Chapter 32

274 8 0
                                    

Sariwa pa rin ang pangyayari kahit isang linggo na ang nakalipas. Lagi akong nakatingin sa malayo, nag-iisip na paano kung nabuhay ang anak ko.

Simula no'ng nawalan ako ng anak ay pakiramdam ko, nagbago ang pakikitungo sa akin ni Brennon. Kung noon ay hinihintay n'ya akong kumain bago pumasok, ngayon ay nag-iiwan na langs s'ya ng letter sa may ref at pinapaalalahanan na may lutong pagkain sa lamesa.

Tinanong ko naman s'ya kung ayos pa ba kami and he keep saying that we're okay. Lagi lang daw s'yang busy. I feel something new. This is not the sweetness I wanted.

Iniwasan kong isipin ang bagay na 'yon dahil sarili ko lang ang pinapahirapan ko. Maniniwala ako sa kan'ya.

One time, I asked him. Anong bagay ang pinagkakaabalahan n'ya dahil hindi na talaga kinaya ng pride ko na manatiling tahimik at binabaliwala ang lahat.

But instead of answering my question. He just give me a soft kisses before to leave. Hindi ko maiwasang masaktan. Bakit pilit n'ya pang tinatago kung halatang-halata ko na naman ang mga kinikilos n'ya.

"I'm home, how's your day?"

Umamba s'yang halikan ako pero agad naman akong tumalikod at kumuha ng isang basong tubig para ibigay sa kan'ya.

"Inom ka muna, mukhang pagod na pagod ka 'ata."

Nakita ko namang nakatitig lang ito sa akin at iniintay na mapansin s'ya.

"Why did you avoid when I was about to kiss you?" Bakas ang tabang sa boses nito.

"May pagkain dito, nagluto ako ng chicken curry. Umalis sina Mama at Papa. May aasikasuhin lang daw sa Elva—"

"I'm not interested, I'm asking you, why did you avoid when I was about to kiss you!?"

Napatigil ako nang mahigpit n'yang hinawakan ang magkabila kong balikat.

I shifted my eyes on him. "Masama ba?"

His mouth formed an O. Gulat na gulat s'ya sa sinabi ko. "Saturn, what's wrong? Tell me."

"Wala sa akin ang mali, Brennon, nasa 'yo!" I removed his hand harshly on my shoulder.

"What!? You act so weird lately! Ano bang nangyayari sa'yo!?" Inis nitong tanong sa akin.

"Brennon, okay pa ba tayo? Kasi nakikita ko na parang anlabo na nating dalawa." Napahikbi ako ng malakas nang umagos ang luha ko sa aking pisngi.

"Kasi no'ng nawala si Amore naging gan'yan kana, parang wala ka nang pakialam sa akin! Brennon, kaya pa bang isalba 'tong relasyon na 'to?"

"The fuck are you saying!? Anong anlabo, anong walang pakialam? Saturn, naririnig mo ba ang sarili mo!?"

He grabbed my chin. "Ilang beses ko bang sasabihin at ipapaalala sa'yo na mahal na mahal na mahal kita! Oo, masakit dahil nawala ang anak nating dalawa pero hindi ibig-sabihin no'n iiwan kita. I'm not stupid!"

"Sumama ka sa akin, ipapakita kong seryoso ako sa'yo." Hinigit n'ya ang kamay ko palabas ng bahay.

"Teka lang, saan tayo pupunta?" Patuloy lang s'ya sa pagkaladkad sa akin hanggang sa makarating kami sa tabing dagat.

"Maghintay ka lang dito, 'wag kang aalis." He softly kissed my lips.

"Mukha akong tangang nakatayo rito mag-isa. Anong gagawin mo?"

"Liligawan ka ulit."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya.

"Ayaw mong maniwala sa akin kaya papatunayan ko sa'yo. Kung pwede lang araw-araw kang suyuin, gagawin ko. Mamahalin kita hanggang sa huling paglubog ng araw."

Ngumiti muna s'ya sa akin bago naglakad papalayo. Nanatili akong nakatayo kagaya ng sinabi n'ya.

"Ilang oras pa ba ako maghihintay?!" Singhal ko sa sarili ko.

Tumingala ako sa langit at nakita kong kumukulimlim. Ilang minuto muna ulit akong nag-intay pero hindi na s'ya bumalik. Hanggang sa pagbagsak ng ulan ay nakatayo pa rin ako at naghihintay sa kan'ya.

"Saturn! Bakit ka nagpapaulan!?" Tumakbo si Mama papunta sa akin at may dalang payong, agad ko namang niyakap ang sarili ko dahil sa lamig.

"Where's Brennon!?" Kinuyom ko ang aking kamay. Napakahayop n'ya para paghintayin ako sa wala. Iniwan n'ya akong mag-isa doon tapos hindi pa s'ya bumalik para sunduin man lang ako.

"Nasa bahay si Brennon. Bakit andito ka?!" Sigaw sa akin ni Mama. Agad naman akong tumakbo papasok ng bahay at nakita s'yang nakaupo sa sofa namin. Ang magkabilang kamay n'ya ay nakapatong sa tuhod n'ya habang hawak-hawak ang mukha nito.

Hindi ako nagdalawang isip na pumasok kahit basang-basa ako ng ulan. Humarap ako sa kan'ya at tiningala n'ya naman ako.

"You fucking asshole!" Isang malakas at malutong na sampal ang ginawad ko sa kan'ya. Nagulat naman ang lahat dahil sa ginawa ko.

"Saturn!" Agad akong inawat ni Clemson nang aamba na naman akong sampalin ito.

"Napakahayop mo! Kinaladkad mo ako papunta ro'n tapos hindi ka bumalik, hindi mo man lang ako inalala na baka magkasakit ako dahil sa ulan! Nakaya mo akong titiisin, hayop ka! Pagkatapos mong sabihin sa akin na mahal na mahal mo ako tapos ganito ang gagawin mo! Umuwi kang mag-isa tapos hindi mo man lang naisip na sunduin ako!"

Halos mamaos ang boses ko sa sobrang galit. Galit na galit ako at halos lahat ng luha ko ay nag-uunahan sa paglabas.

"Sabi mo liligawan mo ako pero kahit mismo sarili mo ay hindi ko nakitang nagpakita roon. Para saan 'yon, Brennon? Bakit ka ba nagkakagan'yan!?"

Nakita kong umigting ang panga nito bago ako hilain papasok sa loob ng kwarto. Siniil n'ya ako ng halik at pinalupot ang kamay sa bewang ko.

"Oo, nagkamali ako. Iniwan kita ro'n pero I'm sorry, okay? Mahal talaga kita, Saturn. Totoong mahal kita." Anas nito bago ako halikan muli.

Hiniga n'ya ako sa kama at unti-unting tinanggang ang pangtaas ko. Napa-ungol ako nang lamasin n'ya ang dibdib ko.

"This time, ipapangako kong sa pangalawang pagkakataon, iingatan kita at aalagaan. Magkakaroon na rin tayo ng masayang pamilya, pangako."

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon