa iba't ibang parte ng mundo. 'Wag kang mag-alala, gagalingan natin sa paggawa para lahat sila kamukha ko." Kumindat ito at tumawa nang malakas.
Tuwang-tuwa s'yang panoorin ang itsura kong nanggigigil na sa galit. At pinagmamalaki n'ya pa na anak n'ya ang ipagbibili n'ya. Napakawalang-kwenta.
"Naku! naku! 'Wag ka talagang aasa na papakasalan kitang gunggong ka. Gan'yan din naman pala ang balak mo, buti't sinabi mo sa akin ng maaga."
"I'm just kidding you, baby. Aalagaan at papalakihin natin sila ng maayos. Papahalagahan ko sila kagaya ng pagpapahalaga ko sa'yo."
Lumipas ang walang katapusang pagpapakilig ni Brennon ay nakarating naman kami ng maayos sa Cacienda.
Kanina pa pala ako hinahanap nila Mama, mabuti't naisipan akong hanapin ng isang 'to. Kung hindi man n'ya ako mahanap, ayos lang dahil ihahatid naman ako ni Gaca pabalik dito.
Kumain kami at nagkwentuhan ng kung ano-ano. Wala naman kami magawa dahil tapos na kaming maglinis ng bahay. Binibisita rin namin paminsan-minsan ang Elvañia at Vaercesa kapag may oras kami.
Dito na kasi bumili ng bahay si Papa para daw malapit sa sakahan. Sina Tita at Jules naman ang umaasikaso sa Elvañia at Vaercesa.Kapag hapon naman, nagpapasya kaming mag-ihaw sa tabing dagat habang naliligo sa maligamgam na tubig ng Cacienda. Malinaw ang tubig dito at halos makikita mo na kung gaano karaming isda ang lumalangoy dito.
Kapag lumalangoy ako, hindi ako nagsusuot ng two piece dahil ayokong madikitan ng buhangin sa katawan. Ang lagkit kasi sa pakiramdam.
Mayroon ding swimming pool dito kung ayaw mong maligo sa dagat. Minsan ay tumatakas ako kapag hindi sila nakatingin sa akin, lumilipat ako sa pool kung saan pwede akong magsuot ng two piece, ngunit wala pa ako sa kalingkingan ng tubig sa pool ay nahuhuli agad ako.Hindi nila ako pinapayagan dahil malayo raw ako sa kanila at hindi ako matignan ng ayos. Nasa may tabing dagat kasi sila kaya talagang malayo dahil sa club house pa ako dumadayo.
"Nag-enjoy ka ba?" Nakangiting tanong ni Mama sa akin.
Ngumiti ako pabalik. "Medyo, gusto ko kasi sa pool maligo."
"Papayagan kita, magpasama kana lang muna kay Gace para s'ya ang magbabantay sa'yo, ayos ba?"
Lumapad ang ngiti ko. May bar at tugtugan kasi sa club house, e dito? Napakatahimik, tanging hampas lang ng alon ang maririnig mo at mga batang naglalaro sa tubig.
"Oh Brennon, nakita mo ba si Gace, papasamahan ko lang sana si Saturn sa pool."
Nagkatitigan kaming dalawa. Ngumisi naman ito na mukhang may binabalak na naman.
"Kanina ko pa hindi nakikita 'yon, Tita. Ako na lang ang sasama kay Saturn." Ngumiti ito bago ako binalingan.
"Akala mo makakalusot ka sa akin, huh? Never, Saturn. Never." Aniya bago pinadausdos ang kamay n'ya sa bewang ko.
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...