Maaga kaming gumayak ni Brennon at agad na nagtungo sa OB ko. Masyado kasing excited ang isang 'to.
"Oh!! Your wish granted, Mr. Casiendero. It's a baby girl."
Kuminang ang mga mata ni Brennon matapos ang narinig. Hinawakan n'ya agad ang aking kamay at gumawad ng halik sa aking pisngi.
"Amore Dolunay."
Namilog ang aking mata. That name is so freaking cute. Wala pa nga akong naiisip na pangalan, meron na agad siyang nabanggit.
"Amore for love and Dolunay for full moon. Loving the moon." Saad ko naman.
Hindi ko mapigilan ang maluha. I really am a mother now. Hinihintay ko na lang ang paglabas ng anak ko.
"For sure, this child will be the most gorgeous and center of attraction. Ang ganda ng ina at ang gwapo ng ama. This child will slay, I promise." Natutuwang sabi ng doktor.
"Hahayaan ko bang hindi maging maganda ang anak ko?" Lakas loob na utas ni Brennon kaya natawa kami.
"Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan dahil magiging maganda ang anak mo." Humahagikgik na sabi ng Doktor.
Pagkatapos naming magpakonsulta ay hindi na ako tinigilan ng isang ito sa pangungulit. Kanina pa n'ya nagngungutngot na pumunta sa damitan ng mga baby.
"Masyado ka namang atat, may 3 months pa!"
Hindi ako nagpatinag sa pangungulit n'ya. Wala na akong lakas para maglakas, masyadong matirik ang araw at kanina pa ako pinagpapawisan.
"Magtataxi tayo, hindi kita hahayaang maglakad." Bakas sa tono nito ang pagkaseryoso.
"I don't want to go! Ang init-init. Kung may gusto kang ipabili, sasabihin ko na lang kay Mama kapag dumaan s'ya sa grocery."
Mukha namang sumuko na s'ya sa pakikipagtalo kaya tumango na lang ito at hinawakan ang aking bewang.
"Grabe naman, napaka-overprotective."
Sumulyap ang maliit na ngiti sa labi n'ya kaya napatingin ako rito.
"I just want to make sure that you're safe at every step you take."
"Anong tingin mo sa akin, tanga-tanga?" I said in disgust.
"Hindi mo masasabi kung kailan ka matatapilok o matalisod, kaya mas mabuting alalayan kita."
Pumara s'ya ng taxi at pinagbuksan ako ng pinto. Siniguro n'ya munang ligtas ang hahakbangan ko bago ako tuluyang makapasok.
Umiling ako. Parang matanda tuloy ako tignan. Kung makapag-alalay ay sobra-sobra.
"Good afternoon, Ma." Agad akong naglakad papunta kay Mama at humalik sa pisngi. Pagkatapos no'n ay humilata agad ako sa upuan at naghanap ng makakakain.
"How was it?" Nakangiting tanong ni Mama. Nakita ko naman ang mga pinsan kong nagsisitakbuhan papunta sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Cairo na nakangiti sa akin.
"Oh my god!!" Napatayo ako sa gulat, hindi ko inaasahang ang highschool lover ko ay nandito. Hindi maiwasang matawa.
"Oo naaa!! Andito na ako! I miss you!" Mahigpit na yakap ang sinalubong n'ya sa akin. Ito 'yong lalaking crush na crush ko noon. Miyembro s'ya dati ng Highest SG ng school namin.
Highest Special Grade kumbaga. Explain ko. Sa Highest SG kasi, nandoon lahat ng estudyanteng matatalino. Sinali sila ro'n dahil sila ang mamumuno sa buong campus. At kapag nakasama ka sa grupo nila, wala kang gagawin kun'di tumunganga, maglakad-lakad sa labas ng classroom n'yo. Marami ang nangangarap na mapasama sa rango na iyon, ngunit walang mga estudyante ang pumapasa sa mga pagsusulit na binibigay ng SG.

BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...