"Uuwi ka ng Pilipinas pagkatapos ng kasal n'yo." Bungad ni Tita sa umaga ko.
"For what?"
"Kailangan ka ng Papa mo sa Elvañia at Vaercesa. Kinakamusta ka rin n'ya." Asik nito.
"Then what did you say? Malamang kasinungalingan na naman 'yan. Alam kong sinabi mo na ayos lang ang pamumuhay ko rito, Tita." Pagtataray ko.
"Maayos ang buhay mo rito, ikaw lang itong nag-iinarte. Ngayon, magbabagong buhay kana. Magkakaro'n kana ng asawa at sariling pamilya, Saturn. Forget anything about that man."
Naglakad na ito palayo matapos iyon sabihin. Own family with Gace? Come on! Hindi ko ibibigay ang pagkabirhen ko sa taong hindi ko naman mahal and why would I?
Ilang araw bago dumating ang kasal ko. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Kumbaga ang hiling ko ay maging maayos ang aking buhay pero halos lahat ng iyon ay naging kabaliktaran ng pangyayaring nais kong makamit.
Namamasa ang aking mata. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa mga alaala namin na hindi ko makalimutan. Pakiramdam ko ako ang may buhat ng problema ng lahat ng tao. Sobrang bigat, sobrang hirap. Parang hindi ako kailanman magiging masaya dahil wala e, simula no'ng namatay si Mama, ganito na ang naging buhay ko.
Kahit pa sabihin nating ilang taon na ang nakalipas. Hindi pa rin ako sanay dahil napakalayo ng naiisip ko sa nangyayari ngayon. Malayong-malayo.
"Balita ko uuwi ka ng Pilipinas." Binalingan ko si Gace na kakapasok lang ng aking kwarto.
"Oo," tugon ko.
"You're not happy?"
"Parang gano'n na nga." Suminghap ako sa kawalan.
"Why?"
"Tinatanong pa ba 'yan? You guys keep saying na kalimutan ko na si Brennon pero pinapabalik n'yo ako sa Pilipinas!"
Nagulat ito sa bahagyang pagtaas ng aking boses.
"You don't have to shout! Sa tingin mo ba, ginusto ko rin 'to!? Oo... Gusto kong ikasal tayo pero 'yong hindi ganito. Ayokong napipilitan ka lang, ayokong hindi buo ang sagot mo, at higit sa lahat ayokong ikasal tayo na ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa at ikaw isip nang isip sa taong mahal mo at ang masakit...hindi ako 'yon!"
Napayuko na lang ako dahil nasapul n'ya ang iniisip ko. Tama s'ya at hindi magiging mali ang sinabi n'ya.
"Para lang akong damit sa dibisorya na kahit walang bumibili, nag-iintay pa rin ako ng pag-asang may umangkin sa akin, na may magbigay ng atensiyon kahit hindi ako ganoon kaakit-akit sa paningin ng iba, na ipaglaban na sa kan'ya lang ako mapupunta." Tumawa s'ya.
"Pero ito ang nangyari. May isang nanay na bumili ng damit pero ayaw no'ng anak n'ya dahil hindi n'ya naman ito gusto. Hindi raw bagay sa kan'ya, pero wala s'yang magawa kun'di suotin ito para lang matigil ang pangungulit no'ng nanay n'ya. Ako 'yong damit at Tita Maris mo ang pumipilit sa'yo na ikasal ka sa akin. Ikaw itong babaeng walang nagawa dahil gusto n'ya na matigil ang lahat ng pang-aalila sa kan'ya ng Tita n'ya."
Nanatili lang akong nakayuko. Pinipigilan ang mga luha kong malapit nang pumatak. Gusto kong magsalita pero kahit isang salita, walang lumalabas sa bibig ko.
"I'll try, Gace. Bigyan mo ako ng isang buwan para makasama ka. Susubukan kong mahalin ka at 'pag nangyari 'yon. Papakasalan kita ng tunay."
"Don't force yourself to love me, Saturn. Magkukusa ang puso mong magmahal."
"I'll try-"
"No'ng minahal mo si Brennon, sinabi mo rin bang susubukan kong mahalin ka!? Hindi 'di ba? Kasi nga puso mo ang nagkusa, ang pumili sa kan'ya. Kung hindi ako, Saturn. Hindi ako!" Singhal n'ya.
Isang kisap lang ng aking mata ay tuloy-tuloy nang umagos ang aking mga luha. Ang sakit makitang may taong nasasaktan dahil sa'yo, nasasaktan dahil hindi mo kayang ibalik 'yong pagmamahal na gusto nila.
"I'm sorry, Gace. Sa totoo lang, gusto ko rin naman mahalin ka e, pero kasi masasaktan lang tayo parehas kung magpapanggap ako para sa kapakanan nating dalawa. Gusto ko lang maging totoo, na kahit masaktan ka, alam kong hindi ako nagsisinungaling sa'yo."
"Thank you for being honest, Saturn. Kahit 'yan lang ang maibigay mo, masaya na ako." He smiled weakly.
Pinunasan ko ang aking luha at niyakap n'ya naman ako.
"I'll take this pain because love will take risk for everything."
May kung anong sakit ang naramdaman ko sa 'king dibdib. Pwede bang tumakas na lang sa reyalidad? Pwede bang alisin na lang 'tong hirap na nararamdaman ko? Pwede bang ipagdasal na lang na makalimot ako? Like accident tapos magkaka-amnesia.
Kasi kung sino pa 'yong taong hindi deserve makalimot, sila pa 'yong naaaksidente, sila pa 'yong naghihirap, laging nagdadasal na makaalala. At kung sino pa 'yong mga tunay na nahihirapan, sila pa 'yong humihiling na makalimot, sila pa 'yong nangangarap na maaksidente.
Ang puso kahit saksakin mo ng ilang beses, puso pa rin 'yan. Ang problema nga lang may butas na, hihilom naman kaso matagal bago bumalik sa dating anyo. Hihilom kaso may sakit pa rin na mararamdaman. Gagaling kaso hindi na kasing sigla ng dati, kasi nasaktan na e. Matatakot na s'yang masaktan pero wala naman 'tong magagawa dahil s'ya ang sasalo lahat ng sakit. Mahihirapan, pero titiisin dahil 'yon ang trabaho n'ya. Ang pigilan ang emosyong nararamdaman ng isang tao.
Kahit sabihin mong ayaw mong masaktan, darating at darating ka sa puntong parang ikaw na ang may hawak ng problema ng mundo. Umiwas ka man sa maraming tao, in the end, ikaw pa rin ang masasaktan. Alam mo kung bakit? Dahil maiisip mo na bakit ka lumaki ng ganito, walang kaibigan, walang kumakausap at higit sa lahat, parang kaluluwa na nilalagpasan ng kung sino.
"Pero bali wala rin ang paghihirap mo kung sa huli, hindi rin naman ikaw ang pipiliin ko."
"Alam ko...dahil ngayon pa lang hindi na ako ang pinili mo. Sa akin ka ikakasal pero sa iba umiikot ang mundo mo. Masakit, Saturn, pero wala akong magagawa."
Hinawakan n'ya ang aking kamay at dama ko ang panlalambot nito.
"Gace, bakit ako?"
"Hindi ko alam, basta puso ko ang nagsabing ikaw." Pumikit ito. "Ikaw, bakit hindi ako?"
Tinitigan n'ya ako sa mata. Yong tipong handa s'yang pakinggan ang sasabihin ko kahit ano pa 'yan.
"Hindi ko rin alam, baka dahil s'ya ang pinili ng puso ko at hindi ikaw." Saad ko.
"Paano kung wala si Brennon, ako kaya ang pipiliin mo?"
I looked at him. He looks tired but he still asking me. Parang naghihintay na lang s'yang sabihin ko na ikaw ang pipiliin ko.
Ayokong magsinungaling lalo't sa taong may gusto sa akin. Ayos lang na isampal ko sa kan'ya na hindi ko s'ya gusto, at least alam n'yang nagpapakatotoo ako.
"Kung wala si Brennon, hindi kita kilala, hindi tayo magkikita. Nangyayari lang naman ang lahat ng 'to dahil sa aming dalawa. Kung wala s'ya, wala 'to, walang ikaw, walang ikakasal, walang pagpapahirap, Gace."
Niyakap ko s'ya para kahit papaano mawala ang sakit na nararamdaman n'ya. Pero alam kong hindi iyon epektibo dahil lahat ng salitang binibitawan ko, paniguradong nakatatak na sa utak n'ya.
"Mananatiling ikaw ang inspirasyon ko kahit na hindi ako."
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...