Simula no'ng araw na 'yon ay hindi ko na s'ya nakita. Tita is so happy, malamang nagdidiwang na ang puso n'ya dahil nagtagumpay na naman s'ya.
Tama ang desisyon ko at alam kong hindi ako magsisisi. It's for his safety, ayokong pati ako alalahanin n'ya.
Nangako rin naman ako na 'pag nakaipon na ako, ibabalik ko sa kan'ya ang lahat ng perang nagastos n'ya para rito. Ayokong umasa sa pera ng iba."Saturn, are you okay?" Tita snapped her fingertips kaya wala sa sarili akong lumingon sa kan'ya.
"Yes, just tired. Ang dami kong inimis kanina, I'm sorry." She raised an eyebrow.
"Pack you things and we'll leave after this."
"What do you mean? Saan tayo pupunta?"
Binalot ako ng kuryosidad ko kaya hindi ko maalis ang aking paningin kay Tita.
"Singapore, akala mo ba hindi ko nakita ang pasimple n'yong pagkikita ni Brennon sa kwarto mo? Ano, Saturn, nabuntis kana rin ba? May nangyari na sa inyo? O nagahasa kana rin? Does it feel good, huh? Well, hindi na ako magtataka kung bakit pagod ka."
Nabigla ako sa sinabi ni Tita kaya kahit mas matanda siya sa akin ay nasampal ko siya at halos mamula ito sa lakas.
"Huwag kang bastos, Tita Maris! Kahit mahal ko s'ya hindi naman ako bibigay ng gano'n lang! How could you say that!? Gusto mong respetuhin kita pero ako hindi mo marespeto!"
Hindi s'ya makalingon sa direksyon ko. Gulat na gulat s'ya sa pangyayari.
"Kahit ngayon lang, Tita. Pagkatapos kong maibalik lahat ng pera na nagastos n'ya hindi na kami magkikita, tantanan mo na 'yong tao!"
"What?! Tatantanan!? Baka nakalimutan mong hindi tayo nakakuha ng hustisya sa pagkamatay at panggagahasa sa nanay mo, Saturn! Hindi ko alam kung anong pina-inom n'ya sa'yo at bakit hindi mo s'ya mabitaw-bitawan!" Sigaw n'ya.
"Matagal ko na s'yang binitawan! Dahil kung hindi, sana magkarelasyon pa rin kami at tinatago pa rin ang katotohanan sa inyo! And please, 'wag na nating idamay si Mama rito, wala na s'ya kaya sana naman patahimikin na natin ang buhay n'ya!"
I'm not going to leave this place, ayokong maiwan si Papa, ako na lang ang pinagkakatiwalaan na rito. Ayokong maiwan s'yang mag-isa dahil hindi pa s'ya naooperahan sa puso. Ayokong maiwan sa kamay ni Tita.
"My God, Saturn! Anak ka ba talaga n'ya? Paano mo nagawang maging kampante sa nangyari sa nanay mo-"
"Gusto ko lang maging tahimik ang buhay ng nanay ko kahit wala na s'ya. That's what she want, ang matapos na ang alitan sa pagitan ng pamilya natin at sa pamilya n'ya! Bago s'ya mawala 'yon ang sinabi n'ya! Kaya please, Tita, luluhod ako, magmamakaawa sa'yo matigil lang 'to."
My tears can't stop falling. Pagod na pagod na ako sa ginagawa ni Tita sa pamilya namin. Porke s'ya ang sumunod na kapatid ni Mama at gagawin n'ya na sa amin 'to.
"Tumayo ka, Saturn!"
"No, I don't want to!"
"Tumayo-"
"Then, promise me! Titigilan mo na 'to, hayaan na natin si Mama, wala na tayong magagawa, it's too late. Mama is gone and I want to end this war between our family and his family!"
"Saturn-"
"Promise me, Tita Maris! Hindi ako tatayo kung hindi ko naririnig ang sagot mula sa'yo!"
"I promised!!" Sigaw n'ya ngunit bakas dito ang inis at galit.
"And one last thing, let me live on my own, pabayaan mo na kami ni Brennon. I'm sorry, Tita, but I'm still inlove with the same person you hated for a long time."
Hindi s'ya makasagot sa sinabi ko. She's just staring at me.
Tumayo ako at pinunasan ang luha sa mukha ko.
"You what!?" Iritado n'yang sabi.
"I still love him and no one can change it. Walang makakapagsabi na hindi ko s'ya mahal dahil ako ang nakakaalam sa una pa lang. I'm inlove and still inlove and my love for him will get worse and worse."
I left her standing, jaw dropped. Ayokong makulong habang buhay sa kamay ng Tita ko. I want my freedom, at palagi kong hinihiling na maranasan ko man lang 'yon kahit minsan.
Simula no'ng mawala si Mama sa amin, si Tita na ang tumayong nanay ko pero kahit kailan hindi ako naging masaya sa kung paano n'ya ako palakihin habang wala si Papa.
Para akong asong nakakulong sa kulungan at inabandona ng amo n'ya.Mabuti nga't hindi naisip ni Papa na maghanap ng bagong asawa dahil paniguradong hinding-hindi ko s'ya matatanggap. Kahit wala na si Mama, she's still on my heart at hindi mawawala 'yon. I love my mother even she's gone.
Sa kakapunas ko ng luha sa 'king pisngi, hindi ko namalayang mababangga ko na 'yong puno ng buko, buti't may umalalay sa akin.
"I'm sorry-"
Lalo akong naluha nang makita ko s'ya sa harapan ko. He looked at me with his eyebrows knotted.
"You okay-"
Napatigil s'ya sa pagsasalita nang sunod-sunod na pumatak ang luha ko pababas sa aking mukha.
"S-saturn," he said, stuttering. He wiped my tears using his finger.
"I hate you!" Singhal ko.
"I know. Just hate me until you love me." Bulong n'ya.
Hindi ko mapigilan ang paghikbi. Niyakap ko s'ya kaya mas lalo itong natigilan.
"Let me hug you for the last time."
"What do you mean?" Hinarap n'ya ako at yumuko para magtama ang aming mga mata.
"I'm sorry, please! Lubayan na natin ang isa't isa!"
Nagkunot-noo ito at mas humigpit ang hawak sa balikat ko. He's too strong kaya hindi ako makapalag sa kan'ya.
"Tell me, Saturn! Diretsuhin mo ako-"
"I'm leaving you for the second time!! Kaya tama na!"
He's eyes widened. Tinanggal n'ya ang kamay n'yang mahigpit na nakahawak sa akin.
"I'm sorry! 'wag na nating pahirapan ang isa't isa. Gusto ko nang matahimik ang buhay ni Mama kaya please!! Para maging maayos na ang lahat, just...get lost!"
Hindi s'ya mapakali sa kakalakad. Paikot-ikot s'ya at tila nag-iisip ng paraan para sa problema ng pamilya naming dalawa.
"There's still way, Saturn! Please, 'wag naman ganito! You promised me!"
"Kahit nangako ako kung hindi naman ako malayang makakapagdesisyon para sa kapakanan ko, wala akong laban. I don't have choice, Brennon."
Lumuhod s'ya sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay. Kita ko ang luhang lumandas galing sa mga mata niyang punong-puno ng kalungkutan.
"Ang iwan ako lang ba ang tanging paraan para maging maayos ang lahat?" Naluluha n'yang sabi.
"Yes," tugon ko.
"No! Magiging maayos pa kung makakahanap tayo ng ibang paraan!"
"Stop it, Brennon! Wala nang paraan! Galit sa inyo ang pamilya ko, at kapag pinagpilitan natin ang gusto mo, itatak mo sa utak mo na hindi tayo mananalo at hinding-hindi 'yon mangyayari!"
Ngayon ko lang s'ya nakitang humagulgol sa harap ko. No'ng iniwan ko s'ya ay kahit isang patak na luha, wala akong nakita.
Mahal na mahal ko s'ya kaso talagang hindi kami pwedeng magsama. Hindi ko alam kung anong parte ang hindi n'ya maintindihan sa sinasabi ko.
"Please, promise me that you'll find someone who will love you until the world last last day."
Bakit nga ba hindi kami maging masaya? Bakit hindi na lang maging kaming dalawa samantalang ang saya-saya naman namin noon?
Kung pwede lang ibalik ang oras sa nakaraan, ibabalik ko 'yong araw na maayos pa ang lahat.
"I love you, Brennon."
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomansaCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...