Chapter 8

299 15 133
                                    

Madaling araw pa lang ay nagising na ako dahil sa kaluskos na naririnig ko sa labas.

"Magpatulog naman—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may kamay na nagtakip sa bibig ko. Hindi ako makahinga dahil may panyong nakaharang dito.

"Shh, tumahimik ka nga muna, Saturn!"

Pamilyar na boses ito pero hindi ko alam kung s'ya nga ba talaga ito. Gusto kong kumawala kaso malakas s'ya masyado.

Tinapik ko ang kamay n'ya dahil mauubusan na ako ng hangin. Tinanggal n'ya naman agad ito.

"Si Gace 'to, ano ba?"

"Anong ano ba? Malay ko kung sino ka? Saka pwede bang 'wag kang mananakip ng bibig, sa'yo ko kaya gawin 'yon, try ko kung makahinga ka."

"Hahaha just to make sure na hindi ka sisigaw, baka marinig ka ng Tita mo, tapos makitang andito ko." Untag n'ya.

"Ano nga bang pinunta mo rito?"

"Ikaw malamang."

"I mean, anong rason?" I looked at him.

"You act strangely, earlier. May nangyari ba? I heard you shouting."
Napaawang ang labi ko.

"Tulog ako, Gace. Nagising lang ako dahil sa'yo. Anong sumisigaw?"

"That wasn't you!?" Tinakpan ko ang bibig n'ya.

"Wag kang sumigaw!" Gigil kong sabi.

"It was you! Tinatawag mo 'yong pangalan ng ex mo at nabasag 'yong paso sa Veranda mo kaya pumunta ako rito para tanungin ka."

Tumayo ako at tinignan ang mga halaman na nagkalat sa lapag. Sinong gumawa nito?

"Stop acting, Saturn. Are you trying to escape?"

"Tanga ka ba? Hindi ko nga rin alam nangyayari rito, saka hindi ako tatakas, Gace. Ayoko nang pahirapan ang sarili ko. Hihintayin ko ang araw na magsawa s'yang ikulong ako rito."

"At iyon ang araw na makalimutan mo ang taong kinaaayawan n'ya at ang lalaking mahal mo 'yon." Dugtong n'ya.

Napasinghap ako sa kawalan. Bakit ba pinagpipilitan nilang kalimutan ko s'ya, e mahal ko nga 'yong tao. Mahirap bang intindihin 'yon?

"Makukulong ako rito habang buhay kung gano'n."

"Kung kakayanin ng Tita mo na gano'n ang sitwasyon mo." Umupo s'ya sa kama ko.

"She can, ang maghirap nga ako kaya n'yang matiis, ang makulong dito pa kaya."

Sabay kaming napatingin sa pinto nang may kumatok dito.

"Saturn!! Who were you talking to!?" Dinig kong sigaw ni Tita galing sa labas ng pinto ko.

"I have to go, I'm sorry, Saturn. I can't help you." Aniya at lumabas sa may Veranda ko.

Hindi ko alam kung anong dinadaanan n'ya ro'n kaya sumilip ako pero hindi ko s'ya naabutan pa.

He's that fast!?

"Sinong kausap mo?" Tanong ni Tita nang makapasok s'ya sa kwarto ko.

"Si Gace," asik ko.

"Anong pinag-usapan n'yo!?" She raised an eyebrow.

"I'm asking him to help me." Lakas loob kong sabi sa kan'ya.

Ngumisi ito. "I wonder if you can escape in this place, Saturn."

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon