Parang nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay. Hindi ako kumakain, kahit pagbuksan ng pinto si Gace ay hindi ko ginawa. I feel like I don't want to trust anymore. Lahat tinatryador ako, lahat niloloko ako. Nakakapagod tumira sa buhay kong wala ng kwenta.
He's not my happy ending. Hindi s'ya ang tumapos ng kwento naming dalawa dahil ang huling kabanata namin ay ang pinakamasakit na nangyari sa buhay ko.
Mahal ko 'yon pero hindi kami pinagbigyan kahit sandali. My wedding will start next week pero hindi s'ya ang lalaking makakaharap ko sa altar, hindi s'ya ang lalaking hahawak ng kamay ko sa harap ng pamilya ko at higit sa lahat, hindi s'ya ang mapapangakuan at magsusuot sa akin ng magandang singsing.
Nasa kulungan s'ya. A month passed since that happened. Hindi ako pinapayagan na makita s'ya o bisitahin man lang. It's like I'm being kidnapped. Parang ako 'yong babaeng binibenta lang kung kanino at sila ang magpapasya sa sarili ko na ako dapat ang gumagawa.
"Saturn, please open the door!" Dinig ko ang boses ni Gace galing sa labas ng kwarto ko.
I didn't response. I still quite. Do nothing, just to lie on my bed all day. Thinking like I'm the worst person on this world.
Ako si Saturn Vessaki. Ang babaeng laging humihiling ng kalayaan, ng mapayapang buhay. Pero imbis na matupad ito mas lalo lang naging malala ang sitwasyon.
Being on a wealthy family is not happy. Merong sabik sa pera, merong agawan sa lupa, agawan sa tagapagmana at higit sa lahat mayroong traydor sa pamilya.
"Can I go out?" Mahina kong tanong.
"Yes," saad n'ya.
Naghanda ako sa pagligo at nagbihis ng simpleng damit. Itinapon ko lahat ng damit ko noong nasa Cacienda pa ako nananarbaho.
Wala na kaming balita sa buhay ng tatay ni Brennon. Paniguradong hindi 'yon makapaniwala na nanggahasa ang anak n'ya at tumulad pa sa kan'ya. Nope, he didn't raped Cindy. It was all my Tita's plan. Her fucking plan that makes me go crazy.
"I want to be alone...just this day, Gace." Ani ko at tinignan ang kamay kong may suot ng singsing.
We're engaged at kasal na lang ang kulang. But I'm not happy kasi hindi ko naman s'ya mahal.
Gusto ako ni Gace and he confessed his feelings to me. Pero kahit no'ng nalaman n'yang ikakasal ako sa kan'ya. Alam kong nagulat din s'ya at ayaw n'yang madaliin ang pangyayari.
He respect me so much, kaya gusto n'ya munang hintayin ang desisyon ko bago ang kasal. But we don't have a choice. We'll get married and that's my story all about. A Tragic ending.
"Okay, just call me if you need something."
He kissed my forehead as I nodded.
Naglakad-lakad ako sa likod ng mansyon namin. Sinasalubong ang hangin kasabay ng pag-anod ng aking buhok.Tiningala ko ang mga ibong malayang nakakalipad at ang mga punong nagsasayawan. Napapapikit na lang ako sa sarap ng simoy ng hangin. Ang tahimik ng paligid at tanging yabag lang ng sapatos ko ang naririnig.
"Madam, tinatawag po kayo ni Sir Gace."
Nanliit ang mga mata kong bumaling kay Cindy. Kita ko ang kaba sa mukha n'ya at hindi makatitig ng ayos sa aking mata.
"Bakit hindi s'ya ang pumunta sa akin?" Mataray kong tanong sa kan'ya.
"M-may itatanong po 'ata sa inyo." Nauutal n'yang sagot.
Suminghap ako sa kawalan at wala sa sarili siyang tinalikuran mag-isa. Hindi na 'ata huhupa ang galit ko sa kan'ya. She's such a good actress, kahit ang luha n'ya ay mapagkakamalan mong hindi pinipeke.
"Tawag mo raw ako-"
Natulala akong napatingin sa kan'ya. He's wearing a white suits with his hair brush backwards. Hindi ko inaakalang may igagwapo pa ang isang 'to.
"Bet this on our wedding." He smiled. Umirap naman ako.
"I don't love you, Gace. At nangyari lang ang lahat ng 'to dahil wala tayong ibang pagpipilian."
Lumapit ako sa kan'ya at hinigpitan ang pagkakatali ng kan'yang necktie kaya nasamid ito.
"Doon din ang punta mo, Saturn. You'll fall for me and you'll love me like how you love Brennon."
"And that will never happen. Umasa ka lang hanggang sa gusto mo pero s'ya pa rin ang mamahalin ko. Kasal lang tayo pero hindi do'n masasabi na mahal kita. It's our feelings. Tayo ang makakapagsabi, Gace."
Nagtaas ito ng kilay at sumimangot.
"Marriage is the sign of love. Kaya mo papakasalan ang isang tao dahil gusto mo s'yang makasama hanggang pagtanda. You'll express your love by marriage, Saturn."
"But our wedding is not true, kumbaga we're on forced marriage and that's not true love. Iba ang nagpapasya para sa ating dalawa, hindi tayo kun'di sila. Hindi lahat ng kasalan ay iisa lang ang kahulugan. There's a marriage that you'll get married because you love each other and you want to be each other. And the other one, is a marriage that is fake, like you're not having your freedom because someone decide who will you marry and that's not our decision, it's their decision."
Bumuntong-hininga ito at tinanggap ang pagkatalo. Nagkibit-balikat ako at matama s'yang tinignan.
He keep pushing me to himself. Ipinaglalaban n'yang ikakasal kami dahil mahal namin ang isa't isa, e hindi ko nga s'ya mahal.
"Fine, 'wag mo na lang ipamukha na hindi mo ako gusto."
"Pero 'yon-"
"Don't say it-"
"Eh 'yon nga ang-"
"Don't say it or I'll kiss you?" He grinned.
"I'll say it or I'll punch you hundred times?" I raised an eyebrow.
"Tch, choose between this two gowns." Aniya at pinakita ang dalawang gown sa harap ko.
"I like this but I prefer color black."
Napaawang ang labi n'ya sa suggestion ko."Bakit black? It's wedding."
"Bitter Wedding for us, Gace. Magsusuot lang ako ng puting gown kapag sigurado na ako sa papakasalan ko." Seryoso kong sabi.
"Why can't you just forget him?"
"Because our story is not yet done. Kahit ikaw ang papakasalan ko, he's still be my once upon a time and my happy ending."
"S'ya ang Epilogue pero ako ang laman ng bawat chapter, Saturn. It means, walang saysay ang Epilogue mo kung hindi ka pa tapos sa kabanata ng istorya mo."
Kinuyom ko ang aking kamay, nagpipigil ng galit.
"Urgh, can you just stop talking? Kulay ng gown ang pinag-uusapan natin bakit napunta rito!?" Singhal ko.
"Dahil ikaw ang nagbukas ng usapang 'yon!"
"Pero wala naman akong binanggit na pangalan!"
"Me either, may narinig ka bang pangalan na nabanggit ko!? You're being affected, Saturn. Bakit galit na galit ka!?"
Umupo ako sa aking kama at diretso s'yang tinitigan.
Oo nga naman, bakit ba ako nagagalit e hindi naman s'ya nagbanggit ng pangalan. I'm stupid and yet, still affected.
"Just...make this gown black. Ayoko ng puti or kung anong kulay, itim lang." Wika ko.
"Okay, I don't care about the gown's color. Basta ikakasal ka sa akin. Even it's force or not. For me, you'll be my bride."
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...