Chapter 13

312 11 137
                                    

Brennon's POV

It's been a years since I'm in prison. Yes, a years and I'm here, freely living. Living with this woman I don't even know.

May edad na s'ya at pilit n'ya akong manatili muna rito sa bahay n'ya. Hindi ko alam kung anong pakay niya pero sinunod ko na lang s'ya dahil malaki ang utang na loob ko sa babaeng ito.

S'ya ang nagpalaya sa akin sa mala-impyernong kulungan na 'yon. Hindi s'ya pamilyar pero mukhang mapagkakatiwalaan naman.

"Let's eat, Brennon. Lalamig itong pagkain." Aniya sa akin.

Umupo na lang ako sa harap n'ya at tinikman ang kare-kareng nakahain sa lamesa.

It's good, magaling s'yang magluto. She looks like she's from a wealthy family dahil lagi s'yang nakabistida kahit sa bahay lang.

Sinusubukan kong magtanong tungkol sa buhay n'ya pero binabaliwala lang n'ya iyon. Pero kahit ilang taon na rin akong nakikisama sa kan'ya, hindi pa rin mapalagay ang loob ko.

"Salamat po," ani ko.

Umupo s'ya sa harapan ko at nagsimulang kumain, maya't maya ko s'ya nililingon. Baka kasi nagkita na kami noon, hindi ko lang s'ya matandaan ngayon.

"Can I ask you one thing?"

"You're already asking me," pambabara n'ya sa akin.

Bumuntong-hininga na lang ako at binalingan s'ya. "Nagkita na ba tayo noon? Kilala ba kita?"

Binaba niya ang kutsarang hawak at tumingin sa gawi ko. "Kung ano ang naaalala mo 'yun 'yon."

"Hindi naman ako nakalimot, nakulong lang ako." May halong tabang kong sabi.

"Ang ibig kong sabihin, kung sa tingin mo ay nagkita na tayo edi 'yon ang sagot sa tanong mo."

I bite my lip as I clenched my jaw.

"I don't know, dahil noon wala akong pakialam sa iba as long as my girl is with me."

Nakita ko ang pagbabago ng itsura n'ya. Sa t'wing binabanggit ko ang nakaraan namin ni Saturn ay laging gan'yan ang nakikita ko.

Ang lungkot ng itsura n'ya at nag-iiwas lang ng tingin sa akin. There's something wrong with it. Kailangan kong malaman kasi... it's making me curious.

"Kilala kita Brennon. Sobrang kilala kita maging ang pamilya mo." Sabi n'ya at niligpit na ang mga plato namin, ako naman ang nagpunas ng lamesa at naghugas.

Pagkatapos no'n ay lumabas muna ako saglit para magpahangin.

I miss my girl. Wala na akong balita sa kan'ya. Hindi ako pwedeng pumunta ro'n ng gano'n gano'n lang. Ayokong mapahamak na naman s'ya nang dahil sa akin.

"Oy pre, nakiigib muna ako. Wala kasing tubig sa bahay namin ni Misis." Ngumiti ako sa kan'ya at tumango.

"Sige ho, kailangan n'yo ba ng tulong?" Pagpepresinta ko.

"Ay naku! Nakakahiya naman, 'wag na baka may gagawin ka pa."

"Wala ho, akin na at tulungan ko na kayong magbuhat, saan po ba ang bahay n'yo?" Tumawa ako.

"Ay doon malapit sa tindahan ni Jessa." Tumango ako at binuhat ang balde sa magkabila kong kamay.

Medyo nasanay na rin ako sa pamumuhay rito. Kailangan mong mag-igib kahit malayo pa 'yan. Mabuti nga't sa amin napatapat 'tong poso, hindi na kami dadayo pa sa malayo.

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon