"Goodmoring, Madam!" Masayang bati ni Eya.
"Morning, kamusta naman sa labas, nagsisimula na sila?" I asked her while wearing my White Blazer.
"Yes po, Madam. Sir Brennon is calling you for breakfast. Nagluluto po s'ya sa baba, sabi n'ya po kasi s'ya na lang ang gagawa sa kusina para sa umagahan n'yo."
Tumango ako at umalis naman s'ya. I prepared myself, hindi ko na masyadong ginandahan ang pagma-make-up ko dahil masisira rin naman 'to mamaya. I just wear a simple foundation and brown lipstick. Mas prefer ko s'yang gamitin kaysa sa red.
Bumaba na ako at sumilip sa pintuan ng kusina, mayro'n kasing salamin do'n na pwede mong pagsilipan.
Kumatok muna ako bago pumasok para hindi naman siya mabigla sa presensya ko, baka sa akin n'ya pa maitapon 'yong bitbit n'yang ulam.
"Goodmoring, nagluto ako ng adobo."
A memory flashed on my mind. That was his first dish on our second date. Hindi kami nagcelebrate ng anniversary namin sa mall, park o saan mang pasyalan. We want a simple celebration, ayaw namin ng mapapagastos pa kami ng mahal.
"Why did you cook that?" I asked, my eyes tarted at him as he looked at me with a smile on his lips.
"I know you remember it, ito ang niluto ko no'ng pangalawang date natin." He utterly said.
"Pero wala na tayo," pagtatama ko. "Don't be so kind to me, Brennon, baka mahulog ulit ako sa'yo."
Nanunuyo ang lalamunan ko habang binibitawan ang salitang iyon. Gan'yan s'ya sa akin noon, nahulog ang loob ko sa kan'ya dahil sa pagiging mabait, maalalahanin at marespeto.
Mahal ko pa rin ang lalaking 'to.
Pero ayoko na ulit mahulog sa sarili kong patibong. Ayoko na maging kami ulit dahil hindi ko masasabi kung kailan ulit s'ya maiiwan. Ayoko na s'yang saktan."The fall for me...sasaluhin kita."
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya."Let's end everything between us, Brennon. Tama na, ayoko na. Please!" My eyes became teary.
Hinawakan n'ya ang pisngi ko at pinunasan ang aking luha gamit ang hinlalaki n'ya.
"Madali lang sabihin na kakalimutan na kita pero 'yong puso at isip ko ayaw pa."
Pinaglapat n'ya ang noo naming dalawa.
"If forgetting you can make me free, then I'll forget you."
His lips touches mine. Napapikit agad ako sa marahan niyang paghalik sa labi ko.
"Just say I love you and you'll be mine again."
Sumapit na ang tanghali at tinatawag na kami para sa tanghalian.
Naglalakad na ako papuntang kitchen namin nang makita ko si Tita Maris na nakahalukipkip at mukhang naiinip na sa kakahintay sa akin.
She's wearing a Long Black Plain dress with her cat shade and summer hat, nakalugay ang buhok nito na umabot hanggang baywang n'ya.
I stopped walking as I stand in front if her.
"Oh God, Saturn!! Ano bang ginawa mo't naging ganito ay lupa ng Papa mo?" Iritadong sabi ni Tita.
"Bumili ng bagong lupa si Papa, Tita Maris, kaya mas napagtuunan ko ng pansin 'yon kaysa sa Elvañia. Don't worry, Brennon is here to help us."
Nanliit ang mata n'yang bumaling sa akin."Brennon? Your ex?! So nagkikita pa rin pala kayo, huh?"
There she is.
"Tita, can you please stop?! Ano bang problema n'yo sa aming dalawa?! You already won! Napaghiwalay mo na kami! We're not on relationship, kaya ano bang ikinagagalit mo-"
Malakas na sampal ang nakuha ko kay Tita. Parang namanhid ito at kumikirot dahil sa sakit.
"Huwag kang tanga, Saturn!! Ilang beses nang pinahamak ng pamilya nila ang nanay mo, hindi ka pa rin nadadala at lumalandi ka pa rin pala!"
"Tita, iba s'ya sa kanila, 'wag mong igaya si Brennon sa tatay n'yang pinagsamantalahan ang nanay ko!!"
My mom was raped by his Dad kaya nawalan na ng tiwala si Tita sa pamilya nila. Ayaw n'yang magaya ako kay Mama. Nagbunga ang panggagahasa ng tatay n'ya sa nanay ko pero hindi nabuhay ang bata dahil may Ovary cyst na si Mama at dahil do'n mas lalo 'yong lumala.
"Anong iba?! Gosh, Saturn! Gusto mo rin bang magahasa ng lalaking 'yon?! Hindi mo ba nahahalata na masama ang intensyon n'ya sa'yo?!"
My tears dropped.
"Tita, sinabi n'ya sa akin na mabuti-"
"Saturn! Sino ang pamilya mo rito?! Hindi mo alam ang takbo ng utak ng isang tao kaya huwag kang magpakapaniwala sa lalaking 'yon! In this world, everything is possible!! Isa pang kita mo sa kan'ya, sasama ka sa akin ang ako na mismo ang maglalayo sa'yo sa kan'ya."
Gusto kong paglapatan ng kamay si Tita kaso may respeto pa rin naman ako sa kan'ya kahit paano. All this years hindi naging maayos ang pakikitungo ko sa kan'ya. Lagi kaming nagbabangayan dahil lang sa gusto n'yang siya ang masusunod.
"I'm sorry, Tita, pero hindi na ako bata para sumunod sa mga utos mo. I have my own decision and I am the only one who can make decisions for myself." Mariin kong sabi at tinalikuran s'ya.
Naririnig ko ang pagtawag n'ya sa pangalan ko pero hindi ko s'ya nililingon. Kailangan kong magpakalayo muna bago ko pa s'ya masumbatan ng isang beses pa.
Magdamag akong nagkulong sa kwarto ko. Hindi ako lumalabas dahil paniguradong s'ya ang bubungad sa harap ko. Kahit may nagdadala sa akin ng pagkain ay hindi ko tinatanggap. Ayoko muna ng maingay. I want some peace, a quiet place to refresh my mind.
Tumambay muna ako sa may Balcony ng kwarto ko at dinama ang hangin na tumatama sa mukha ko. I can see the ocean from here. I miss this place. Ilang buwan din akong nawala rito.
Nakakaramdam na ako ng gutom pero binali wala ko 'yon until someone knocked on my door."Madam, andito po si Sir Brennon."
Napalingon agad ako at mabilis s'yang pinagbuksan ng pinto."Anong ginagawa mo rito? Baka makita tayo ni Tita." Bulong ko.
"Don't worry, sinigurado ko naman na wala s'ya bago pumunta rito." Sabi n'ya at mabilis ko namang sinara ang pinto.
Malungkot akong tumitig sa kan'ya at hinawakan n'ya naman ang pisngi ko.
"Don't worry, it'll be fine-"
"That's not it Brennon! Hindi mo naiintindihan! Hindi ito magiging maayos!" Inalis ko ang kamay n'ya sa aking pisngi.
"What's wrong, Saturn!? Tell me! Hindi mo naman ako iiwan ulit 'di ba?"
I looked at his eyes that full of sadness and regret.
"Kaya nga umalis kana! If you don't want me to leave you, let's stop, Brennon. Paniguradong malalaman ni Tita na pumunta ka rito! Please, let's end this relationship here! Wala na tayo!"
Hindi ako ang mahihirapan sa aming dalawa, kun'di s'ya dahil masyadong tuso si Tita. She'll do everything like a desperate. Masakit mang isipin pero ayokong madamay ulit s'ya sa problema ko.
"You already leave me in the first place, bakit hindi pwede!? Kaya naman kitang ilaban sa Tita mo! I'll prove it, sa Papa mo."
"Brennon, si Papa ay nasa malalang kondisyon, ayokong idamay pa s'ya rito and he'll do nothing when it comes to Tita, in the end si Tita pa rin ang mananalo. We can't do nothing but to forget anything! I'm begging you!"
Nakikita kong nahihirapan na rin s'ya sa nangyayari.
I'm sorry."If leaving you is the best way, let me say I love you for the last time....I love you, Saturn."
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomantizmCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...