Chapter 14

303 13 85
                                        

Saturn's POV

"Mamaya pang ala-una ang flight natin." Sabi n'ya nang maka-uwi s'ya.

"It's okay, I'm willing to wait. Alas diyes na rin naman. By the way, natawagan mo na si Jiji." Suminghap ito sa kawalan at tumingin sa akin.

"Yes. And she told me that I kidnapped you."

Humagalpak ako ng tawa. Nakita ko naman s'yang natigilan kaya tumigil na rin ako.

"I'm sorry, did I pissed you?" I said, giggling.

"No, ngayon lang kita nakitang tumawa at ngumiti." He smiled. Nakita ko rin ang paglitaw ng maganda at malalim niyang dimples.

"Then you're special." I smiled.

"Bakit naman?"

"Pinapakita ko lang ang ngiti ko sa mga importanteng tao." He smiled widely.

"So am I that important to you?" Bakas sa boses nito ang pang-iinsulto.

"I guess."  I laughed again.

"Akala ko hindi ka maalam magpakilig."

Nagtama ang mata naming dalawa kaya nag-iwas tingin agad siya.

"Kinilig ka with that simple words, huh?" Umiling ako.

"May gusto ako sa 'yo, Saturn. Kaya 'wag ka nang magtaka kung kikiligin ako sa sinabi mo." His tone change.

"Ano na namang meron sa tonong 'yan?" I raised my eyebrow.

"Nothing, kailangan na nating umalis, naghihintay 'yung taxi sa labas."

Tumayo agad kami para kunin ang mga bagahe namin. Pinasadahan ko muna ng tingin ang kwarto ng Tita ko bago tuluyang lumabas. Wala akong oras para magpaalam sa kan'ya dahil baka magbago pa ang isip nito.

*Jiji is calling*

"Saturn!" Tawag n'ya nang sagutin ko ang tawag.

"Ji, where are you?" Tanong ko.

"Nasa airport na, saka sino ba 'yong lalaking tumawag sa 'kin kanina? Kung makipag-usap akala mo kilala ko s'ya... feeling close kumbaga." Maarte nitong sabi.

I laughed. "Gace is my husband, Jiji."
Ramdam kong natigilan s'ya sa narinig. Alam ko, kahit si Papa ay paniguradong magugulat din kapag nalaman nila.

"Saturn-"

"It's a forced marriage, Ji. Hindi ko ginusto ang nangyari."

"Then why not just divorce!?" Singhal niya.

"May gusto sa akin si Gace-"

"So hahayaan mo na lang kahit hindi mo s'ya gusto? Saturn, lalo mo lang s'yang pinapahirapan!" Napakagat na lang ako sa aking labi. Pinapahirapan ko nga ba talaga s'ya?

"I'm not-"

"You did. Sige, sabihin na nating ikinasal kayo...pero hindi tunay ang pagmamahal n'yo sa isa't isa. You're not helping him to move on! Mas lalo mong pinapalapit ang loob n'ya sa'yo and that's being selfish!"

"Hindi pagiging makasarili 'yon, Ji. Mahirap din para sa akin 'to." Bumuntong-hininga ako.

"If you want things to get easy, then do the right one, Saturn. Laging tama at mabuti ang nananaig. Ayos lang na isampal mo sa mukha n'ya na hindi mo s'ya gusto at least nagpakatotoo ka."

"Okay! Ako na ang mali, fine! Makikipag-divorce ako!"

Dinig ko ang paghinga nito sa linya. "Hindi gano'n kadali ang pakikipag-divorce, Saturn. Mag-usap muna kayong dalawa bago mo asikasuhin ang bagay na 'yan." She utterly said.

"I know, kaya nga ako uuwi jan sa Pilipinas para kay Papa and also to check Brennon."

Sinuot ako agad ang aking seatbelt nang makasakay na kami sa eroplanong napatapat sa amin. Katabi ko naman si Gace pero naka-earphone s'ya kaya hindi n'ya naririnig ang usapan namin ni Jiji.

Ginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng eroplano. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong sa gawi namin nakatingin ang mga babae sa kabilang upuan.

Nanigas ang katawan ko nang may ulong lumapat sa balikat ko. Nilingon ko si Gace na ngayong natutulog nang mahimbing sa aking balikat.

"Hoy-"

"Just let me be like this for a moment."
Oh, gising pa pala s'ya akala ko tulog na tulog na.

"Saturn! Nanahimik kana r'yan!" Gulat akong napatingin sa selpon ko. I forgot Jiji, kausap ko pala s'ya.

"What again!?" Iritado kong sagot.

"You have to know something so you should listen carefully, okay?" Aniya na para akong batang pinagsasabihan ng guro ko.

"Ano ba 'yon?"

"Hindi ba't gusto mong makita si Brennon?"

Sumeryoso ako, "malamang, bakit hindi?"

"A year passed simula no'ng nakalaya s'ya."

Laglag panga ako no'ng marinig ang sinabi n'ya. Hindi ko alam ang isasagot ko basta't ang naiisip ko lang ay paano nangyari iyon? Wala naman abogadong mag-aasikaso sa kan'ya saka posible kayang may tumulong sa kan'ya?

Kung meron man, sino at bakit?

"Paano, Ji? Hindi ko pa naaasikaso ang bagay na 'yan, wala pa akong abogadong nahahanap para matulungan s'ya!" Naguguluhan kong tanong.

"He told me, someone helps him. Hindi n'ya lang sinabi kung sino kasi hindi rin daw n'ya kilala."

"What!? Sinabi n'ya ba ang lokasyon kung nasa'n s'ya!?"

"No, he didn't. Pero isa lang ang alam kong pupuntahan n'ya. Maalin sa lugar mo o sa Cacienda."

Bumuntong-hininga ako, How is it possible? Kung may nagpalaya sa kan'ya, bakit parang  walang reaksyon si Tita? Hindi dapat ay nagwawala na s'ya dahila ayaw na ayaw n'ya sa pamilya nila Brennon.

Ano ba talaga ang totoo? Bakit parang andami kong hindi alam? Paano napunta ang lahat sa problemang 'to?

"It is possible, do'n s'ya nakatira, baka makita natin sila ro'n." Saad ko.

Love and DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon