Chapter 15

311 10 107
                                        

Saturn's POV

"We're here, Saturn." Marahan akong niyugyog ni Gace para gisingin ako.
Parang ang bilis naman 'ata namin makarating o ilang oras lang talaga ako natulog.

"How many hours did I sleep?" Pumungas-pungas ang mga mata ko kasabay ng pag-unat ko ng aking katawan.

Grabe, ang sakit ng puwetan ko.

"8 hours." my eyes widened. Nagulat talaga ako sa sinabi n'ya. Daig ko pa 'ata ang tinurukan ng pampatulog.

"Totoo?"

"Ay hindi, I'm joking, Saturn." He said sarcastically. Umirap naman ako.

Tumayo na ako at hindi na nakipagtalo pa sa kan'ya, ang mahalaga, masarap ang tulog ko.
Tinulungan ko s'yang maglabas ng bagahe namin. Ngunit muntikan na akong sumubsob nang may yumakap ng mahigpit galing sa likuran ko.

"Puta-"

"Saturn!! Kingina ka, imissyou! Huhu!" Nag-iinarte nitong sabi na animoy nagdadrama pa.

"Are you stupid, Ji? Paano kung dumagasa ako rito, asikasuhin n'yo pa ako."

She raised an eyebrow. "At sinong nagsabing aasikasuhin ka namin." Tumawa ito.

Aamba na sana akong batukan s'ya kaso pinapababa na kami ng piloto. Kami na lang pala ang natira sa loob ng eroplano. Ang tanga naman kasi nitong babaeng 'to, ang daming kaartehan sa buhay.

Nang makababa kami ay bumungad agad sa akin ang kulay pulang Ferrari. Halos karamihan ay nakatingin dito dahil sa sobrang gara ng dating, maiisip mo talagang galing ka sa mayamang pamilya.

"Sa'yo 'yan?" Taas kilay kong tanong sa kan'ya.

"Inutang ko lang 'yan hehe."

"What?"

"Hindi, joke lang. Binigay sa akin 'yan ni Papa, ewan ko ba. Wala namang okasyon, trip n'ya lang 'ata."

I pout. Matagal ko na rin kasi gustong magka Ferrari na sasakyan. That's my dream car.

"Hindi kasya ang mga gamit namin d'yan." Sabi ko nang nakatingin pa rin sa kagandahan ng sasakyan.

"Doon 'yan sa Van, ipapadiretso ko na sa bahay n'yo."

Sobrang saya ko kaya pumasok agad ako sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko nasa langit na ako. Ang ganda kasi kahit mababa lang s'ya.

"Hep-hep, at ikaw? Doon ka rin sa Van."

Parehas kaming laglag panga ni Gace sa sinabi n'ya.

"Hindi kita kilala kaya doon ka!" Turo n'ya sa Van habang nasa baywang n'ya ang isang kamay.

"Ji, kasama s'ya sa pupuntahan natin. Hindi mo naman pwedeng pauwiin ng basta-basta sa bahay 'yan. Hindi s'ya kilala ni Papa and also hindi n'ya alam na ikinasal na ako."

"Wait, where are we going?" Nagtatakang tanong ni Gace.

"Kikitain boyfriend n'ya, bakit?" Saad ni Jiji.

"Hindi n'ya na ako kailangan kitain dahil katabi n'ya na naman ako." He smile as he winked.

Nakita ko namang natigilan s'ya sa ginawa ni Gace. Sa gwapo ba naman ng isang 'to, isang ngiti at kindat lang ayos na.

"Ehem, h-hindi naman ikaw ang boyfriend n'ya." Nauutal n'yang sabi kaya natawa ako.

"I'm not her boyfriend 'cause I'm her husband, Miss. Husband."

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon