Nanlabo ang paningin ko maging ang mga boses nila ay hindi ko masyadong marinig. Rinig ko ang mabilis na hakbang papunta sa akin.
"Baby, don't close your eyes."
Naramdaman ko ang balat ni Brennon sa akin na hawak-hawak ang ulo ko. I can't move properly, sobrang sakit ng katawan ko.
"Tumawag kayo ng ambulansya!!" Rinig kong sigaw ni Mama.
Ang lahat ay hindi mapakali, ang iba ay tumulong sa pagbuhat sa akin.
"Baby, not like this. No!! Don't close your eyes, stay awake Saturn! Para sa akin!"
"Bren-"
"You're not gonna die!! Nasaan na ba 'yung ambulasya! Nauubusan na ng dugo ang asawa ko wala pa rin sila, tangina naman!!"
"I'll drive, 'wag na nating ubusin ang oras. She'll not survive kung mag-iintay pa tayo!"
Nagtulong-tulong sila na buhatin ako papasok ng sasakyan. Kita ko ang luha sa mga mata ni Brennon.
"Don't cry." Mahina kong bulong.
"Saturn naman! 'Wag kang gan'yan. Ang saya-saya pa natin kanina! You're not leaving! Please! Fight for us!"
Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi n'ya. Humahagulgol na s'ya habang yakap-yakap ako.
"Mahal na mahal kita, 'wag mo naman akong iwan! Hindi ko kakayanin!"
Sinubukan ko s'yang yakapin pabalik but my energy can't take it. Sobrang sama ng pagkakabagsak ko dahil ulo ko ang unang tumama.
Punong-puno na ng dugo ang damit ko maging ang damit ni Brennon ay namantsahan na rin.
"Mahal na mahal din kita, Brennon."
___
Nagising ako dahil sa ilaw na tumama sa aking mata. Ang mga pamilya ko ay nakatayo sa gilid ko. Sina Mama at Papa ay nakatalikod sa akin. Naririnig ko ang paghikbi ng mga pinsan ko gano'n na rin si Brennon na punong-puno ng sugat ang kamay.
Nilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Nasa hospital ako dahil sa katangahan na nagawa ko. I moved my hands and I suddenly felt that my tummy is already flat. Tumingin muli ako sa pamilya ko.
"Ma, Brennon. Nasaan ang anak ko?"
Umiling sila kaya naman napakunot ang noo ko.
"Saturn-"
"Mama nasaan si Amore!?" Sigaw ko.
"Anak, your baby didn't survive."
Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ang mga luha ko ay naiipon na sa gilid ng mga mata ko. I tried to stand but I don't have any energy to do it.
"Anak, kumalma ka-"
"Ma, paano ako kakalma sa nalaman ko! Anak ko 'yon!! Nasaan si Amore!? Brennon!?"
Lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Wala na si Amore, Saturn. Wala na ang anak natin!" He said, whimpering.
"Sinungaling!! Brennon naman!? Paano mo nakakayanan na sabihin 'yon sa anak natin!"
Hindi ko mapigilan ang sakit na namumuo sa dibdib ko. Ayokong maniwala, sobrang sakit. Ilang buwan na lang lalabas na s'ya pero ito ang mababalitaan ko!
Ilang buwan akong nag-intay at dahil sa sa kagagawan ko, nawala ang kaisa-isang iningatan ko sa buhay ko.
My precious little princess are now living happily in heaven.
"Kung ang pagsisinungaling nga lang ang susi para mabuhay ang anak natin ay gagawin ko na. Pero hindi e. Mahal ko, wala na ang anak natin. Ang anak na una nating pinangarap." Kinulong n'ya ako sa kan'yang bisig at idiniin ang ulo sa aking leeg.
"Ang batang pinangakuan kong iingatan ko ay ngayong masaya nang nakikipaglaro sa mga batang nasa langit." Dugtong nito.
"Ma! Hindi 'to totoo 'di ba? Ma, ayokong maniwala!!" Sigaw ko na halos mapiyok ako.
Sinubukan ko muling tumayo pero pinigilan nila ako.
"Anak, wala tayong magagawa. Wala na ang bata."
"Mama, ang sakit naman! Bakit 'yung anak ko pa, bakit hindi na lang ako?" I wept.
"Kung mamamatay ka, ganoon din ang anak mo, Saturn!"
"Then we should live together!" I complained.
"This is not the end, Saturn. Alam kong mahirap mawalan ng anak pero hindi ito ang huling pagkakataon, ang bata mo pa at magkakaanak ka pa. Don't ever wish to die because there's many people are asking for their lives to be extended!"
"Ma, gan'yan din ba ang maiisip mo kung sakaling namatay ako no'ng pinagbubuntis mo ako?"
Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko inaasahang mawawala ang saya na nararamdaman ko no'ng araw na nalaman kong babae ang batang nasa sinapupunan ko. May mas isasakit pa rin pala sa nangyari sa akin noon.
"Saturn, magpahinga ka muna. Pupuntahan natin ang anak mo kapag malakas kana."
Hinimas ni Jiji ang likod ko habang nakayakap sa akin. Wala na akong lakas ngayon, paano pa kaya kapag nakita ko ang anak ko na wala ng buhay.
"Kaya ko, puntahan natin si Amore, gusto ko s'yang makita at mahawakan. Sana naman pagbiyan n'yo akong mabuhat ang anak ko kahit hindi ko man maramdaman na gumagalaw s'ya sa braso ko habang yapos yapos s'ya."
"Pupuntahan natin s'ya, mahal ko. Kasalanan ko 'to e! Dapat sinamahan kitang umakyat, dapat inalalayan kita! Pero hinayaan kitang mag-isa!"
"I'm sorry, Brennon. Pwede mo na akong iwan, nasira ko na ang hiling na ginusto mo. Tatanggapin ko-"
"Shh, hindi anak ang habol ko sa'yo. Mahal kita at iyon ang totoo, magsasama tayo kahit anong mangyari. Magkaanak man tayo o hindi, it doesn't matter. I real man can wait and I will wait."
A real man can wait. Totoo, ang tunay na lalaki ay handang maghintay kahit gaano pa ito katagal. Kung seryoso ang isang lalaki sa'yo, hindi ka n'ya kayang mawala kahit ano pang pangyayari ang nangyari sa buhay mo.
Even a year passed, if a man is a man, they will wait.
Tinulungan n'ya akong makatayo at ramdam na ramdam ko pa rin ang pagod at sakit ng katawan ko. Nakatulala ako habang naglalakad kung nasaan ang anak ko.
Nang mabuksan ni Solem ang pinto, bumungad agad ang anak ko. Lalo akong naluha nang makita s'ya. Kamukhang-kamukha n'ya ako, maging ang kutis at labi. Ang ilong, pilik mata at kilay ay kuha sa kan'yang ama.
Naalala kong muli 'yung sinabi ng doctor sa amin.
'For sure, this child will be the most gorgeous and center of attraction. This child will slay, I promise.'
Yes, My baby is so gorgeous! Kung buhay nga lang s'ya ay paniguradong mas gaganda pa s'ya.
Kinarga ko s'ya at naramdaman ang malamig n'yang balat.
"Baby, I hate seeing you in bed! Let mommy carry you! Please open your eyes!"
Walang tigil sa pagpatak ang luha ko. Sobrang sakit, sobrang bigat sa pakiramdam. Maputi ang anak ko at mas lalo pa s'yang namuti dahila ang putla na ng balat n'ya.
"Rest in peace, Amore. I'll let you sleep now on bed that full of roses. I love you."
BINABASA MO ANG
Love and Desires
Storie d'amoreCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...
