Pumungas-pungas ang mata ko nang may liwanag na tumapat sa mukha ko. Napahawak ako sa aking batok na masakit. God! What the hell happened!?
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Saturn! Ngayon, alam mo na kung anong pakiramdam ng magahasa, hindi ba!?" Galit na galit si Tita sa akin. Nag-uusok ang tainga at ilong nito dahil sa ginawa ko.
I saw Gace beside her. Kita ko ang awa sa mata n'ya pero hindi ko s'ya mapapatawad sa ginawa n'ya. He's a traitor!
"Tita, I'm not raped, muntikan lang! Imbis na mag-alala ka at tanungin kung ayos lang ako, ito ang ibubungad mo sa akin!?"
"Gosh! So ipinagmamalaki mo pang muntikan ka nang magahasa! Tutularan mo pa ang nanay mo!" Singhal n'ya.
"Sa tingin mo ginusto ko 'yon!? Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagkakanda leche-leche ang buhay ko! Hindi mo ba 'yon narerealize?"
"Ikaw ang nagpapahamak sa sarili mo, Saturn. I'm doing this for your own sake! Mabuti nga't si Gace ang nakakita sa'yo, paano kung iba? Alam mo ba ang gulong pinapasok mo!?"
Binalingan ko si Gace na ngayon ay nakayuko na. Alam kong nakokonsensya s'ya sa akin. Para akong kinidnap dahil nakagapos ang dalawa kong kamay.
Bakit naging ganito na ang lahat?
"You'll pay for this, Tita. At ikaw Gace! Hindi kita mapapatawad. Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan kita! Nice act huh! Sana nag-apply ka na lang ng artist para may pakinabang ang pagpapanggap mo!"
"I'm sorry, Saturn. I really need to do it." Nakapalumbaba nitong sabi.
"Syempre kailangan dahil may perang katapat e, ang dami nga naman talagang nagagawa ng pera. Don't worry Gace, kapos din ako pero hindi ako kumapit sa masama." Ani ko at tumingin kay Tita.
"Dito ka lang, Saturn. Hindi ka na makakalabas dahil sa oras na makatakas ka, magkakabalita ka na lang tungkol sa taong mahal mo."
Bigla akong kinabahan sa banta ni Tita. Huwag n'yang sabihin na may gagawin s'yang masama kay Brennon.
"Subukan mo lang, Tita. Sa oras din na makaalis ako sa kamay mo. Mas malala pa ang mangyayari sa'yo."
"Oh, I'm scared. Thank you for that, mas lalo akong naganahan na ikulong ka sa kwartong 'to." Tumawa ito na parang demonyong nagtagumpay sa plano n'ya.
"You're welcome, Tita and goodluck." I smiled.
Kinuyom n'ya ang kan'yang kamay at halatang nainis sa pang-iinsulto ko.
Tinalikuran n'ya ako ngunit naiwan dito so Gace. Nakatingin lang sa akin at parang may gusto itong sabihin."Saturn, hindi ko talaga gustong ipahamak ka, I'm sorry. Ramdam ko rin ang hirap na dinadanas mo pero kasi..."
I looked at him.
"Kasi ano?"
"Kasi..."
"Fuck, Gace. Diretsuhin mo ako, 'wag kang pabitin! Just say it!"
"Kasi kailangan ko ng pera." Yumuko s'ya.
"Putanginang pera, Gace. Paano kung pinapahuli ako si Tita kasi gusto n'ya akong patayin, papayag ka!? Magiging kriminal ka!"
"Hindi naman ako papayag kapag gano'n ang gusto n'ya. She's so powerful at kaya n'yang gawin ang lahat sa isang salita lang."
"Hindi ako interesado, basta ang sa akin lang. Traydor ka at wala nang iba. Kalaban ka Gace! How could you do this to me!?"
"I'm sorry, Saturn."
Tumayo na s'ya at tinanggal ang lubid na nakatali sa kamay ko.
"I need to do this for myself."
Nag-igting ang panga ko kasabay ng pagsuntok ko ng malakas sa mukha n'ya pero agad n'ya naman akong nahawakan ng mahigpit.
"Wag ka nang manlaban, Saturn. Masasaktan ka lang."
He closed the door as he walked out.
Umupo ako sa higaan ko at pinunasan ang mga luha kong lumalandas pababa ng pisngi ko.Napalingon lang ako sa tunog na nanggagaling galing sa Veranda ng kwarto ko.
Binuksan ko 'yon at nakita ang maliit na sobre. Pinulot ko 'yon at binasa ang mensaheng nasa loob nito.
*I promise, I'll save you*
Sabi ng mensaheng nasa sobre. Agad akong luminga-linga sa paligid at nagbakasakaling makita ang nagbato nito.
Hanggang sa pagtulog ko ay hawak-hawak ko ito. Bumabagabag s'ya sa utak ko at hindi mapakali kung sino ang nagbigay.
Imposibleng si Brennon 'to dahil puno ng security guard sa baba.
"Madam, ito na po ang pagkain n'yo." Binukasan n'ya ang pinto ko at tumingin muna sa paligid bago binigay ang sobreng hawak n'ya.
What? Saan nanggagaling ang mga ito at bakit nakakaabot pa hanggang loob.
Binukasan ko muli ang panibagong sobre at binasa ito.
*I'm watching you*
"Who the fuck are you!?" Inis kong bulong.
Itinabi ko 'to at binuksan ang tasa kong may sinigang na pagkain. Hinalo ko ang ulam at nakita ang plastic na may lamang papel.
"Putcha! Kakain na lang, andami pang pakulo!"
*I'm everywhere, around you*
Bigla akong nabuhayan sa nabasa ko. Pandalas ako sa pagtayo at pumunta sa may Veranda.
"Brennon!" Sigaw ko ngunit malakas na bumukas ang pintuan ko kaya bigla akong napatayo.
"Why the hell are you shouting!?" Singhal sa akin ni Tita.
Tumingin ako sa katulong na nasa tabi n'ya. S'ya 'yong nagbigay ng letter at pagkain sa akin kanina. May ibinagsak s'yang isang papel malapit sa pinto bago ko muling binalingan si Tita.
"Nightmare," tugon ko.
"You're having a nightmare about your ex!? Aww, what a true love, Saturn. I'm sorry but you can't see him forever." Aniya at hinablot ang buhok ko kaya dumagasa ako sa sahig.
Shit!"What the hell, para saan 'yon!?" Sigaw ko.
"Because it pissed me off when you're calling your ex name!"
"Oh come on, you're just bitter kasi hindi ka minamahal dahil sa ugali mo." I rolled my eyes on her.
Tita has many ex's, hindi nagtatagal sa kan'ya dahil ang sabi ng iba ay pineperahan n'ya lang daw. I don't know why money is so important to her. Minsan ay sinasabihan pa s'yang mandurugas, until Tito came. Nagbago si Tita pero kaunti lang. Minahal nila ang isa't isa hanggang sa umabot ng kasalan.
Sobrang saya ni Tita kasi may nagtitiis sa ugali n'ya. May nagmamahal sa kan'ya at higit sa lahat, may asawa na s'ya. Pero hindi ro'n nagtatapos ang love story nila. Nakipag divorce si Tito kay Tita dahil sinumpong na naman ng sakit n'ya. Ang perahan ang mga taong malapit sa kan'ya.
Hanggang ngayon, kilala s'ya sa buong baryo namin dahil sa gawain n'yang manloko para lang pera.
"How dare you, Saturn!"
"Oh, I'm sorry. Did I reach your limit!? Don't be mad, may pera ka naman galing sa mga niloko mo e." I laughed.
Inis n'ya ako tinalikuran at dali-dali ko naman kinuha ang papel na ihinulog no'ng katulong kanina.
*I missing you*
*I need you*
*I love you*
BINABASA MO ANG
Love and Desires
RomanceCOMPLETED Ang pag-ibig nga naman ay isa sa pinakadelikado at nakakatakot na mangyayari sa buhay mo. Isipin mo, mahuhulog kayo sa isa't isa ngunit, kayo nga ba talaga hanggang dulo? Paano kung lahat ng positibong sinabi mo tungkol sa inyo ay kabalikt...