Saturn's POV
"Tara na," saad ni Jiji nang maipasok namin ang ibang gamit sa condo n'ya.
Malaki rin naman at kasya ang anim na tao. Hindi ko nga alam kung bakit ganito kalaki ang pinagawa n'ya e s'ya lang naman mag-isa ang nakatira rito.
Habang naglalakad-lakad kami, pinagmamasdan kong maigi ang paligid, baka sakaling makita ko s'ya, malaki ang lugar na ito at kahit saan pwede kang magtago.
Paniguradong makikita ko s'ya dahil hindi n'ya naman alam na nakalapag na ako rito sa Pilipinas. Hindi rin alam ni Papa, tanging si Jiji lang ang sinabihan ko.
"Sa Resto tayo."
Brennon's POV
"Wala man lang akong kaalam-alam na umuwi na s'ya rito!" Sigaw ko sa telepono.
"Chill man, kahit ako ngayon ko lang nalaman na umuwi pala s'ya r'yan sa Pilipinas." Ani ni Jules.
He's a worker on Elvañia. I asked a help from him na s'ya muna ang magtingin sa kalagayan ni Saturn in Singapore. Ako ang umasikaso ng Visa at Passport n'ya pati na rin ang allowance n'ya ro'n. Pero akala ko matitingnan n'ya nang maayos si Saturn pero 'yun pala, nakaligtaan din at nalimutang may pinapaasikaso ako sa kan'ya.
"I thought I can trust you, andito na si Saturn sa Cacienda and she's looking for me!" Iritado kong sabi.
"Then why don't show yourself, man. Look, if you really want to see her, hindi ka magtatago r'yan o kung saan ka man ngayon."
Napaisip din ako sa sinabi n'ya. Why am I hiding in this fucking cabinet? Bakit ako kinakabahan na makita s'ya. At paano n'ya nalamang nakalabas na ako sa kulungan?
"Go and look after her, it's been 8 years, Brennon. I know you missed her, kaya ano pang ginagawa mo, paniguradong hindi 'yan magtatagal dito dahil hawak pa rin 'yan ng Tita n'ya." Lakas-loob n'yang sabi sa linya.
"I know, isa lang din ang kinakatakutan ko." I sighed. "Baka may kung sino na naman ang nagmamasid sa kan'ya at makita kaming dalawa."
Narinig ko ang pagtawa nito. "Sa tingin mo ba pupunta 'yan dito kung alam n'yang may mga matang nasa likod n'ya? Maris know everything, Brennon. At alam n'yang ikaw ang kauna-unahang pupuntahan n'ya."
He has a point. Pero hindi ko alam ang mga madilim na balak ni Maris kung bakit n'ya pinauwi si Saturn. And for what. Isa pa rin kung bakit ko s'ya tinataguan. Hindi ko alam ang sasabihin ko and maybe because of Ericka. Hindi ko s'ya kilala at hindi ko alam ang sasabihin ko kung sakaling magkita silang dalawa.
"Are you okay?" Aligaga kong nilingon si Ericka. Tumunganga ako sa kan'ya at iniisip ang maaaring mangyari. Natatakot ako sa hindi malamang dahilan.
"Yes, I am." I smiled nervously.
Bago sa akin ang pakiramdam na ito. Noon naman ay hindi ako kinakabahan sa mga nangyayari pero bakit iba na ngayon? Para akong hahatulan ng kamatayan dahil sa kaba. Ang puso ko ay hindi kumakalma, ang kamay ko ay nanginginig at nanlalamig.
Fuck.
"Let's go." Hinila n'ya ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng resto.
Hindi ako makapiglas dahil nanghihina ako. Tanginang 'yan. Lalaki ba talaga ako? Dapat maging malakas ako at hindi maging duwag pero pinipilit ako ng aking katawan na magtago.Naramdaman kong huminto si Ericka sa paghila sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. Halos lumabas lahat ng kaluluwa ko sa katawan nang magtama ang mata naming dalawa.

BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...